Nagising ako sa isang maaliwalis na silid, hindi ito pamilya kaya baka siguro nasa isang motel na naman ako malapit sa club na pinuntahan ko kagabi. Ang sakit ng ulo ko, kaya lumabas ako ng pintuan upang sana umuwi na pero laking gulat ko ay nakita ko ang maid ng aking secretary slash bestfriend, si karen.''Sir sabi po ni ma'am bumaba na daw ho kayo, gigisingin ko na nga po dapat kayo e'' bungad sa akin ni manang pag kalabas ko ng kwarto. Bumaba na ako at dumaretso sa dining area, nakita ko agad don si karen na nag titipa sa kanyang laptop habang ngumunguya ng kinakain nyang tinapay.
''Kumain ka nga muna karen, hindi maganda yan'' pagsasaway ko sa ginagawa nya.
''At bakit sa tingin mo nakakatuwa yung ginawa mo kagabi?'' Pagsusungit sakin nito, tss kaaga aga ang sungit. Ano nga ba yung ginawa ko kagabi? Di ko matandaan.
Masyado yatang napalakas ang aking inner voice kaya narinig ni karen ang aking iniisip ''Nagwala ka sa Club 8 at hinalikan mo yung isang lalaki don, nakakatuwa ba yon ha?''
Nagulat ako sa sinabi nya, nagwala? Nanghalik? Tss wala talaga akong maalala.
''Totoo?'' Hindi sa hindi ako naniniwala pero hindi talaga ako naniniwala.
''O sige nga, paano ka napunta dito kung di ko alam na nagwala ka at nanghalik ng lalaki? I was there Cy! Akala ko kasi maeenjoy ko yung break kaso hindi, andon yung boss ko na sinira ang gabi ko!'' Di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay karen dahil sa sinasabi nya. Halatang halata sa boses nya na frustrated talaga sya. She need a break again.
''You should take break again karen, sorry na abala ka pa''
''No need, ikaw ang mag take ng break Cy! Alam kong hindi ka okay. Kasi this past few days pagod ka sa trabaho, ang arte naman kasi ni Mr. Kim, akala mo laki ng share nya dyan sa kompanya.''
Napaisip ako sa sinabi ni karen, should i take break na ba talaga? Oo sobrang stressed na ako dahil sa work pero its normal naman diba?
''Sa tingin mo kailangan ko talaga?''
''Ang alen cy?''
''Ng vacation?''
''Yea you need it, tignan mo yang mukha mo oh ang haggard na. Ako na bahala sa trabaho mo, hindi na ako nasanay na lagi ka namang absent dahil lagi ka may hang over.'' Nang asar pa nga, oo na ako na yung pala absent ikaw na maging BOSS bagay naman sayo e. Sungit.
Hmmm, saan naman kaya ako mag babakasyon?
''Sa japan Cy!!!'' Nagulat ako sa pagsigaw ni karen, nababasa nya ba iniisip ko? Mind reader ba tong babaeng to?
''Karen mind reader kaba?'' Puno ng curiosity kong tanong sakanya.
Kumunot ang nuo ni karen at nag taka dahil sa tanong ko ''Ako mind reader? HAHAHHAHAHA ayos ka lang ba Cy? May tama ka parin no?''
''No, im okay na. Nasasagot mo kasi yung mga tanong ko sa isip e, tulad kanina, inisip ko kung saan kaya ako mag babakasyon tas bigla kang sumagot diba!'' Natawa si karen dahil sa sinabi ko, bawasan ko to ng sweldo tignan mo.
''Basta sa japan, makakapag relax ka don dahil wala kang kakilala. Tsaka ayon nalang naman na di mo napupuntahan diba?''
She have a point tho but im not sure if walang nakaka kilala sakin don.
12 NN, nang makauwi ako sa bahay ko, humiga lang ako buong mag hapon iniisip kung itutuloy ko ba yung bakasyon na sinasabi ni karen.
Sa tagal kong nag iisip di ko namalayan na nakatulog na pala ako, 4pm ako nagising dahil nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero ito ay unknown. Nag taka ako kung sino ang tumatawag kaya sinagot ko ito.
''Good afternoon sir, im Joy. And youre Mr. Alcantara right?'' Tanong sa akin mula sa kabilang linya.
''Yes, how do you get my number ms?'' Pag tataka kong tanong sakanya.
''So Ms. Karen called us, by the way I am the owner of Sulitrip, a travel agency. Ms. Karen booked you a flight to japan for tomorrow, you just need to confirm it if you will go or not''
Nagulat ako sa mga sinabi galing sa kabilang linya, bukas talaga agad? As in? Fudge
''Ahm can i call karen first? Then i will call you again, thank you'' Binaba ko ang tawag at mabilis na dinial ang number ni Karen. Mabilis naman nya itong nasagot.
''So naconfirm mo na?'' Bungad nito sakin.
''Karen talaga lang ha? Bukas talaga agad?'' Tanong ko sakanya, rinig ko ang pag tawa nya mula sa kabilang linya. Tawa tawa pa akala naman nya may nakakatuwa.
''Mabuti pang mas maaga na, para mas maaga kang bumalik. Sulitin mo yung 10 days trip ha? Naka private airplane ka kaya mag chill ka lang, naka ready na rin ang hotel na pag sstayin mo. Ikaw nalang kulang, by the way pera mo ginamit ko ha? Kaya wag kang mag taka kung bakit nabawasan ang nasa account mo. Bye na may trabaho pa ako'' hindi na ako nakasagot dahil binaba nya na agad, wala na akong magagawa. Nagawa na nya ang lahat.
Tinawagan ko si Ms. Joy at cinonfirm na itutuloy ko bukas, buti nalang at naka private airplane ako kaya kahit 5 PM na ako umalis ay okay lang. Pumunta ako sa mall para bumili ng mga kakailanganing gamit.
Sumakay ako sa kotse ko sa mabilis na nakarating sa SM dahil walang traffic, pag pasok ko ng mall ay dumaretso ako sa isang boutique na puno ng mga maleta.
''Good evening Sir, how can i help you?'' Bungad sa akin ng sales lady pag pasok ko palang sa loob ng boutique. Ngumiti sakin ang sales lady na halatang nag papacute sakin.
''Tss panget mo'' bulong ko.
''Sir ano po yon?''
''Sabi ko i like that one, the orange one.'' Sabi ko nalang para hindi sya mag isip ng kung ano ano.
Mabilis syang lumapit don ay inabot sa akin, lumapit ako sa cashier para mag bayad na at lumabas na ng boutique na yon.
7 PM, nasa isa akong sikat na restaurant at di ko naisipang kumain ng hapunan.
''Good evening po Sir, so what do you want to eat po?'' Tanong agad sakin ng isang waitress dito. Sinabi ko ang order ko at umalis na rin sya. Ayos ha, mabilis yung servings dito dahil naserve agad ang order ko.
Hindi pa ako nakakasubo ng biglang may umupo sa harapan ko. Babae.
''Yes? Do i know you?'' Tanong ko sa babaeng umupo sa harapan ko. Di ko sya kilala so bakit sya andito sa table ko?
Natawa sya sa sinabi ko na parang nag joke ako.
''Nagpapatawa ka ba--''
I cut her because im freaking irritated ''Mukha ba akong nag jojoke?''
Napangiwi sya sa sinabi ko ''Im Ericka, were highschool classmate. Cant you remember?''
Ericka??? No i dont remember it.
''No i dont''
''Seriously?!! Oh c'mon''
''Yes im dead serious, so can you please leave me alone?'' Im just irritated to girls.
Akala ko aalis na sya kasi tumayo na sya sa pag kakaupo pero ''Before i'd do that, can i get your number?'' At nagpapacute pa. Gross girl.
Tumayo na ako at lumabas sa restaurant, sa bahay ko nalang itutuloy ang aking pag kain dahil naiinis ako sa babaeng yon. Sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot pauwi sa bahay.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay dumaretso ako sa kwarto para mag ayos ng gamit.
10 PM kakatapos ko lang tapusin ang dalawang maleta na dadalhin ko sa japan, buti nalang at nakita ko ang luma kong maleta dahil kanina akala ko ay kasya na ang isa. Napagod ako sa ginawa ko kaya humiga muna ako pero dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako.
~
Ang gulo ba? Mas magulo mundo naten hehe, lovelots :P
BINABASA MO ANG
Love in japan
Romance[COMPLETED, UNDER EDITING]Cyrus Alcantara. Also known as a great CEO and an intelligent entrepreneur. He inspired a lot of people because he succeeded on his own. He was very stubborn and grumpy until he met Javier Diaz. A bar tender in Japan who ma...