Kabanata XIX : Alaala
Papalapit kami ng papalapit sa palasyo. Kasama ko ngayon si Callum papuntang palasyo samantala ang aking asawa, anak at si Rio ay dumiretsyo na pauwi.
"Sa tingin mo ay gagana ito?" Tanong ko.
"Andito ang babaeng magpapatunay na kaya nating ilantad ang baho niya sa publiko Ramil." Napatingin ako sa babaeng katabi ko ngayon na nginitian naman ako.
"Paano kung subukan niyang idispatya ang babaeng ito?" Tanong ko.
"Mister andito pa ako, ayokong marinig na pinaguusapan niyo na ang pagkamatay ko, kung idispatya man niya ako ayos na iyon wala narin naman akong magagawa sa mundong ito kahit manatili akong tahimik."
"Isa pa naiinis na talaga ako sa naghahari-hariang lalaki na iyon, inutusan niya akong magnakaw sainyo upang makapaghiganti sa kaawaawang pamilya naiyon at kayo na mismo ang magdipatsya sakaniya at kahit naaawa ay ginawa ko naman dahil pinangakuan niya ako ng magandang buhay."
"Noong una ay umayaw ako ngunit pinilit niya ako hanggang sa wala akong nagawa kundi sumunod. Kaso nga lang ang tanga niya at hindi niya binigay saakin ang ebidensya laban sa mga André bago kayo pumunta sakanila."
"Sinasabi ko sainyo mga Ginoo, nanghihingi ako ng tawad sa ginawa kong kasamaan. Isa ako sa naging dahilan ng gulong iyon at ngayong nailabas ko na ito, makakatulog narin ako ng maayos tuwing gabi." Napailing ako.
"May isang tao ka pang kailangang paghingan ng tawad." Sambit ko.
"Ha? Sino?" Tanong niya.
"Ang nahuhuling André." Sagot ni Callum. Napakunot-noo ang babae.
"Huling André?" Bigla siyang humalakhak. Nagkatinginan kami ni Callum, nagtataka kung anong problema sa babaeng ito.
"Ang mangmang ng Hari! Bigo siyang mapapatay ang mga nakatakas na André sa labanan!" Nanlaki ang mata ko sakaniyang sinabi.
"Mapapatay?" Tanong namin ni Callum.
"Nang malaman niyang may buhay pa na André ay pinagutusan ng Hari ang isang lalaki na hanapin at patayin ang pamilyang iyon." Nakuyom ko ang aking palad.
"Dahil lamang sa hindi sinunod ng mga André ang Almazan ay ganoon na ang ginawa nila?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napailing ang babae.
"Sa tingin ko ay may mas malala pang dahilan Ginoo."
"Ano naman iyon?"
•°•°•°•Ω•°•°•°•
"Rio! Ang tagal mo diyan kumain na tayo nagugutom na ako!" Ilang beses pa akong kumatok sakaniyang kuwarto pero hindi parin siya lumalabas ano bang ginagawa niya?
"Sandali Binibini." Binuksan niya ang pinto literal akong napanganga nang makita ang datingan niya.
Bihis na bihis, ayos ang buhok. Damn this guy is literally the definition of sexy, he's so mine. May pinaghandaan siya, ako kaya 'yon?
"Stop eye-fucking me Zenaida." Doon ko napagtanto na may iba na pala akong iniisip, sayang, wala talagang nangyari saamin kagabi?
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Romance"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...