Kabanata I : Patungo sa pamilya Lefèvre
Pinagmasdan ko ang ekspresyon sa mukha ng marikit na binibining nasa harapan ko. Ang luntiang mata nito ang palatandaang isa nga s'yang Lefèvre. Tunay ngang ka'y ganda ng lahi ng pamilyang iyon.
Ang matapang nitong pustura ay hindi nakatulong sa lumalaki kong pagnanasa sa binibining ito.
"Itigil ninyo ang hindi magandang pinaplano." Ang matapang nitong boses ay nagpabilib saakin.
Zenaida Lefèvre ang babae sa luntiang damit na kasing tapang ng isang Leon. Hindi ako makapaniwalang ito ang batang kalaro ko dati.
"Ano ang iyong pinagsasasabi?" Hindi n'ya ba alam ang nangyari sa pamilya namin? Naiintindihan ko iyon dahil bata pa s'ya nang mangyari iyon at hindi gugustuhin ng kanyang Ama na intindihin pa ang nangyari sa dalawang pamilya noon.
"Gaganti kayo dahil hindi n'yo nagustuhan ang naging desisyon ng aking Ama noon hindi ba? Kaya't ngayon ay babalikan n'yo kami upang maghiganti!" Napangiti ako nang makarinig ng takot sa boses n'ya.
Nagpapanggap s'yang matapang. Napailing ako at umapak palapit sakanya, umatras s'ya nang humakbang ako paabante.
Tama nga ako. Ramdam ko ang takot sa katawan n'ya paniguradong hindi n'ya nalilimutan ang nangyari noon.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong n'ya nang humakbang ako paabante sakanya, patuloy naman s'yang umaatras.
"Miss Lefèvre. You are a really bad girl you know? Coming here alone to rescue those people and now threatening a comrade with a weapon who just helped you beat those guys? Tsk tsk." Nang hindi na s'ya nakaatras ay hinawakan ko ang kamay n'yang may hawak na punyal at ibinaba iyon, hinayaan naman n'ya akong gawin iyon.
Parehas kaming lunod sa mata ng isa't isa.
Nakakabighani...nakakauhaw. Ipinalupot ko ang aking kamay sakaniyang bewang at inilapit s'ya saaking katawan.
Hindi ito maganda. Isa akong tagapaglingkod at s'ya ang dapat paglingkuran. Masama ang pananasang ito.
Itinapat ko ang aking bibig sa kankyang tainga upang magsalita.
"Mukhang gusto mong patayin ang nagiisang miyembro ng pamilyang handa kang paglingkuran." Bulong ko sakanya. Hindi ito gumalaw kaagad ngunit itinulak n'ya ako nang mapagtanto ang lapit naming dalawa.
"Walang hiya! Isa ka lamang André, Wala kang karapatang hawakan ako." Pagtataray n'ya saakin. Napangiti ako. What a spoiled brat.
"Isa akong André, ang nahuhuling myembro ng pamilyang iyon. Andito ako upang magbalik loob sainyong mga Lefèvre at paglingkuran kayo." Napakunot-noo nito.
"Nahuhuling myembro? Anong nangyari? Nasaan ang mga kamaganak mo?" Nginitian ko s'ya at nagpaliwanag.
"They died in war that happened long time ago." I explained.
"Ha?" Gulat ang ipinakita n'ya saakin. Ngiti nalamang ang sinagot ko sakanya.
"P-pasensya na at tinanong ko pa. Sige, dadalhin kita sa aking Ama ngunit, ano ang 'yong ngalan Ginoo?"
"Asterio André. Tawagin mo nalamang akong Rio." Nginitian n'ya ako at inilahad ang kanyang kamay saaking harapan.
"Zenaida Lefèvre. Masaya akong makilala ka." Ngumiti ako atsaka nakipagkamay sakanya.
"Matatagalan tayo kung maglalakad kaya't makisakay ka nalamang saamin ni Pipok." Aniya habang naglalakad palapit sakanyang puting kabayo at haplusin ang buhok nito.
"Hayaan mo akong magpatakbo ng kabayo binibini." Pagboboluntaryo ko. Hindi ko nais na sumakay sa likod na bahagi ng kabayo.
