Y3018.11 Connections and Logan Maverick

26 3 0
                                    

~Zel's Point of View~

Ang bagal ng oras. Ngayon lang natapos ang klase namin at plano kong ipakilala si Raine sa G-Point bilang si Zen. Hindi ko pa alam kung tatanggapin siya ng Gangsters pero, paki ko? As long as magaling siya at nakakatulong siya, why not let her diba?

Nandito kami ngayon ng mga Z sa head quarters. Si Raine, nandito na rin, binigay niya yung kotse niya kay Levi. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, pag magkasama silang tatlo, Yukki, Levi and Raine, they produce this aura saying 'We-aren't-just-normal-people.' Lalo na yung Levi na yun. Susuntukin niya sana si Zach kasi ang ingay niya at kitang-kita na binuhos niya ang lahat ng lakas niya dun tapos nasalo yun ni Raine ng walang kahirap-hirap. At! Sinuntok niya ako sa harap ng maraming tao at grabe ang pasa na natamo ko.

"Oh, so... I'm being introduced tonight, ten o'clock sharp." Tumango naman kaming lahat. "So, ano pa? After intro's, that's it? I just have to greet and fight? Ano susuotin ko?"

"If possible, a mask, pero mukhang 'di na naman na kailangan. Just use that gadget of yours, and change your face. Wear comfortable, dark clothes, baka mapa-away ka, lalo na't babae ka at maraming naghahabol sa amin." Sabi ni Zeke at sumubo ng pagkain. Matakaw.

"I'll just change into Raine tapos maglalagay nalang ako ng make-up. Then.. what I'll wear is a secret." Sabi nito at kumindat. Tsk.

"You wanna practice? O mag-bar nalang kaya tayo?" Tanong niya sa amin at tinignan ang kuko niya. "I'm fine with both so kayo ang bahalang pumili."

"Let's train at your place, I wanna see where you train and why you're so good at it." Sabi ni Zero at inayos ang salamin niya. Geek. Kahit kelan, hindi kami sinnusunod kahit na sabihin naming mas bagay sa kanya ang walang glasses.

Nilabas ni Zen ang phone niya at may kinalikot. "Oy, Zero, alsin mo yung glasses mo." Sabi ni Zen. I'll call her Zen, from now on.

Agad na umiling si Zero at sumimangot si Zen. "Sige na. Sandali lang." Sabi niya kaya pumayag na si Zero.

Inalis niya ito at pagkatapos ng ilang segundo, binalik niya rin agad. Tumingin ako kay Zen. Naka-taas yung kilay niya tapos naka-ngisi. "Pogi ka pala kung walang glasses. Bakit ba gusto mong may salamin eh...-"

Kinuha niya yung glasses ni Zero at nilagay sa tapat ng mata niya.

"-Wala ka naman palang grado. Tss. Ano tuh? Pa-cute? Style mo bulok. Last century pa yan." Sabi niya kaya umiwas tingin si Zero at babawiin sana ang salamin niya pero mabilis si Zen.

"Bleh...  Bagal mo, nerd." Sabi ni Zen at nilagay ito sa loob ng blouse niya. SA LOOB. "Let's have a make-over. Kayong lima, I will make you look better than what you are now. Ako bahala. Just go with it." Sabi niya kaya nag-katinginan kaming lima.

Mutant's YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon