3 A.M nang dumating ako sa hospital na sinabi ni Ky kung saan naka admit si mama. I went to Nurse Station to ask where my mom room is.
''Hi, ahm... Meron bang Marciline Alcantara na naka admit dito? what her room?'' Tanong ko sa isang nurse malapit sa counter.
''Yes po sir, nasa Room 104 po sya floor 3.''
''Thank you'' mabilis akong umakyat gamit ang hagdanan, nag kanda patid patid na ako dahil sa pag mamadali ko.
Nang dumating ako sa harap ng kwarto, nakatitig lang ako sa pinto. Nag iisip kung papasok ba ako o hindi nalang? Kung itutuloy ko pa ba o wag nalang, dahil hanggang ngayon ang sakit sakit padin. Its been 4 years but the pain is still here. But i have no choice, my brother waiting me. So i open the door slowly and when i open the door completely i saw Ky sleeping in the sofa. My mom sleeping in the hospital bed. Nag lakad ako ng mabagal papunta sa maliit na cabinet para doon ilagay ang mga napamili kong pag kain, overloaded na so nilagay ko nalang ang iba sa mini table katabi ng cabinet.
Pagkatapos ko gawin yon ay tinitigan ko si mama, nakakunot sya at parang may sinasabi.
''Cyrus...Cy...''
Lumapit ako para maintindihan ko ngunit biglang bumukas ang pinto, niluwa non ang taong kinamumuhian ako, ang taong dapat sya yung magiging panangga ko sa lahat ng bagay kaso tinaboy ako, si papa.
Nakita ko agad ang expression nya, galit at punong puno ng pandidiri. Nakakatakot. Di ko alam ang gagawin ko, nakatayo lang ako at nakatingin sakanya. Natatakot ako na baka pag gumalaw ako ay saktan nya ako.
''Bakit ka nandito?'' Mahinahon ngunit punong puno ng galit ang salita nya, na kikita ko ang papandiri sa mga mata nya. Lumakad ako palabas sana ng kwarto ngunit naharangan nya ito.
''Bastos ka din talaga no?! Kinakausap kita diba?! Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko bakit ka nandito?!'' Napalakas ang pag kakasabi ni papa kaya nagising si ky at mama.
''Aalis na po ako, pasensya na po'' ayan nalang ang nasabi ko dahil wala na akong maisip na dahilan kung bakit nga ba ako nandito? Hindi parin umaalis si papa sa pintuan kaya hindi ako makadaan.
''Wag na wag ka ng babalik dito ha?! Nakakadiri ka! Umalis ka na--'' napatigil ng pagsasalita si papa ng sumigaw si mama. Napatingin den ako kay mama at nakita ko na umiiyak na sya habang si marky naman ay niyayakap si mama para siguro pagaanin ang loob.
''Tama na! Ano ba Rolando! Anak mo padin yan!'' Nag aalala ako kay mama dahil baka atakihin na naman sya sa puso.
''No its okay po, aalis na din po ako. Mag pahinga na po kayo uli, pagaling po kayo ma'' naiiyak na ako, pero pinipigilan ko lang kasi ayokong mag mukhang mahina at nasasaktan sa harap nya kasi alam kong mag aalala sya.
Lumabas na ako sa kwarto pero bago ako makaalis totally narinig ko ang bulong ni papa na nag padurog sakin.
''Wala akong anak katulad nyang bakla. Kaya ikaw ky kung ayaw mong magaya sa kanya wag kang magiging bakla''
Di ko na napigilan ang aking luha, kusa nalang itong bumagsak na parang malakas na ulan. Sobrang sakit na marining ang mga salitang yon mula sa aking sariling ama. Ang sakit sakit dahil kahit hanggang ngayon hindi padin nya ako tanggap, kahit na ang yaman yaman ko na, kahit sobrang sikat na ako. Kahit na successful na ako hindi parin nya ako tanggap, hindi parin sya proud saken. Ang hirap, sobrang hirap. Kailangan ko sila ngayon e, sobrang pagod na ako sa trabaho, kailangan ko ng yakap ni mama. Yung mga advices ni papa at yung kakulitin ni ky. Sobrang namimiss ko na sila, sobra.
Bumaba ako upang kausapin ang nurse na nakausap ko kanina. Mugto ang mata ko pero wala akong pake.
''Ahm h-hi po, can i h-have a fav-vor?'' Medyo nauutal dahil kakagaling lang sa iyak.
''Yes po sir, ano po yon?''
