"Zenaida. Ika'y pupunta sa lungsod hindi ba?" Tanong ni Ginang Matilde. Itinigil ko ang paghahaplos saaking kabayo nang marinig ang boses ng Ginang.
May maiitim at kulot itong buhok na magmukhang hindi inayos ng ilang taon. Ang mga kulubot sa noo nito ay halata narin dahil sa kakaisip ng paraan kung paano bubuhayin ang apat na anak niya. Ang dating maputi na balat ay nawala dahil sa kabibilad sa araw tuwing may trabaho. Mahahalata mo ang pagod sa mata nitong kayumanggi. May punit narin ang manipis at mahaba nitong puting damit. Kaawaawa.
"Opo. Pupunta po ako roon upang makipagkita saaking kaibigan." Napangiti siya sa aking banggit. Marahil dahil ito sa pagkakataong makakatipid s'ya sa paglalakad papunta roon. Paniguradong may ipapagawa ito saakin at handa na ako sa kahit ano basta matulungan siya.
"Maaari mo bang ibigay ang sulat na ito sakanya?" Tanong nito atsaka ipinakita saakin ang isang sobre. Nginitian ko s'ya at kinuha ito sa kaniyang kamay.
"Masusunod po." Yumuko ako upang magpakita ng respeto bago sumakay saaking kabayo.
Gamit-gamit ang aking kabayo ay pumunta na ako sa Vitalye ang lungsod ng Bacaar kung nasaan ang kaharian ng mga Almazan.
Nakakapagtaka bakit wala ang mga nanghihingi ng pilak rito sa daan patungo sa lungsod? Muli kong naalala ang huling pagtatagpo namin ng kilalang pulubi sa lugar na ito. Hindi maari!
Agad akong puminhit pabalik sa dinaanan ko upang pumunta sa Dalagon kung saan pinaparusahan ang mga kriminal.
Mabilis kong pinatakbo ang aking kabayo sa madamong daanan. Ang mga pulubi lang ang nasa isipan ko habang papunta roon hindi ko alintana ang pagpunit ng isang puno sa aking luntiang kasuotan.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa kung anong maaaring mangyari. Walang makakasakit sa mga taong 'yon ng hindi dumadaan saakin!
Habang palapit nang palapit ay nakikita ko na ang mga pamilyar na taong nakaluhod at nagmamakaawa na h'wag silang saktan ng tauhan ng kaharian. Wala silang karapatang saktan ang mga taong iyon!
Agad akong umalis saaking kabayo, hinugot ko ang aking punyal at itinutok ito sa mga kawal. Walang laban ang punyal ko sa kanilang mga espada ngunit hindi ko inisip iyon at hayaang matakot ang sarili.
"Pakawalan sila!" Utos ko.
Napaatras saglit ang mga kawal dahil sa pagkabigla ngunit nang makita nila ang aking sandata ay nagkatinginan sila at tumawa.
"Binibini!" Sigaw ng isang babae mula sa bihag na mga pulubi. Pagkalingon ko ay nakita ko na ang walang pangalang pulubi! Kagaya ng dati suot-suot nito ang luma at maduming damit.
Nang tumingin ako sa iba pang bihag ay hindi ko inaasahan ang isang matandang lalaki. Ang asawa ni Ginang Matilde, Bakit kasama n'ya ang mga pulubi? Hindi ba dapat ay nagtatrabaho s'ya sa isang halamanan? Alam ba ito ng Ginang?
"Binibini. Pasensya na ngunit hindi namin iyon maaaring gawin, napagutusan kaming linisin ang mga kalat malapit sa palasyo." Sambit ng isang maliit na kawal. Paanong napunta ang isang 'yan sa mga tagasunod ng palasyo?
"Sinong nagutos sainyo ng kawalanghiyaang ito!? Hindi ito ang gawain ng hari alam ko iyon!" Sigaw ko habang tutok-tutok ang matulis na punyal sa kanila. Nagtawanan na naman ang mga gunggong.
"Pasensysa na ngunit mali ka ng inakala. Ang hari mismo ang nagutos saamin nito!" Napailing ako sa sinabi ng isang hindi kaayaayang lalaki. Malambot ang puso ng Hari sa mga pulubi kung kaya't anong rason ang meron s'ya para gawin ang bagay na ito?
"Ngunit kung gusto mo talagang patakasin namin ang mga ito ay may maaari kang magawa." Napataas ang kilay ko sa mga salitang 'yon. Naintriga ako sa bagay na makakapagpatigil sakanila para gawin ang kabulastugang ito.
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Romans"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...