Chapter 2:
ANO YUN? Bakit parang naaamoy akong di maganda? Napalinga-linga ako sa paligid at pilit na hinahanap kung san ang mabaho.
Baka ako? Inamoy ko ang sarili ko ngunit hindi eh. Sino kaya ang mabaho?
Inamoy-amoy ko ang paligid at nakita ang isang tae. Gago. Yun pala ang mabaho. Akala ko ako.
Tinakpan ko ang aking ilong atsaka nagpatuloy sa paglalakad nang bigla nalang may nakita akong asong galet na galet ustong manaket.
"Isa lang ang masasabi ko" bulong kl sa sarili ko.
"Takbo." Tas tumakbo papalayo sa mga aso.
"AAAAAAHHHHHHHHHH!" Pero hinabol ako ng mga tang*na kaya mas lalo akong kinabahan.
Mamaaaaa, Ayaw kong lapain ng mga asong ulol na tohhhh.
"Alam kong crushable ako pero huwaggg niyooooo na kasseee akooonggggg habulliiiinnnn" tas mas binilisan ko pa ang pagtakbo ngunit may nabangga akong kung anong matigas na bagay.
"S--Ser? A--anong g-ginagawa n-niyo r-rito?" Nauutal na saad ko.
Ba't ba ako nauutal?! Si Ser lang naman yah ah? Si Ser na napakagwapo. Si Ser na napakahot. Si Ser na--- hanla gago. Ano ba tong pinagsasabi ko?!
"Ah eh.. Wala.. Napadaan lang" Tas nakita kong bahagyang namula ang tenga ni Ser.
Nakarinig na naman ako ng alulong ng mga aso kaya napayakap ako kay ser ng mahigpit.
"Seeerrrrrr!! Hinahabooolll akooo nggg mgaaaa asssoooooooo!"
"No need to worry, Love. For as long as you're with me, you'll be safe." Tas niyakap ako pabalik
"Anong gagawin natin Ser?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya.
"Ano pa ba? Edi takbo" tas hinila ako tas tumakbo na.
Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin at pagkatapos, napatingin ako sa mukha niya.
Bigla nalang sumakit ang ulo ko.
" Baby, poprotektahan kita kahit anong mangyari"
"Promise?"
"Promise!"
-------
Napahinto si Ser sa pagtakbo pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
Hinawakan niya ang kaniyang matipunong dibdib atsaka huminga ng marahas.
"Wala na siguro yung mga aso. Ang layo na ng tinakbo natin eh"
"Siguro" sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.
Bigla siyang napatingin sa akin, "May nakapagsabi na ba sayo na you're so much like the Constitution?"
"Ha? Sino yan? Gago. Huwag mo nga akong ikumpara sa iba. Masaket kayang kinukumpa--" tas dinikit niya yung index finger niya sa labi ko dahilan upang mapatigil ako sa pagsasalita.
"Because you're a national treasure, Love"
"Ha? Anong connect? Wala namang sense yang mga pinagsasasabi mo eh. Constitution constitution tas national treasure. Wala akong nagegets sa mga pinagsasasabi mo." Natampal niya ang sariling noo niya.
"I have to go, Love. See you tomorrow" Marahan akong napatango.
Pero ano ba talaga ang ibig sabihin nung sinabi niya sakin kanina? Di ko gets eh.
YOU ARE READING
In His Arms (Ser Series #1)
Teen FictionIn his arms, I felt so safe that I could never imagine my life without him - Love Epitome