Kabanata VI : Worthless Dreams
Batid kong iniisip ng binibining aking nasa tabi ay hibang na ang aking pamilya ngunit hindi. Walang ginawa ang aking pamilya upang magalit ang mga Roux saamin.
"Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka? Hindi mo na inisip na may nagaalala sa'yo." saad ng ginoo sakaniyang anak.
"Ako'y nakapagpahinga na Ama. Sagutin ninyo ang aking tanong, bakit hindi ko alam ang tungkol dito?"
"Dahil ang bagay na ito ay hindi pa dapat inaalala ng nagaaral na bata." halata ang pagkainsulto sa mukha ng binibi.
"Hindi na ako bata pa Ama malaki na ako at matatapos ko na ang aking pagaaral kung kaya't nais kong pakinggan ang inyong usapan." napailing ako sa kulit ng binibini.
"Ikaw ang bahala. Ituloy mo ang iyong kuwento Rio." tumango ako atsaka muling nagsalita.
"Hindi ko alam ang bawat detalye dahil hindi na ito masyadong kinukwento pa ng aking mga magulang noon kung kaya'y isasalaysay ko lamang ang mga pangyayaring akin alam, Nagsimulang manggulo ang mga Roux saamin nang abala kayo sa isang malaking pagbubukas ng feverel sa isang lugar rito sa Vitalye. Isang araw ay inakusan nila kaming nagnakaw ng halaman na kanilang itinatim."
"Iyon ay mga moras hindi ba?" napatango ako sa sinabi ng ginoo.
"But we can't do that because we are too busy helping you with the new designs that you are going to release." Naalala ko pa ang mga bintang nila saamin noon at talagang noong bata pa ako ay galit na galit ako sa mga Roux dahil wala naman kaming ginawa.
"Itinanggi namin ang kanilang akusasyon sa unang pagkakataon ay pinalampas nila iyon, ngunit isang araw ay pinuntahan kayo ng mga Roux at doon inilahad ang krimen na hindi naman namin ginawa.
Nakapagusap kayo noon at napagkasunduang babayaran nalamang ang mga Moras na ninakaw.
Ngunit hindi pa tapos ang galit nila, Isang araw ay sinugod nila ang aming tahanan at nagdiklara ng digmaan.
Habang nagaganap ang digmaan ay itinakas kami ng aking Ama palayo sa digmaan at nanirahan sa malayong lugar.
Isang araw ay may taong naghahanap kung nasaan kami at doon na pinatay ang aking magulang." Napakuyom ang kamao ko nang maalala ang pangyayari.
Naaalala ko pa noon na tiyak na tiyak ko na ang mga Roux ang nagpahanap saamin dahil ayaw nilang maghiganti pa kami. Ngunit ngayong lumaki na ako, hindi ako magbibigay ng kongklusyon hangga't walang katibayan.
Napailing ang Ginoo saaking tinuran.
"Hindi ganito kikilos ang mga Roux. Kilala ko sila, mas matagal na kaming magkasosyo ng mga Roux kasya saiyong pamilya at tinitiyak kong hindi sila ang nagpapatay saiyong magulang." Saad niya at napatayo pa.
Tumango ako tanda ng pagsangayon. Naiintidihan ko ang ginoo. Hindi ko batid ang paguugali ng mga Roux kung kaya'y hindi ko sila dapat husgahan.
"Pupuntahan ko ang Roux upang kausapin sila tungkol sa bagay na ito. kailangan nating mabigyan ng hustisya ang mga kamaganak mo dahil batid kong hindi ninyo magagawang magnakaw sakanila." dapat ay maaya ako na may taong gustong bigyan ng hustisya ang aking pamilya ngunit wala akong maramdamang ganoon.
Marahil ay nais ko nalamang kalimutan ang nangyari.
"Rio ikaw nalamang ang nagiisang André at sisiguraduhin kong masasaksihan mo ang hustisya na nararapat sainyo. Babawi ako sa mga panahong hindi ko kayo natulungan." tumayo ako at yumuko ng umalis na ang ginoo.
"Hindi ka nagagalit sa mga Roux?" tanong ng binibini.
"Hindi na Binibini." sagot ko.
"Bumalik na kayo sainyong silid at magpahinga. Kukunin kona ang iyong librong nais na basahin." tumango siya at umunod saakin.
Isa itong himala hindi ko siya pinilit upang sumunod. Marahil ay nagaalala siya saaking nararamdaman ngayon.
Tinungo ko ang kwarto ng binibini ng nasa kamay ko na ang librong ninanais niyang basahin. Naabutan ko siyang nakaupo sakaniyang kama at nakasimangot.
Mas kaayaya siya kung nakangiti.
Ibinigay ko sakanya ang libro at agad naman niya itong binuklat at binasa, habang ako'y nakatayo lamang sa gilid ng kaniyang kwarto ann binabantayan siya.
"Ano ang iyong nararamdaman ngayon Rio?" nagaalalang tanong nito.
"Ayos lang ako binibini hindi ninyo kailangang magalala saakin."
"Anong masasabi mo sa nais ng aking ama?"
"Sa tingin ko ay hindi na dapat pang balikan ang nangyari noon" Sagot ko.
"Sinasabi ko sa'yo Rio, Hindi magagawa ng mga Roux ang iyong iniisip. Napakunot ang aking noo.
"Hindi ko sila pinagiisipan ng masama binibini." Maaring dati ay Oo ngunit nagbago na ang pagiisip ko.
Tinuruan ako ng aking Ama at Ina na huwag magtanim ng galit at ngayon ay kaya ko na iyong gawin. Naaalala ko pa noon kung gaano ko kinamumuhian ang pamilyang iyon at ang pamilyang pinaglilingkuran ko ngayon.
Pinangako ko pang maghihiganti ako sa mga Roux at pagbabayarin ang mga Lefèvre sa ginawa nila saaking pamilya. Pinangako kong uubusin ko ang pamilya ng mga Roux at kukuhanin ang lahat ng salapi ng mga Lefèvre.
Ngayong matanda na ako ay nalaman ko kung gaano kahibang ang planong iyon. I was so young and naive back then, I was full of worthless dreams.
"Kahit hindi mo gusto ay gagawin ng Ama ko ang lahat ng kaniyang makakaya upang mabigyan kayo ng hustiya. Iyon rin ang gusto ko." Tumango nalamang ako at hindi na nagsalita pa.
I remembered one certain dream and it was to have her in my arms.
BINABASA MO ANG
Ang Luntiang Alapaap [✓]
Romance"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya. "Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla...