Kabanata III : Bantay Sarado
Pagkauwi naman ay agad kong ipinaalam kay Ginang Matilde na hindi ko naibigay ang sulat sakanyang asawa dahil sa nangyari. Ngunit hindi ko sinabi sakaniya ang tungkol sa kanyang asawa.
"Patawad po talaga. Kung pwede ay bukas ko nalamang sakanya ibibigay ang sulat." Ilang beses pa akong yumuko para mapatawad ako ni Ginang Matilde.
Gusto ko kasi talaga s'yang matulungan.
"Hindi mo kailangang magpatawad Zenaida. Hindi mo naman trabaho ito at pasensya ka narin kung inabala pa kita ng sulat na ito."
"Wala po 'yon. Pangako. Bukas ay maiibigay ko sakaniya ang sulat na ito." Saad ko pa. Pansin ko ang mata ni Ginang Matilde na padapo-dapo sa katabi ko.
Nakakabwisit. Kumukuha talaga ng atensyon ang makisig na lalaki na nasa aking tabi.
"Nako, mukhang napagod kayo. Pumasok muna kayo sa aming bahay." Saad nito at binuksan ang pinto ng kanilang maliit na barung-barong.
Napailing naman ako.
"Hindi na po ayaw po naming makaabala sainyo. Lilipat po kasi ang ginoong ito sa bahay at kailangan ko pa po s'yang ipasyal doon." Pagpapaliwanag ko.
Napangiti naman si Ginang Matilde.
"Kaakit-akit naman iyang kasintahan mo Zenaida, sabi ko nga kay Bona na ganyan ang gawing karelasyon ngunit alam naman niyang hindi maaari ang mga mayayamang lalaki sa katulad namin." Napailing kaagad ako. Mayamang lalaki? Napatingin ako kay Rio. Sabagay hindi naman halata na isang tagapaglingkod ang lalaking ito dahil sa kinis at ganda ng pangangatawan.
"Hindi po kami magkasintahan." Napahalakhak naman si Ginang Matilde. Hindi siya naniniwala saakin.
"Sige, Sabi mo eh." Ngumiti nalamang ako kahit inis na inis na ako. Bakit hindi siya naniniwala saakin?
"Aalis na po kami." Pagpapaalam ko.
"O sige. Magiingat kayo." Tumango ako at sumakay ng muli kay Pipok. Ganoon rin naman si Rio sakanyang kabayo.
Napangiti ako ng may maisip. Naghanda akong patakbuhin ng mabilis ang aking kabayo.
Tignan natin kung sino ang mas mabilis. Mabilis ang pagpapatakbo niya kanina at muntik pa nga akong mahulog. Pero hindi ako magpapahuli.
"Paunahang makapunta sa bahay. Isa...tara na!" Atsaka ko pinatakbo ng mabilis ang aking kabayo.
Wala na siya sa tabi ko. Haha! Sabi na't mas mabilis ako eh.
Pagkalingon ko sa likod ay nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita s'yang nakasunod lamang sa aking likod at may galit na ekspresyon.
Hay, bahala na. Pagod na pagod siguro si Pipok ngayon at ilang beses s'yang pinatakbo ng mabilis. Pasensya ka na kaibigan.
Nang malapit na kami sa bahay ay binagalan ko na ang pagtakbo.
"Isa kang hibang binibini! At talagang lumingon kapa kanina. H'wag mo nang gagawin iyon muli!" Natawa ako sakanyang itsura. Natakot ata na mapapahamak ako.
"H'wag kang magalala, sanay akong sumakay ng kabayo, sumasali pa nga ako sa mga karera."
"Alam ba ito ng iyong Ama?" Natahimik ako sa tanong n'ya. Ang sagot ay hindi kaso ayokong sabihin dahil paniguradong isusumbong ako ng isang 'to
Hindi s'ya sumagot ngunit bakas ang pagka dismaya niya. At ano naman ang karapatan n'ya? Tch.
Bumaba kaming parehas saaming kabayo. Ipinakita ko sakanya ang kabelyarisa kung saan nananatili ang mga kabayo may bakanteng lupa rin sa likod ng bahay upang doon iwanan ang mga kabayo.
Magkatabi ngayon ang kabayo n'ya at si Pipok.
Ipinakilala ko narin siya sa mga nagtatrabaho dito upang pangalagaan ang mga kabayo.
