Love In Japan

24 4 1
                                    

Sabi nila, wala naman talaga sa oras yan at taon. Kahit saglit palang kayo mag kakilala, kung mahal nyo ang isat isa ay mabilis na magiging solid yung pag mamahalan nyo sa isat isa. Di mo na kailangan umabot ng 5 years, 2 years o ilang years pa yan para masabi lang na mahal mo sya, kung mahal mo maipaglalaban mo, kung mahal mo mag sstay sa tabi mo.

Last day, nasa kwarto ako ni jav. Magkatabi kaming nakahiga, nakaayos na ang mga gamit ko lahat lahat pero hindi parin ako kumikilos. Nanatili parin akong nakayakap kay jav, ayoko umalis. Sa mga nag daang araw ay nakilala na namin ang lubusan, ang galing no? Ang bilis naming nag kakilala at nag mahalan pero ramdam na ramdam ko yung pag mamahal nya sakin. Jav started courting me at syempre hindi naman ako ganon ka pabebe at pahard to get pa, ayos na yung 10days na pag papakilala at pag papakita nya sakin na mahal nya ako. Naniniwala naman ako sakanya e, kaya mamaya sa airport ay sasagutin ko na sya.

Nakakalungkot lang, ang bilis ng panahon. Sobrang bilis. Tumayo ako at pumatong sa ibabaw ni jav, doon ako nahiga at niyakap sya ng mahigpit.

''Hey Mr. Cuteman! Tara na mahuhuli ka sa flight mo.'' Pagbasag nito sa katahimikan, ramdam ko yung sakit sa mga salita nya. Lalo ko syang mamimiss e kung ganyan sya mag salita.

''Edi okay, dito lang ako sa tabi mo'' sabi ko at hinigpitan pa ako lalo.

''Ano kaba kawawa si karen don, tsaka madami ka pang tatrabahuhin kasi ikaw yung boss HAHHAHAHA'' ramdam ko sa tawa nya na pinipeke nya lang ito, kilala na nya si karen dahil sa loob ng 10 days ay mas nakilala na namin ang isat isa. Na meet ko na ang isa nyang bestfriend dito sa japan nasi Zath. Mabait si zath at makulet, ang sarap nyang kasama.

Huminga ako ng malalim at tumayo na, tumayo na din sya at kinarga na ang maleta ko sa sasakyan nya. Iiwan ko ang isa dito na puno ng mga damit ko dahil babalik pa ako dito, ang dadalhin ko lang ay puno ng pasalubong.

4:30 PM ng huminto ang sasakyan namin dahil sa nag red ang traffic light, kanina pa kami walang kibuan. Wala akong gana mag salita at sigurado ako ay ganon din sya, sino ba naman kasing gaganahan diba? Mamimiss ko talaga tong lalaking to.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at nararamdam ko na pasulyap sulyap ito sakin. Nabobother ako kaya pinahinto ko sya.

''Itigil mo yan, baka mabangga tayo sige.'' Walang ganang pagkakasabi ko nito, wala akong narinig ni isang salita na okay lang naman sakin kasi sa bawat pag galaw nya ay lalong mamimiss ko. Nadaanan namin yung amusement park na pinag datan namin, naalala ko lahat ng masasayang memories don. Yung mga rides na sinakyan namin at mga tawanan namin sa loob non. Napahinga nalang ako ng malalim at pumikit. Ang bilis ng oras, andito na agad kami sa airport. Parang ayaw ko nalang tumuloy, parang gusto ko nalang ulit bumalik sa bahay ni jav. Gusto ko nalang mag stay sakanya. Pero wala akong magagawa, kailangan ko na talagang umuwi, andami ko pang aasikasuhin pag uwi ng pinas.

Nangako naman sya sakin na uuwi sya sa pinas siguro mga after 1week, aayusin nya daw muna ang mga papeles nya dahil doon na raw sya titira upang makapag sama kami. Bumaba na kami sa kotse at pumasok ng airport, hahatid nya sana ako hanggang loob kaso pinigilan kami ng guard. Kaya napahinto kami, siguro sabihin ko na ngayon.

''Jav mamimiss kita! Sobrang mamimiss. Thank you sa time, sa care, sa saya at sa love. Alagaan mo sarili mo ha? Mahal na mahal kita Javier Diaz. Sinasagot na kita'' pag papaalam ko sakanya, niyakap ko ito at hinalikan. Di ko na sya pinagsalita dahil pumasok na ako sa airport, tumulo ang luha ko. Tinignan ko sya mula sa likod at nakikita ko syang kumakaway sa likod ng mga salaming pader na nag hihiwalay saming dalawa. Kumaway ako pabalik at nag bigay ng flying kiss, ito ay sinalo ay at ako den ay binigyan nya. Natawa ako sa kagagawan namin at sya din, para kaming bata. Pinunasan ko ang mga luhang kanina na pa bumabara sa aking paningin, kita kong yumuko sya at nag situluan ang kanyang mga luha. Tumalikod nalang ako at nagsimula ng lumakad kasi ayoko ng makita pa ang mukha nyang umiiyak, baka kasi hindi na ako makauwi ng pinas.


8PM, kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko at natatawa ako kasi nadinig ko ang kanta ni shawn mendez na lost in japan. Kung si shawn naligaw sa japan ako umibig sa japan, nag mahal sa japan at sumaya sa japan. Namiss ko agad si jav, kaya ng makasakay agad ako sa taxi ay nag DM agad ako sakanya sa IG, hindi sya online siguro ay nasa bar ito kaya okay lang, natulog na ako dahil matagal tagal pa ang aking byahe. 10PM ng dumating ako sa bahay, nagbayad na ako at lumabas. Pumasok agad ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Pagkapasok ko ay nilapag ko sa sahig ang maleta ko at naghubad na ng damit. Hindi na ako maliligo dahil sobrang pagod na ako, naihiga na ako sa aking kama at chineck ang aking cellphone kung may reply na ba sya, at natuwa ako ng makita kong meron syang dalawang reply.

From: Javiby

Andyan ka na sa bahay nyo? Nasa Bar na ako, malungkot ako wala ka don sa favorite place mo.

Tulog kana, i love you.

Natawa ako sa dalawa nyang reply, ang sweet nya.

To: Javiby

Nasa bahay na ako, kawawa naman yang baby ko. Ako din malungkot kasi walang javjav na yumayakap sa akin! I love you. Gonna sleep na, im tired e. Alagaan mo sarili mo ha? Ayusin mo na agad yang mga kailangan ayusin para makapag sama na tayo agad.

Pagkatapos non ay pinatay ko na ang aking cellphone, nag dasal muna ako bago matulog. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na agad ako dahil sa sobrang pagod.

~

Ang bilis no? Okay na yon para ending agad. Aarte ka pa dyan di ka naman crush ng crush mo! Hmpf! Lovelots :P

Love in japanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon