5 PM nang sumakay ako ng ereplano. Nag karoon ako ng peace of mind dahil ako lang mag isa. Mabuti nalang at private airplane ako dahil gusto ko talaga mag pag isa. Gusto ko mag relax, walang ina-alala. Madaming nangyari sa mga nakaraang araw, gusto ko muna makalimot kahit 10 days lang. Gusto ko mag saya kahit 10 days lang at gusto ko pag tuunan ng atensyon ang sarili ko kahit 10 days lang.Natulog muna ako dahil medyo hindi ako nakatulog ng maayos dahil napaginipan ko na naman. Bakit ganon no? Yung mga bagay na gustong gusto mo nang kalimutan ay ito yung hindi mo makilumutan tas pag gusto mo sya maalala habang buhay ay mawawala agad sa isip mo, nakaka inis lang.
Almost 10 PM lumapag ang ereplano namin sa Tokyo Haneda International Airport. Medyo lutang pa ako non kaya di ako naka baba agad, nang bumaba ako ay sumakay agad ako sa taxi na nakaparada don.
''Good evening sir, do you speak english?'' Bungad ko ng makapasok ako ng kotse. Napagdesisyonan ko muna na umuwi sa hotel na binook ni Karen para sa akin. Gusto ko muna matulog para bukas masimulan ko ang pag lilibot dito sa Tokyo.
''Yes, a little bit'' sagot nito sa akin, hays buti nalang. Mabuti nalang at marunong ang driver.
''Ahm in Imperial Hotel, do you know that?'' Sabi ko sa hotel na binook ni Karen para sa akin. Tumango sya at sinimulan ang pag papaandar ng kotse.
Maganda sa japan, maayos. Ang linis, walang traffic. At kitang kita mo talaga kung bakit isa ito sa mga pinaka mamayamang bansa. Maganda den ang temperatura ngayon dito sa japan, hindi gaanong kalamig kaya sakto lang ang mga dinala kong jacket at sweater.
Naging mahaba ang byahe dahil malayo ito sa airport, nag bayad na ako at tumungo sa likod ng sasakyan para kuhain ang aking dalawang maleta. Tuminga ako para tignan ang hotel, maganda. 5 Star hotel sya tingin ko. Pumasok na ako dito at dumaretso sa reception.
''Im Mr. Alcantara--'' naputol ang aking sasabihin ng bigla itong nag salita.
''Konbanwa [Good evening] Mr. Alcantara, we've been waiting for you Sir. So this is your Key Rooms. Enjoy in japan!'' Magalak na pag bati sakin ng lalaking receptionist
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 3rd floor, nasa room 143 ako. Pag ka bukas ng pag ka bukas palang ng elevator ay naglakad na ako ng mabilis dahil sobrang naantok na ako dahil na din sa kapaguran sa byahe.
Pagkapasok ko ay namangha ako sa itsura nito, ang classic. Ang ayos, ang ganda. At tamang tama ang view pag sa gabi, maganda ang city lights na masisilayan mo. Nag hubad ako ng damit at tinapon ito sa kung saan at humiga sa malambot na kama ng walang saplot, wala pang limang minuto ay nakatulog na agad ako dahil sa sobrang pagod.
8 AM ng magising ako, maliwanag na. Napagdesisyonan ko na lumabas upang doon na kumain at simulan na din ang aking pag lilibot.
Sa pag kaka alam ko ay andito ako ngayon sa Tokyo Central, so malapit lang ang mga malls kaya di na ako mag tataxi. Naka white tshirt, small short at crocs lang ako. Pang bahay lang dahil dyan lang naman.Pag baba ko ay binati ako ng mga trabahante at sinuklian ko naman sila ng ngiti.
9 AM ng may mahanap akong kakainan, papasok na sana ako ng biglang may bumangga sa akin. Malakas ang aking pag kakabagsak, parehas kaming bumagsak sa lapag. Patayo na ako ng bigla akong ma out of balance, hinihintay ko ang aking pag kabagsak. So dinilat ko ang mata ko at nakita kong akay akay ng lalaking nabangga ako. Parang yung sa mga teleserye? Ganon ang dating.
Tinitigan ko ang mata nya, di sya singkit so baka di sya hapon. Siguro dahil sa pag kakatitig ko ay nailang sya at umayos na ang aming posisyon, yumuko sya at humingi ng tawad sabay alis.
Wtf?...
Sinundan ko sya ng tingin ngunit di ko na sya nakita dahil sa dami ng tao, pumasok na lang ako at di ni pinansin dahil nag sorry naman na sya. Nangmatapos akong kumain ay bumalik ako sa hotel upang maligo, nakatitig ako sa salamin at inaalala yung mga mata nya. The colour of his eyes was brown, bright brown. The way he looked at me a while ago is so different, its give me chills and make my heart melt. What is this strange feeling?
Binalewala ko nalang at pinag patuloy ang pag ligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at dumaretso na agad sa labas. Nag lakad lakad lang ako, bumibili ng mga street food na magugustuhan ko, nag titingin ng mga gamit na maari kong ipasalubong kay Karen. Sabi nya kasi pasalabungan daw kahit ano, ang hirap kaya mamili ng ANO kung ang gusto ng pag bibigyan mo ay KAHIT ANO!
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa harap ng isang Bar, sarado pa ito at mag bubukas ito mamayang 8 PM. Tinignan ko ang pangalan at nagulat ako na Gay Bar pala iyon.
6 PM umuwi na ako galing sa pag gagala dahil sobrang pagod na ako, ang sakit na ng paa ko. Nahiga muna ako sa kama at pumikit sandali, kaso sa pag pikit na yon ay naka iglip ako.
''P-pa mag pa-p-paliwanag ak-ko!''
''Hindi po t-totoo yan!''
Napabalikwas ako sa pag kakahiga dahil sa aking panaginip, hingal na hingal ako. Tumayo ako at tumungo sa mini ref na malapit sa kama ko, kumuha ako ng tubig na maiinom at tinungga ito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko, kitang kita ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin na stressed talaga. Chineck ko ang oras sa Cellphone ko.
Dumaretso ako sa CR upang maligo, mabilis lang ito. Namili ako ng black na oversize shirt at black na short sa maletang dala dala ko. Crocs lang uli ang suot ko at lumabas na ako ng kwarto.
~
Note:
Magula ba? Antok na ako e huhuhu, lovelots guys!
BINABASA MO ANG
Love in japan
Romance[COMPLETED, UNDER EDITING]Cyrus Alcantara. Also known as a great CEO and an intelligent entrepreneur. He inspired a lot of people because he succeeded on his own. He was very stubborn and grumpy until he met Javier Diaz. A bar tender in Japan who ma...