Nang dalhin ko s'ya sa bahay ay sinimulan ko na siyang ilibot doon.
Ang silid namin ay magkatabi rin dahil iyon daw ang gusto n'ya upang mabantayan ako. Ako naman ay sumangayon na lang.
Kinabukasan ng umaga ay dumating ang kanyang mga gamit.
Tsk. Dito na nga siya titira.
Ngayon ay may pasok ako. At hindi iyon naging maganda dahil laging nakasunod saakin si Rio!
Bwisit!
"Rio, bawal ka dito."
"Trabaho ko ang bantayan ka binibini." Hindi ko mapigilang umirap.
Nahihiya akong pumasok ng silid aralan namin. Lahat ng babae ay nagsibulungan ng makita si Rio sa tabi ko.
"Miss Lefèvre. Sino naman ang 'yong dala?" Tanong ng aking guro. Inis akong tumingin sakanya.
"Magpakilala ka." Utos ko sakanya na agad naman n'yang ginawa.
"Ako si Asterio André, nandito ako upang bantayan si Zenaida." Yumuko pa s'ya sa mga kaklase ko at kay Ginang Rosa.
Halos magtilian ang mga babae sa sobrang kilig. Tsk. Para akong bata sa sinabi n'ya.
"Kung ganoon ay umupo na kayo, magsisimula na ang klase." Tumango ako at umupo sa tabi nila Paola at Sinag.
Abot langit ang kanilang ngiti saakin. Napakunot ang aking noo.
"Bakit ganyan kayo kung makatingin saakin?"
"Lagi na ba siyang sasama sa'yo?" Nakangiting tanong ni Paola.
"Diyos ko po maraming salamat sa biyaya!" Napairap ako sa turan ni Sinag.
Tumingin ako saaking katabi na tahimik at nakikinig sa guro. Mas estudyante pa siya kay sa saamin eh. Hindi ko tuloy mapigilang magtanong.
"Rio. Nakapagaral ka ba?" Tumango naman siya.
"Ah, nakapagtapos ka na ng pagaaral? ilang taon ka na ba?" Sunod-sunod kong tanong.
"Ako'y nakapagtapos na ng pagaaral binibini. At Dalawang taon ang itinanda ko sa'yo." Napatango naman ako sa sagot niya.
Paano s'ya nakapag aral? Hindi ba't magisa nalamang siya?
"Paano ka nakapagaral?" Tanong ko.
Tumingin s'ya saakin at nagtama ang mga mata namin. May Kung ano na namang nagpalundag ng puso ko. Siguro dahil ito sa seryoso niyang ekspresyon at tingin saakin.
"Huwag kang tumingin saakin." Utos ko sakanya na agad niyang sinunod.
"Pinagaral ako ng tatlong dayo na galing sa malayong lugar." Tumango ako at hindi na muling nagtanong pa.
Matapos ang klase ay Hindi na ako nakapagsaya Katulad ng dati dahil sa lalaking laging nakasunod saakin.
Lagi nalamang siya ang itatanong ng mga taong nakikipagusap saakin. Tinatawanan naman ako ng dalawa kong kaibigan dahil tuwing binabanggit ang pangalan ni Rio ay nawawala ang ngiti ko.
Nakakainis kasi pakiramdam ko may buntot ako.
Nang hindi na ako nakapagtimpi ay galit kong hinarap si Rio. Pauwi na kami sa bahay at pasakay na kami ng aming kabayo.
Tinignan n'ya lamang ako na parang isang inosenteng bata.
"Hindi mo ba ako tatantanan?" Inis kong tanong.
"Trabaho kong bantayan ka binibini." Napapikit na ako sa sobrang inis. Sinabi n'ya na Ito saakin kanina. Wala naman akong magawa lahat nalamang kasi ng inuutos ko ay sinusunod n'ya maliban sa iwanan ako. Nakakainis.
"Sige bahala ka. Bukas na bukas hinding-hindi na kita papansinin." Hindi s'ya sumagot saakin tsk.
Hindi ba napapanis ang laway n'ya? Lahat kasi ng kinakausap siya maliban saakin ay hindi n'ya sinasagot maliban nalang kung sinabi kong sagutin n'ya ang tao.
Tsk. Tsk.
Bahala na bukas. Sana lang ay masanay na ako sa presensya niya, dahil alam kong bantay sarado ako nito sa mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Lãng mạn"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...