ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xᴠɪ

41 9 0
                                    

Kabanata XVI : Paguusap

Nanalo kami, nakangiti ako nang makababa kami sa kabayo ngunit agad iyong naglaho nang marinig ko ang usapan ng mga tao sa paligid.

"Nanalo lang naman siya dahil kay Rio tignan mo kung gaano makangiti."

"Ang galing ni Rio."

"Buti nalang tinulungan ni Rio, kung hindi paniguradong talo iyan tsk, tsk."

I looked away when I saw my friends who's happy for me.

"You did well Zenaida." Pagpupuri ni Rio saakin. I did not took his compliment well. I feel like he's mocking me. This is definitely his win! Not mine. Bullshit!

Hindi ko siya kinibo at hinarap ang lalaking nang bastos kay Paola.

"Natalo ka, humingi ka ng tawad sakaniya." Utos ko. Wala na ang ngiti nito sa labi.

"Humingi ka ng tawad sakaniya at isuko mo na ang sarili sa kulungan." Utos ko. ngumisi siya saakin.

"Binibini, halata namang hindi ikaw ang nagpanalo sa karera kaya wala akong gagawin dahil hindi ka naman tumupad sa usapan." Saad niya atsaka tumalikod saakin. Kumulong muli ang aking dugo.

"Tangina, huwag mo kong tatalikuran." Saad ko atsaka siya hinatak paharap saakin.

"Kung gusto mo, ulitin natin." Hamon ko.

"Zenaida." Tawag saakin ni Rio.

"Tangina lumayas ka sa tabi ko Rio! Naiinis mo ako!" Singhal ko sakaniya.

Binawi ng lalaki ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko.

"Wala na! Nandaya kayo kaya wala akong tutuparin." Sumakay muli siya sakaniyang kabayo atsaka umalis sa lugar. Marahil ay natakot siya, halata namang hindi pa siya handang makulong.

"Zenaida ang galing mo!" Puri ni Sinag saakin.

"Tss, duwag naman siya, binabati kita saiyong pagkapanalo." Nginitian ko si Paola.

"Salamat sainyo." Pagpapasalamat ko.

"Huwag kang magalala Paola, kakasuhan natin ang Gago." Sabi ko pa.

"Maraming salamat Zenaida." Pagpapasalamat ni Paola. Umiling ako.

"Wala pa akong tulong na ginagawa Paola." Sambit ko.

"Mauna na kami, hindi kami pupwedeng magtagal pa. Sinag, samanahan mo si Paola sa paguwi." Tumango si Sinag.

"Tara na." Malamig kong utos kay Rio.

Sumakay siya sa kabayo, nilahad niya ang kamay saaking harapan. Hindi ko ito kinuha at sumakay nang magisa sa kabayo. Naiinis ako sakaniya.

Nagpaalam akong muli saaking mga kaibigan bago kami umalis.

Habang pauwi saaming bahay ay biglang nagsalita si Rio na kinainis ko.

"Binibini, magaalala na naman ang mga magulang mo saiyo."

Bakit hindi ka na lang manahimik?

"Hindi ako nasaktan." Sambit ko. Napailing siya.

"Kilala mo ang mga magulang mo, kahit na para sa tama ang ginagawa mo ngunit may pagkakataon ka namang mapahamak ay mas aalalahanin nila ang kaligtasan mo." Ito na naman, nararamdaman ko na naman ang luha saaking mata.

Nakakainis, I'm such a failure. A disappointment. I just want to help but I feel like I screw everything up.

Hindi ko na napigilan pang umiyak. Binaon ko ang aking mukha sa likod ni Rio at doon humikbi at umiyak habang nakayakap sakaniya. Nakakainis, para akong bata.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon