ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ ᴠɪɪɪ

45 12 0
                                    

Kabanata VIII : Mga Roux

Huminto ang karwahe sa tapat ng Mansyon ng Roux. Agad kong isinuot ang aking presentableng ngiti pagkababa ng karwahe.

Sinalubong ako ng namumuno sa kanilang negosyo na si Callum Roux ng may ngiti.

Lumakad ako upang makalapit at makipagkamay sakaniya.

"Maligayang pagdating sa aming lupain Ramil Lefèvre ikinagagalak kong makita kang muli." Bati niya saakin.

"Ako rin Callum, matagal na nang huli tayong nagkita, hindi kapani-paniwalang wala pa ring nagbago saiyong itsura." kumento ko na nagpahalak-hak sakaniya.

"Talaga nga naman ang mga Lefèvre, ang hilig mangbola." napailing ako ng may ngiti saaking labi.

"Mahilig rin kaming magsabi ng totoo Roux." napangiti ito saakin at ginabayan akong makapasok ng kanilang mansyon.

"Tama na ang biruan. Halika't pumasok ka saaming tahanan." sumunod ako hanggang makapasok sa kanilang mansyon. Mas malaki parin talaga ang kanilang mansyon kaysa saamin.

Umupo kami sa kaniyang opisina at doon pribadong nagusap. Pinaghanda niya ako ng maiinom.

"Wala namang lason ito hindi ba?" pagbibiro ko. Nginitian ako ni Callum at ininom ang alak na naroroon.

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." matapos niya itong inuman ay ibinigay n'ya saakin ito.

Napailing ako. Kahit kailan talaga ang mga Roux seryoso.

"Ano ang pinunta mo dito Ramil? Hindi ka magpupunta dito ng walang mabigat na rason kahit sa ating negosyo ay madalang kang pumunta dito. May problema ba?" Sumeryoso ang aking mukha nang maalala ang aking ipinunta rito.

Napangisi siya nang makita ang mukha ko.

"May problema nga! Anong maitutulong namin sa pamilya mo Ramil? Ang 'yong pamilya ba ang unang babagsak? Nais mo bang humingi ng tulong namin?" Pangaasar nito. Apaka gago talaga ng isang ito.

"Walang babagsak Callum nandito ako upang pagusapan ang naganap na digmaan sa pagitan ninyo at ng pamilyang André." Nawala ang ngiti nito sakanyang labi.

"Bakit binabalikan mo pa ang nakaraan Ramil?" Tanong nito.

"Binabalikan ko ito dahil nais ko silang bigyan ng hustisya." Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa galit.

"Hustisya? Iyon ang hustisyang nararapat sakanila Ramil! Hinahamon nila kami, tinanggap lamang namin ang hamon kung kaya't anong hustisya ang pinagsasasabi mo? Nais mo ba kaming ipakulong? Dahil sa pagpatay sakanila sa digmaang iyon?" Napahampas pa ito sakaniyang lamesa. Mahinahon akong umiling.

"Hindi iyon ang nais ko Callum. Ang nais ko ay marinig ang panig ninyo. Nais kong imbestigahan ang pangyayaring ito."

"Wala ka nang dapat imbestigahan pa Ramil. Ninakawan nila kami, pinakiusapan namin silang tumigil ngunit hindi nila ginawa, at ang kilos na iyon ay kinuha namin bilang hamon. Ngayon natalo sila. Tapos." Napailing ako.

"Isalaysay mo ang lahat ng pangyayari Callum." Galit itong tumingin saakin.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong nito.

"Dahil palagay ko ay pare-parehas tayong naging biktima rito Callum Roux." Napakunot ang kaniyang noo.

"Biktima? Ano ang iyong sinasabi?"

"Hindi sila makakapagnakaw sainyo dahil abala sila sa pagtulong saamin ng mga panahong iyon at batid kong hindi iyon magagawa ng mga André."

"Paano ka nakakasiguro Ramil?" Hindi ako nakasagot doon. Walang kasiguraduhan ang aking hinala.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon