Kabanata VII : Ang Tulong.
Kinabukasan ay walang pasok, kung kaya't napagdesisyunan kong bisitahin ang aking mga kaibigan sa Vitalye kailangan kong bumawi sakanila dahil hindi ako nakatuloy sa lakad namin noong isang linggo.
Kasama ko si Rio na nagtungo roon. Nang nasa daan kami patungo sa Vitalye ay nakasalubong ko ang mga pulubi na nagtipon sa lugar na iyon na may kinakain at pinaghahatian. Napangiti ako ng makita iyon.
Huminto ako upang makipagusap sa pulubing walang pangalan.
"Mabuti naman at may kinakain kayo." saad ko. Kumagat ang pulubi sakanyang pagkain bago ako sinagot.
"Binigyan kami ng mga tauhan ng kaharian." napatango ako. Naalala ko tuloy ang nangyari noon. Paparusahan sana ng mga 'kawal' na iyon ang mga pulubing ito. Paniguradong hindi sila kawal ng palasyo dahil sa kilos ng palasyo ngayon.
"Hindi ko kakainin iyan! Mamatay na akong kung mamatay ngunit hindi ko kakainin ang pagkain na binibigay ng kahariang iyan! Hindi ninyo ba napapansin? Parang nong isang linggo lang binabalak nila tayong parusahan ngayon naman ay papakainin tayo? Mga hipokrito!" Lahat ay napatingin sa lalaking nagsalita.
"Hindi tayo gustong parusahan ng palasyo ginoo! Tignan mo nga't may pagkain pa silang ibinigay kung kaya't kainin mo na iyan bago ka pa tunay na mamatay sa gutom." Sumangayon ang ibang pulubi sa sinabi ng isa sakanila.
Nakuha ng aking pansin ang isang ginoo na tahimik at ninanakwan ang isang pulubi ng tinapay.
Hindi ba at iyon ang asawa ni Ginang Matilde? Hindi ba dapat ay nagtatrabaho siya sa bukid ng Vitalye?
"Hoy! Gago ka ah! ninanakawan mo ba ako!?" sigaw ng isang lalaki sa asawa ni Ginang Matilde doon na nagkainitan at nagkasakitan ang dalawa.
"Magsitigil kayo!" umalingawngaw ang aking boses dahilan upang matigil silang dalawa. Bumaba ako saaking kabayo at ganoon rin naman si Rio.
"Ginoo, ibalik mo sakanya ang tinapay." Utos ko sakanya hindi siya kumibo. Napabuntong hininga ako.
"Nabasa mo na ang nabigay kong sulat saiyo hindi ba?" tanong ko sakanya. Tumango naman ito.
"Ibalik mo ang tinapay na ninakaw mo sakaniya at bibigyan nalamang kita." Ibinigay ng Ginoo ang tinapay sakanyang ninakawan ngunit hindi naman ito tinanggap ng lalaki.
"Huwag na saiyo ang tinapay akin nalamang ang ibibigay ng binibining ito."
"Hindi naman ata patas kung siya lang ang bibigyan ninyo binibini." sigaw ng isang pulubi. Nagulo tuloy ang aking pagiisip nang sumangayon ang iba pang pulubi sa sa sinabi ng isa sakanila.
"Ng-ngunit may pamilyang pinapakain ang lalaking ito." pangangatwiran ko.
"Kami rin naman binibini, paano naman kami? Palibhasa sainyong mga mayayaman ay wala kayong pakialam sa nakakarami! Lahat rito ay may pinapakaing pamilya, kaming lahat ba ay iyong mabibigyan ng tulong?" Hindi ako nakasagot doon. Gusto ko silang tulungan, lahat sila, ngunit panigurado akong ku-kwestyonin ito ng aking Ama.
"Tignan ninyo! Hindi siya makasagot dahil ayaw ninya tayong matulungan. Sa panahong ito mas mabuti pang maging kriminal ka nalang kaysa sa magutom at mahiga sa sahig!"
Nagulat nalamang ako nang may kumuha ng punyal na lagi kong dala.
Kinabahan ako ng ilabas ng babae ang aking punyal sa kaluban nito. Pumunta si Rio saaking harapan para protektahan ako. Kinabahan ako nang tumawa ang babae.
"Tignan ninyo ang binibini! Talagang dinala niya pa ang kanyang gwardya! Nakakaawa naman at hindi niya maprotektahan ang sarili." Napaatras ako nang itutok niya saakin ang punyal.
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Romance"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...