"Tawagin mo nalamang akong Zenaida at pasensya ka na ngunit hindi maaari ang iyong ninanais. Ako. Ang magpapatakbo ng kabayo." May diin ang kanyang huling pangungusap. Napailing ako. Mahirap kausap ang binibining ito.
"Binibini mas mapapabilis tayo kung ako ang magpapatakbo." Batid ko ang pagkainis niya dahil sa ekspresyon nito. Kahit anong ekspresyon n'ya ay lumilitaw ang kanyang ganda. Mas lumaki ang nais kong inisin s'ya.
"Hindi nga pu-pwede eh Alam mo ba ang daanan papunta roon!? Hindi 'di ba?!" Sigaw niya saakin.
Namangha ako sa iksi ng kanyang pasensya. Siya ang anak ng mapagpasensyang Ramil hindi ba? Anong nangyari sakanyang anak?
"Ituro mo saakin ang daan."
"Ayoko."
"Zenaida Lefèvre. Ano nalamang ang sasabihin ng iyong Ama kung hahayaan kitang patakbuhin ang kabayong sinasakyan natin? Dapat kitang paglingkuran at hindi maganda kung hahayaan kitang mapagod sa pagpapatakbo ng kabayo." Irap ang sinagot n'ya saakin.
"Sige. Hahayaan kitang patakbuhin ang kabayo. Ngunit kapag ako'y naaksidente dahil sa pagpapatakbo mo ay sisisguraduhin kong makarating ito saaking ama." Ngumiti ako at yumuko sa harapan n'ya.
Sinakyan ko ang kabayo at inilahad ang aking kamay sa binibini upang s'ya ay alalayan sa pagsakay. Inirapan n'ya ako at sumakay magisa dahilan para maiwan ang kamay ko sa ere. Maarte ang isang 'to.
"Kumapit ka Binibini." Banggit ko.
"Hindi ako aakap sa'yo."
"Ikaw ang bahala binibini."
"Sabing Zenaida nalang e---ah!" Isang matinis na sigaw ang pinakawalan n'ya nang simulan ko ng patakbuhin ang kabayo ng sobrang bilis. Agad rin s'yang napayakap saakin.
Napangisi ako ng maramdaman ang kanyang kamay saaking dibdib na parang takot na takot mahulog.
"Rio! Rio! Magdahan-dahan ka nga! Mahuhulog ako sandali!" Takot itong nagmamakaawang bagalan ang aking pagpapatakbo.
"Masusunod binibini." Saad ko atsaka siya sinunod.
Nang bumagal na ang pagpapatakbo ko ay inalis na n'ya ang kamay saaking dibdib. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng mahinang suntok saaking likuran.
"Isa kang hibang! Hindi mo man lang ako inisip!" Singhal niya.
"Binalaan kita binibini."
"Huwag mo nga kong tawaging binibini! Zenaida! Zenaida ang itawag mo sakain." Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko namang muli s'yang maiinis saakin.
Nang may madaanan kaming pamilyar na lugar ay hindi ko mapigilang magsalita.
"Sa lugar na ito, hanggang dito tayo nakapunta nang tumakas tayo saiyong ama." Nakangiting sambit ko.
"Ha? Ano ang iyong pinagsasasabi?" Nawala ang ngiti ko nang itanong n'ya iyon.
"Hindi mo ba naaalala? Bata pa tayo noon." Pagpapaalala ko sakanya.
"Hindi ko batid ang 'yong sinasabi Rio." Hindi na ako nagsalita.
Hindi n'ya naaalala ang mga panahong naglalaro kami noong bata pa kami?
Maghahapon na nang makarating kami sa kanilang mansyon.
"Andirito na tayo Rio." Huminto ang kabayo sa harapan ng Malaking mansyon ng Lefèvre. Nakikita ko narin ang kastilyo ng mga Almazan rito.
Pagkaapak ko sa mansyon ng Lefèvre ay hindi ko napigilan bumalik ang mga alaalang nabuo ko rito kasama ang aking pamilya at ng binibining nasa tabi ko. This is what those three men called nostalgia right?
******
𝐁𝐢𝐬𝐡'𝐬 𝐍𝐨𝐭𝐞!
𝐈'𝐥𝐥 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲, 𝐖𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲 :)
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Romance"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...