Inabot ko ang calling card ko ''So kung madidischarge na si Marciline Alcantara, pwede nyo po ba akong tawagan at ako na ang mag babayad lahat. At wag nyo sana sabihin sakanila na ako yung nag bayad. Thank you''
Umalis na ako at hindi na hinintay ang sagot nya, pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa Club 8 sa Ortigas para mag pakalasing.
Bawat minuto na lumilipas ay bumabalik ang mga memoryang dapat ay matagal ko ng kinalimutan, kasabay ng mga luha kong akala mo'y ulan sa bilis ng pagragasa nito. Durog na naman ako, durog na durog.
~flashback~
4:15. Pauwi na ako sa dorm na tinitirahan ko sa manila, i was so happy kasi ngayon ang 1st Monthsary ng aking boyfriend na si Rafael. Dumaan muna ako sa isang candy shop para bumili ng chocolate na ibibigay ko mamaya sakanya. May napag usapan kasi kaming sa dorm ko mag cecelebrate tutal saturday naman at pwedeng mag papasok ng outsider, plus wala din akong kasama ngayon kasi uuwi daw muna yung kasama ko sa bahay nila, so solong solo namin!!
Sa sobrang excited ako hindi ko na napansin na nasa tapat na pala ako ng aking kwarto, pumasok na ako at dumaretso sa CR para maligo. After kong maligo nagluto ako ng Pancit canton dahil eto daw yung gusto ni Rafael kainin. Masayang masaya ako at mas lalo akong sumaya ng may narinig akong katok mula sa pintuan. Dali dali ko itong binuksan at nakita ko ang lalaking pinaka mamahal ko. Sobrang mahal na mahal ko sya dahil sya ang first love ko, sya yung unang lalaki na minahal ako ng totoo.
Niyakap ko sya at niyakap nya ako pabalik, ng makapasok na kami sa loob ay siniil agad nya ako ng halik. Nagulat ako sa giniwa nya kaya hindi agad ako nakapag response, hinalikan ko ito pabalik. Umiinit at lumalim na ang halikan namin, naihiga na rin nya ako sa sofa na malapit lang sa pinto, huminto kami sa pag hahalikan upang hubadin ang aming mga t-shirts. Nag palit kami ng pwesto at sya naman ang nasa baba ako naman ang nasa taas, damang dama ko ang init nya pati narin ang pagka lalaki nyang buhay na buhay na, hinimas himas ko ito at lalo itong nabuhay.
Wala akong iniisip, kundi itong lalaki lang na hinahalikan ko ngayon, yung lalaking mahal na mahal ko. Napahinto kami sa aming ginagawa ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking mga magulang. Nagulat ako, hindi ko alam ang aking gagawin. Pati rin si Rafael ay nagulat at natakot, nakita ko ang pag pipigil ng galit ni papa at ang pagkagulat ni mama dahil sa nakita nya.
Lumabas si Rafael ng dorm ng nakita nyang makakadaan sya, tinakasan nya ako!
''Rafa--'' Di ko na naituloy ang pag tawag ko kay rafael dahil natumba ako sa malakas na pag sampal sakin ni papa. Nagulat ako sakanyang ginawa, unti unti kong nararamdaman ang pag init ng aking pisnge, at pag hapdi nito. Bago pa ako makabawi pag kakasampal ni papa ay nasampal nya na uli ako.
''Cyrus ano yon?! Cyrus??! Eto ba?! Eto ba ang dahilan kaya bakit gusto mo mag dorm?!! Dahil gusto mo may lalaking maiuuwi ka?!!'' Galit na galit na pag kakasabi sakin ni papa
''H-hind-di po p-pa''
Tumalikod si papa at hinila si mama palabas, pero bago siya lumabas may sinabi syang nag pagunaw ng mundo ko.
'' Wala akong anak na bakla! Ang dumi dumi mo Cyrus! Hindi na ikaw yung anak ko!''
~
Note:
Idk kung nakakapag pagunaw ba yon ng mundo pero ang sakit kaya non.
Mabilis yung pangyayari no? Parang kayo ng jowa mo ngayon wala na heheLovelots :P
BINABASA MO ANG
Love in japan
Romance[COMPLETED, UNDER EDITING]Cyrus Alcantara. Also known as a great CEO and an intelligent entrepreneur. He inspired a lot of people because he succeeded on his own. He was very stubborn and grumpy until he met Javier Diaz. A bar tender in Japan who ma...