~Rome's Point of View~
Nandito kami ngayon ni Yukki sa likod ng gym kasama si Cent. Hanggang ngayon, hindi ko aakalain na lumabas lang siya, ay napahamak na siya agad. Syet. Ano ba? May Maidas touch ba toh o sadyang magnet lang siya ng kamalasan?
"Hindi ko yun kasalanan!" Sabi ni Cent habang naka-taas ang kamay. "Sila yung bumangga sa convertible ko! Akala nila kung sino sila, mga bwiset." Sabi niya at ginulo ang buhok niya.
"Dapat, di mo na inaway! Ayan tuloy, dito ka pa napadpad. Ano ba kasi ginawa mo at nagalit sila ng todo sayo?" Tanong ni Yukki sabay batok sa kanya kaya dumaing ito.
"Ilang beses kobang sasabihin?! Wala nga! Minura ko lang siya at sinabihang sa susunod, wag siyang maghahari sa daan, hindi lang siya ang may sasakyan." Sabi niya kay Yukki.
"Sigurado ka bang 'sinabihan' at hindi 'sinigawan'?" Paninigurado ni Yukki.
"Uh... sinigawan ko ata eh." Sabi niya at kinamot ang ulo niya. Paano kung bigatin yung kinalaban niya?! Wala sa sarili ko siyang sinuntok sa pisngi kaya napa-upo siya.
"Tanga ka ba?! Bat mo minura't sinigawan?! Paano kung isang Sky King yun? O isang kasapi ng Lab? Higit pa kung isa yung mafia member o gangter!" Sigaw ko sa kanya at huminga ng malalim. "Ano pa? May ginawa ka pa?" Tanong ko at hinimas ang knuckles ko.
"Uh... sinuntok niya ako kaya dinagdagan ko ng lakas yung pag-suntok ko sa kanya." I raised my fist in the air, ready to punch him.
"PLEASEDON'THURTMYFACE!"
Sigaw niya kaya hindi ko natuloy yung balak kong suntok.
"Huh? Ano sabi mo?" Tanong ko at binaba ang kamao ko. "Paki-ulit?"
"Please don't hurt my face. Sorry, hindi ko na talaga uulitin! Masakit yung suntok mo! Hindi na talaga ako mangaaway!" Sabi niya at nag-tago sa likod ni Yukki.
Are we seriously in the same age bracket? bakit parang mas-isip bata siya kesa sakin? "Urgh... Fine, let's go to the---" Naputol ang sinabi ko nang may malakas na sumigaw.
"NASAN YUNG LALAKING NAKA WHITE AND MILITARY GREEN?! HOY! MAG-PAKITA KA! DUWAG!" Mukhang kilala ko yun ah...
Yung leader ng #1 gang na dapat kong pasukan. Kinopya ko yung boses ni Cent at sumigaw rin. "HOY! SIGA! SINONG TINATAWAG MONG DUWAG?! NANDITO AKO SA LIKOD NG GYM! BOBO MO!"
BINABASA MO ANG
Mutant's Year
Science Fiction3018, the year of the mutants. This year started with Andromeda Ravens, Rome for short. Isang ordinaryong babae na naaksidente at kamuntikan nang mamatay nang tulungan siya ng RMSRT Lab. RMSRT Lab, an underground laboratory who experiments on human...