2

1K 66 17
                                    

Chapter 2
  
  
   
"Hey miss! Could you please stop for a moment? I just want to ask you something."

I stopped walking and immediately looked at where the voice came from. There was a tall man standing not so far from me. 

Oh. So hindi pala guni guni iyong narinig ko kanina. There was really someone in here aside from me. 

Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa parteng ito at may ball cap siyang suot kaya bahagyang natatakpan ang mukha niya.  But looking at him from this distance, I can say that he's tall. Nakasuot siya ng itim na jacket at black pants. May backpack din na nakasabit sa likod niya.

"Ano 'yon?"

He looked down and put his hand at the back of his neck. "Uh... May tv ba kayo sa bahay niyo?"

Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya.

"Bakit? Nanakawin mo?"

Sino ba itong lalaking 'to? Baka mamaya magnanakaw na pala siya.

Agad na umangat ang ulo niya nang marinig ang sagot ko. He slowly walked towards me. Unti unti kong naaaninag ang mukha niya.

"No. It's just..."

This time, I can clearly see his face.

Makinis. Iyan ang unang una kong napansin pagkakita ko sa mukha niya. Parang nahihiyang lumitaw ang mga pimples sa sobrang kinis ng mukha niya. His jawline is well defined. Thick eyebrows and pointed nose. Over all, he just looked so... angelic.

"Alam mo sir, kung wala kang sasabihing matino, aalis nalang ako."

Akmang tatalikod na ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko namang iniwakli ang kamay ko. "Ano ba!"

His eyes widened. Mukhang nagulat sa ginawa niya. "Sorry! Sorry, I didn't mean it," he cleared his throat. "Okay. To tell you the truth, I got lost."

"Paano ka napunta dito?" I asked, still doubting if he is telling the truth.

"Sumakay ako ng eroplano?" he sounded like it was an obvious answer.

I rolled my eyes. Wala na ba siyang mas matinong sagot?

"Bakit ka sumakay ng eroplano kung hindi mo alam ang pupuntahan mo?"

Sino bang matinong tao na pupunta sa isang lugar na walang ka alam alam? Kahit nga mga turista ay inaalam muna ang mga lugar na balak lakbayin bago pupunta.

"You're a tour guide, right?" He pointed at my shirt, totally ignoring my question. "Guide me in your paradise, then."

"You're hopeless, sir." I said and walked away.

Bumalik na ako sa parking area at sumakay na sa van. Buti nalang at hindi na nagtanong si Mang Kardo kung bakit ako natagalan. Kung bakit ba kasi nakasalubong ko pa ang nakakainis na lalaking iyon.

Hinatid muna ako ni Mang Kardo sa apartment ko bago siya umuwi. Mamayang alas otso pa kami pupunta sa headquarters ng Happy Tours, ang itinakdang oras kung kailan kami magre-report.

Sino naman kaya ang bagong tourist na makakasama ko? Iyan palagi ang tanong na namumuo sa isipan ko pagkatapos ihatid ang huling turista.

Way back on the times that I am still new on this job, I always feel sad whenever I will send off the tourist. Pero nang tumagal, unti unti na akong nasasanay sa trabaho ko.

People come and go. That's the truth and we have nothing to do but to accept that. Kaya tanggap ko nang hindi permanente ang lahat ng taong nakakasalamuha ko.

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon