ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xᴠɪɪɪ

51 7 0
                                    

Kabanata XVIII : Sa Iyong Bisig

Inabot kami ng gabi sa Broneyo kung kaya't inimbitahan kami ng mga Roux na dito na muna magpalipas ng Gabi.

Binigyan nila kami ng apat kuwarto upang pagtulugan. Tigiisa kami.

Ngayon ay nasa malaking kuwarto ako, kung saan kami panatuloy ng mga Roux.

Nagliligpit ako ng mga gamit na dala ko. Ang kuwartong ito...ay tila ba ginawa para saakin.

Ang mga higaan, ang mga pader at mga kagamitan dito sa loob...Ito ang nais ko.

Pagkabukas ko ng malaking aparador ay lumaki ang aking ngiti. I have come to a conclusion that this room is totally mine.

Nasa loob ng aparador ang mga damit na galing sa tinda namin. Tatak Feverel ang mga damit at lahat ay Luntian! Ang paborito kong kulay.

Sa totoo lang ay dapat hindi na ako nagtaka pa. Noon ay hindi nila napaghandaan ang aming pananatili namin dito, marahil ay inihanda nila ito para saamin bago kami dumating.

"Ang mga Roux ang may pinaka mainit na pagtanggap saatin sakanilang tahanan." Komento ko.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok.

Binuksan ko ang pinto, nasa labas ang isang babaeng katulong. Nginitian ko siya.

"Magandang gabi po sainyo, pinapatawag po kayo sa hapag ngayon upang makapaghapunan po kayo." Nakayukong sambit niya.

Tumango ako. "Ah...sige."

Sinundan ko ang babae papunta sa hapag. Sumalubong saamin ang lahat ng Roux na nasa tapat ng isang mahaba at malaking lamesa. Parang may pistahan ngayong gabi.

Naroroon narin ang aking Ama si Ina at si Rio. Napakunot-noo ako nang makita siyang nakikipagusap sa isang babae at mukha masaya pa.

Napakuyom ko ang aking palad.

"Tss, ang saya naman ng lalaki mo sa babae ko." Inis kong tinignan si Leo na mukhang hindi rin masaya sa nakikita.

"Bulag ka ba? Nakikita mo ba 'yung ngiti ng babae mo? Kung makatingin kay Rio parang guwapong guwapo." Tinulak niya ako nang mahina. Inismiran ko siya bago umupo sa upuang malapit saamin.

Nagtabi kami sa upuang medyo malayo sa dalawa. Nakakainis. Sinong nagsabing makipagusap siya sa ibang babae? Is that allowed? Tss.

"Alam mo, dapat mo na sigurong pagsabihan iyang lalaki mo." Napakunot-noo ako. Tinignan ko si Leo na parang naguguluhan. Anong pinagsasabi niya?

"Ha?" Pagkatanong ko noon ay umalingawngaw ang tawanan nila Rio at ng babae ni Leo. Mas nainis ako. Nagkakatuwaan sila. Enjoy niyo naman there? Nako, humanda ka saakin Rio.

"Tangina, ang saya nila." Ramdam ko ang inis ni Leo.

"Ano kayang pinaguusapan nila?" Tanong ko. Tinulak akong muli ni Leo.

"Ano ba?" Inis kong tanong sakaniya. Kanina pa siya eh naiinis na nga ako dodoblehin pa niya. Inirapan ko siya bago muling ibinalik ang tingin sa dalawang nagkakatuwaan.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon