"In behalf of Skyline Airlines and the entire crew, thank you for joining us on this trip. We are looking forward to see you on board again in the near future. Have a nice stay!"Nagpasalamat ang isang matanda pagkatapos ko siyang tulungan sa kanyang bagahe. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon. Nakatayo lang ako sa exit habang nakangiting nagpapasalamat sa mga passengers.
"Lia! Uuwi ka na?" Tanong ni Ashley na isang flight attendant din."Oo," nakangiting sagot ko sa kanya. "May naghihintay pa sa akin."
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa service ng airline. Ang ibang crew na kasama namin ay nag-uusap tungkol sa mga plano nila pagkatapos ng trabaho.
"Kain muna tayo, Lia!" Aya ni Valene na isa ring crew.
"Sorry Val, hindi muna ako makakasama sa inyo ngayon." I smiled apologetically at her.
Zoe raised her hand. "Me too, girls. May date pa ako later." she even winked at us.
Sina Ash, Val at Zoe ay mga flight attendant rin kagaya ko. Sila ay nakilala ko sa initial training, hanggang sa naging close na kami kaya palagi kaming sabay kumain pagkatapos ng trabaho.
"Tayo nalang naiwan, Val." Ash pouted and clung onto Valene's arms.
Pabirong tinanggal ni Val ang kamay ni Ashley. "Naiwan lang, Ash. Walang tayo."
Tahimik na natawa nalang ako sa kalokohan ng dalawa. Sanay na ako sa ganyang drama nila dahil sa aming apat, sila ang pinaka-close sa isa't isa. Magkakilala na kasi sila simula noong high school. Silang dalawa nga ang unang nag-approach sa amin ni Zoe dahil napansin daw nilang wala kaming kilala noong training.
Hindi naman kami palaging nagkakasama sa flights. Sa katunayan ay sobrang dalang kaming nagkakasamang apat sa isang flight. Kung minsan ay hindi kami kompleto dahil iba't iba ang nakakasama namin, minsan ay wala talaga akong nakakasama sa kanilang tatlo. But we are used to it. Sa nature ng trabaho namin, sanay na kami sa ganito.
Magkakatabi kaming nakasakay sa service. Si Ashley at Val ay nag-uusap kung saan kakain habang abala naman si Zoe sa cellphone niya.
"Omg girls! Look at this!" Napatili ng mahina si Zoe habang nakatutok sa phone niya.
Ashley and Val immediately turned their heads. "Genesis will be having a concert on Manila this month. It will be the last destination of their Asia Tour for this year." mahinang basa ni Val.
"Gosh. One of my favorite bands. Finally! Babalik na ulit sila dito after Asia Tour! Nood tayo, girls!" Kinikilg na pahayag ni Ashley.
"Wait," binasa pa ni Zoe ang iba pang details sa concert. "Two weeks from now pala ang concert! At one night lang! Shit sana wala akong flight sa gabing 'yan!"
They immediately rummage their flight schedules. Binigay na kasi ang schedule namin for this month. Every end of the previous month binibigay ang schedule namin at mabuti iyon para alam na namin ang ang mga araw kung may trabaho ba kami or wala.
I sighed and turned my gaze at the windows. Nakakamangha ang naghahalong kulay ng kalangitan ngayon. Pink and purple colored skies were scattered above. It was already five in the afternoon, that is why the skies were in this state.
I was almost lost in my reverie but Ash suddenly poked my arm. Napatigil ako sa pag-iisip at lumingon sa kanya.
"May flight ka ba sa next next saturday?" she asked in a hopeful tone.
Zoe rolled her eyes. "Girls, we already know Lia. She has no interest in these stuff! Kahit kailan, hindi ko pa nakitang nagfa-fangirl 'yan!"
Zoe was right. I never showed interest in this thing. Hindi kagaya nila na sobrang tutok sa nangyayari sa buhay ng mga sinusuportahan nila. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na iyon gusto. It's just that I am not really that kind of fan. I am just a fan who supports the artists silently. Kahit sa mga artistang gusto ko at sa iba pang personalidad na hinahangaan ko.
BINABASA MO ANG
Seeking for Solace (Completed)
RomansaMartin Thaddeus Marquinez is sick in his career. Unending issues and lots of pressure, that's what he gets as the vocalist of Genesis, one of the country's rising band. Martin got tired of it, so he did the most ridiculous thing that he could ever t...