Chapter 12:

15 2 0
                                    

Chapter 12:

PAGKATAPOS ng insidenteng iyon, hindi na masiyadong nagpapaquiz si maam na ikinatuwa namin. 

Napapalakpak si Escort, "Galing talaga natin guys. Apir nga diyan!"

"Eh?"

"No thanks"
"Wag kayong makipag-apir diyan. Kita kong kakatae niya lang"
"Hoy gago. Di ka na naman nanghugas 'no?"
"Baka hindi rin siya nagflush."

"ANONG AKALA NIYO SAKIN----"

"BALAHURA."

"Tarantado."
"Super walang sense at worth... it maging jowa"

Napatingin kami kay Wendy, ang muse tsaka napangiwi.

"Ano? He's kinda gwapo kaya"

"HOY MGA GAGO!" biglang sigaw ng watcher namin.

"Ikaw ang gago! Ano yun?"

"Si SER HISSTTTTTTTOORYYYY. Paparating na!" Bigla kaming nataranta. Si Ser History my loves kasi, kahit maamong tingnan, husband material, strict pagdating sa klase namin. Mas lalo akong napalunok noong ako nalang ang nakatayo at wala nang bakanteng upuan.

"Putangina." mariin kong bulong.

"SINONG PUTANGINANG LUMAMON NG ARM CHAIR KO?!" galit na sigaw ko. Napaiwas sila ng tingin. tarantado. Napagkaisahan na naman nila ako.

"PUTANGINA KAYO. SINO?!" Pinanlakihan nila ako nang mata at itinuro ang may bandang likuran ko. Mariin akong napapikit at humarap sa may likuran ko. Marahas kong kinapa ang kwelyoo nito atsaka hinila papalapit sa akin, "Putangina mo. Saan at bakit mo tinago ang armchair ko?"

Naramdaman ko ang bahagya niyang paghaplos sa mukha ko. Kinuha niya ang iilang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko, "Hindi ko alam na putangina na pala ako ngayon?"

Napalunok ako. That deep and husky voice..

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita siya, si Ser History na may nakangising mukha pero kung titignan mo ang mga mata niya, makikita mo ang panlilisik nito na para bang binabatuhan ka niya ng libo-libong karayom.

"Patay ka Love"
"Sabay sabay tayong yumuko at ipagdasal ang kaluluwa ni Love"
"Pustahan sa impyerno bagsak niyan"
"Feel ko hindi. Baka matalsik si satanas pag napunta siya dun."
"Mukha kayang anghel si Love"
"Ugaling anghel nga ba?"

Lihim akong napairap at ibinaling muli ang tingin sa mukha ni Ser History. Yung nakasanayan kong mukha niya ay wala ngayon. Para talaga siyang papatay anumang oras.

"Anong sinabi ko sa pagmumura?"

"Ano nga ba?"

Napairap siya, "Isa."

"Na ang pagmumura ay masama at dapat hindi ako magmura. History Teacher ka ba talaga o Religion Teacher? Magkaaminan nga tayo."

"Okay." Napapailing na saad niya. "Dahil sa ginawa ni Love, we will be having a Pop Quiz today. Over 200 ang quiz, 185 ang passing. Get 1 whole sheet of paper. Idedictate ko ang questionaires at copy and answer itong quiz natin."

"Diba sir upto 10 lang yung Pop Quiz----"

"Edi Long Examination. Get your papers. NOW."

"Putangina mo talaga Love."

"Gawan mo toh ng paraan"
"Wandat sasapukin ko na talaga 'tong si Love"

Huminga nalang ako nang malalim bago ako nanginig na para bang kinuryente ni Thor. Pumikit ako ng iilang segundo at pagkamulat ko, ibinigkas ko ang mga katagang mapagpapahinto sa Long Examination.

"Dada"

------------------------------------------------

IMPIT akong napatili habang inaalala ang mga nangyari pagkatapos kong sabihin ang magic word. Ilang oras na rin ang nakalipas pero naaamoy ko pa rin ang perfume niya. Ano kayang brand nito? Bakit kahit napakamasculine ay mabango at light pa ring amuyin. Muli akong napagulong-gulong sa higaan habang inaalala ang nangyari kanina.

"Dada" saad ko. Biglang napahinto si Ser History at napatiingin sa akin. Kita ko ang kislap sa mga mata niya.

"Baby? Nagbalik ka na? Magkakasama na tayo ulit?" nasasabik na saad niya. Napakunot ang noo ko at pati na rin ang noo ng mga kaklase ko. Anong ibig niyang sabihin? Don't tell me masiyado siyang nawili sakin the last time na nagpanggap akong nasapian ng isang bata? Tsk tsk tsk. Sino ba namang hindi matutuwa kapag kasama nila ako? Bukod sa may mukha akong perfectly gorgeous view, I'm also a great companion. Naks. Nafall na yata sakin si Ser.

Tumikhim siya, "I mean, what the heck are you doing Ms. Epitome? Bumalik ka na sa upuan mo para makapagsimula na tayo."

I pouted, "Dada? Hindi mo na ba atho mahal?"

"Damn it. I'm much whipped than a frappuccino" 

I saw him mouthed something pero di ko narinig. Ano kaya yun?

"Let's go somewhere." saad niya bago binalingan ang mga bugok kong kaklase, "Class dismissed. You can do whatever you want as long as hindi nakakaistorbo sa kabilang section"

Lumapit siya sa direksiyon ko. Akala ko hahawakan niya lang ang mga kamay ko at kusa nalang akong maglalakad pero hindi. Bigla niya akong binuhat.

"Let's go somewhere away from here." he said softly at marahan akong ginantimpalaan ng halik sa noo. 

-------------------------------------------

'AMUSEMENT PARK?' tanong ko sa sarili gamit ang isipan ko. Kung meron man ako nun. Anong akala niya sakin-- oh. Okay.

"Kain muna tayo. I'm sure gutom ka na." saad niya. Tumago lang ako at napatingtin-tingin sa paligid. Wtf are they staring at? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

Papalapit na sana kami sa isang stall pero bigla kaming hinarang ng isang chakang palakang mukhang higad na kuto. Hindi ko siya nilalait. Dinedescribe ko lang siya.

"What do you want, Miss?" saad ni Ser History na may halong pagkairita.

"Pogi sino yang kasama mong chaka at bakit buhat buhat mo siya. Does she have disability or something?" Maarteng chaka. Feel ko talaga matapobre ito.

"None of your business--" 

"Ay. Suplado. Pero that's more I like it. Is she your sister? A girl from sagipkapamilya na tinutulungan mo? What?"

"She's my baby."  saad ni Ser History na ikinagulat naming dalawa. Pero siyempre, mas maganda pa rin akong tignan kaysa sa kaniya.

"She's your what? Napakatanda niya na kaya para maging baby." Anong matanda? Sapakan nalang oh---

"50. 60. 70. 80. Gaano man siya katanda, hindi pa rin ako magsasawang buhatin siya. Hindi pa rin ako magsasawang intindihin ang tantrums niya. She's still my baby, kahit ano pa man ang edad niya. If you have problem with that, fvck off. Wala akong pakialam sa opinyon mo." Mariing saad ni Ser History dahilan upang maiwang nakanganga ang paepal na babae.

"Let's go, baby. Wag na nating pag aksayahan ng panahon ang babaeng iyan." Tumango ako pero bago kami nakaalis, binelatan ko ang babae. Akala niya ah. 

"Fuck off kasi bitch" I mouthed habang tinatapunan siya ng boo at loser sign.

Papalayo na kami sa naturang babae nung biglang magflashback ang sinabi ni Ser History sa naturang babae, "50. 60. 70. 80. Gaano man siya katanda, hindi pa rin ako magsasawang buhatin siya. Hindi pa rin ako magsasawang intindihin ang tantrums niya. She's still my baby, kahit ano pa man ang edad niya. If you have problem with that, fvck off. Wala akong pakialam sa opinyon mo."

Ser History, kinikilig ako. Panagutan mo ako!



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In His Arms (Ser Series #1)Where stories live. Discover now