Acceptance

23 4 0
                                    

Note: bakit nasa unahan ang note? Wala lang gusto ko lang HAHAHAHHAHA basahin nyo yung note ko pls!!! Ito nga lang pinaka gusto ko sa story ko e. Yung note lang talaga, so ito siguro konti lang to kasi almost 3k yung last chap. Kakatuyo ng utak mga bhieee! At tsaka naka limutan ko ilagay to sa mga chaps. ERRORS AHEAD!

~

''Hello kuya?'' Bungad sa akin ni marky nang sagutin ko ang tawag nito, na ikwento ko kasi sakanya ang nangyari sakin. Sakanya ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ng puntahan ako ni javi, akala ko yung pag uwi ni javi dito para sakin at masaya pero sobrang sakit pala, sobrang nakakadurog. How ironic.

''Yes ky?'' Walang gana kong sagot kay marky. Nakahiga lang ako sa kama ko at patuloy padin ang pag tulo ng aking luha. Ano ba to, hindi na naubos ang hapdi hapdi na ng mata ko.

''Kuya ahm punta ka dito sa bahay, pwede?'' Napatayo ako sa nadinig ko mula sa kabilang linya. Alam nya naman diba na ayaw na ayaw akong makita ni papa? Gusto ko kaso ayoko masaktan na naman. Di pa nga ako nakakamove on sa nangyari 2 years ago tapos etong kay javi at ito na naman. Masasaktan na naman ako, ayoko na.

''Ky alam mo naman diba si papa?'' Sabi ko nalang kay marky.

''Wala si papa kuya, namimiss kana kasi ni mama. Sobra'' may halong lungkot na pag kakasabi ni ky sa kanya, okay lang kung wala si papa. Sige tutuloy ako.

Tumayo na ako ''I'll be there, wait for me ky'' pinatay ko na ang tawag at dumaretso na sa pag ligo. Pagkapasok ko na CR ay isa isa kong hinubad ang aking mga suot suot at tumungo sa shower area. Sa bawat pag dampi ng tubig na nang gagaling sa shower na dumadampi sa aking katawan ay kasabay ng pag tulo ng aking luha. Kelan ba to maalis sakin? Kelan ko ba sya makakalimutan? Kelan ko ba matatanggap na tapos na kami.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse na hinanda ng aking driver, kinuhaan ako ng driver ni karen dahil daw baka mabangga ako kasi broken daw. Ewan ko ba dito kay karen.

''Sir saan po tayo?'' Tanong sa akin ng driver ko, tinignan ko sya gamit ang rear mirror. Sinabi ko ang address kung saan kami nakatira dati, nagsimula ng umandar ang kotse. I was wearing sky blue polo, denim short and plat shoes. Simple lang kasi dadalawin ko lang naman si mama at ky.

Mabilis ang aming byahe dahil walang traffic, lumabas na ako. Naiwan ang aking driver dahil kinuha nya ang bag na regalo ko para kay mama. Mahilig sa bag si mama kaya sigurado ako magugustuhan nya lalo't pa ay may pangalan yung bag. Binilhan ko na din si papa ng relo, tas kay ky ay wala. Palagi naman kaming lumalabas ng patago ni ky, sobrang spoiled na nito sakin kaya di ko na sya binilhan ng pasalubong.

Nag doorbell ako ng makarating ako sa harap ng pinto ng bahay namin, old fashion ang dating nito at nahahalata na din ang pagkaluma ng bahay. Mag dodoorbell na ulit sana ako ng bumukas ang pinto, parang gusto ko ng umuwi ng makita ko kung sino ang nag bukas nito. Umatras ako at naghahanda ng umalis.

''Aalis ka na? Di kaba muna mag mamano sa papa mo?'' Nakangiti si papa habang sinasabi ito. Di ko alam kung anong gagawin ko. Tama ba ang nadinig ko? Tanggap nya na ba ako? Naiiyak na ako, naiyak na ako. Nagsimula ng mag si tulo ang aking mga luha, nag uunahan sila na tila'y may karera. Lumapit ako kay papa at niyakap sya, humagulgol ako sa dibdib ni papa ay niyakap sya ng mahigpit. Hinimas himas ako ni papa sa likod na lalong nag papaiyak sakin.

''Grabe namang makaiyak to, tama na Cy...'' bulong nito sakin at niyakap ako nito ng mahigpit. Kumalas ako at niyakap sya uli.

''P-pa ang tagal ko itong h-hinintay'' sabi ko sa gitna ng aking paghagulgol sa dibdib ni papa. Basang basa na ito dahil sa aking mga luha. Ang sarap sa feeling na tanggap na ako ni papa. Kasi ano hindi ko maexplain yung feeling, kulang ang sobrang saya para iexplain ang nararamdaman ko. 2 years ko itong hinintay, 2 years akong nangulila, 2 years akong nawalan ng ama. Sobrang miss na miss na miss na miss ko na si papa. Miss ko kung paano nya ako patahanin pag umiiyak ako, miss ko yung pagluluto nya ng kare kare na sobrang sarap talaga at miss ko na rin ang mga advices nya sakin.

Love in japanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon