ᴇ ᴘ ɪ ʟ ᴏ ɢ ᴏ

93 4 0
                                    

Iilang pilak ang aking dala-dala, tanging kabayo ko ang aking kasama habang binabaybay ang daan papuntang Bacaar.

Maraming mga malungkot at masasayang alaala ang mayroon ako sa lugar na ito, ngunit nangingibabaw saakin ang alaala ng isang kaibigang aking minahal, Zenaida Lefèvre. Ano na kaya ang lagay niya ngayon? Paniguradong maganda ang kaniyang buhay ngayon.

Bago pa makapasok sa Bacaar ay ibinenta ko ang aking kabayo upang makabili ng pala, mga pagkain at inumin. Handa na akong buksan ang kahon na ibinilin saakin ng mga magulang.

Siguradong-sigurado ako na kukuhanin ko na ang kahong nakabaon dito nang may biglang maalala. Ngayong magbabalik loob narin lang ako sa mga Lefèvre ay dapat siguro ay tuparin ko narin ang pangako sa sarili. Ang makasama ang binibini na hukayin ang kahon. Kung kaya'y iniwan ko ang pala sa likod ng puno. Ang puting tagpuan ay isa nga naman talagang kay gandang lugar.

I was lost. Apparently I forgot the way to Lefèvre's Mansion. And then I heard a girl, shouting that immediately made me run to that direction, I saw a beautiful girl in green dress. Pamilyar ang wangis nito.

"Mga hangal! Alam n'yo ba kung sino ang binabastos ninyo!? Ako lang naman si Zenaida Lefèvre! Kung kaya'y Ipasainyo ninyo nalamang ang inyong mga pantasya dahil hinding-hindi iyon mangyayari!" Zenaida Lefèvre!? Siya ang kalaro ko dati? Itinaas niya ang kaniyang punyal upang saktan ang mga lalaki ngunit mabuti nalamang ay napigilan ko siya. Napatingala siya saakin. Kay gandang mga mata.

"Zenaida...lefèvre?" Tanong ko. Iyon ang aming unang pagkikita, para bang sinasabi ng puso ko na siya na nga ang binibining ninanais ko noon.

Bantayan siya...iyan ang aking tungkulin, ngunit ang kulit ng batang iyon. Naisahan pa ata ako. Kung kaya't hindi ko napigilang magtanong sa isang babae na naabutan ko sa labas, nagdalawang isip ako nang sabihin niya ang kapalit ng kaniyang magiging sagot.

Nakakatakot magselos ang isang Zenaida Lefèvre.

"Paalam Zenaida! Mauuna na kami!" Paalam ng dalawa niyang kaibigan.

Huminto siya at hinarap ako ng nasa tabi na namin ang kabayo.

"H'wag na h'wag ka ng makikipagusap pang muli sa babaeng 'yon!" Napakunot-noo ako, is she jealous? I felt like smiling but I didn't let it out.

"Hindi ko 'yon magagawa binibini, pinangako ko sakanyang magkikita kami bukas kapalit ng sagot sa tanong ko." I felt cocky, I am liking her annoyed face.

"Ano!? Puta! Bakit ka pumayag!? Huwag kang makikipagkita sakanya. Hindi kita papayagan." She's possesive. Para akong kikiligin sa iniisip na iyon.

"Sige, kung ganoon ay tayo na." Agad kong payag, sakaniya lang naman talaga ako...dahil isa siyang Lefèvre.

We were quiet while we're on the way to our home, I'm starting to dislike this, is she ignoring me?

"Ako na po ang magdadala kay Pipok sakanyang kuwadro." Pagboboluntaryo ko, ngunit binigyan niya lamang ako ng naiinis na titig.

Confirmed, she's really angry, and I don't like her ignoring me for fuck's sake I'm here, give me attention. She didn't even gave me orders that night.

Noong gabing iyon ay hindi ako makatulog dahil naiisip kong galit parin saakin ang binibini at hindi ko iyon nagustuhan. Naabutan ko siyang magisa sa balkonahe at nakatingin sa buwan.

I suddenly remembered the story of The moom and the princess. I wish she could forgive me with this story.

I went to her and apologized for talking to that girl, then tell her the story of the moon and the princess.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon