Chapter 3:
"KUYA!"
Sumugod ako sa kwarto ni kuya at nakita ko siyang nagt-type ng seryoso.
"Oh, Love. Anong ginagawa mo rito?" Seryosong saad niya habang nakatutok pa rin sa laptop niya.
"May itatanong ako sayo--"
"Not now, Love. Busy pa ako. Mamaya pa ako matatapos".
"Eh?"
Lihim akong napabuntong hininga. Mamaya pa raw matatapos si kuya eh katamad namang hintayin siya.
"Maupo ka muna, Love"
"Ihhhhh. Mamaya na kasiii yaaaannnnn!"
Napaupo ako sa chair at inilapag ang school bag ko. Sa school pa kasi ako galing at kakauwi ko lang galing sa paghahabulan with Ser Vincent Khlark. Ahihihi.
Sinirado ni kuya ang laptop niya, "Anything I can offer you?" Tanong niya sakin.
Ngumiti ako ng matamis, "Meron."
"Ano yun?"
"You see, ket di mo alam, I'm having a hard time thinking about why my heart beat so fast when I'm near--"
"Alam ko ang sagot diyan"
"Ano? Ano? Anoooo?"
"Lumalandi ka na" plain niyang sagot saken.
"Anong lumalandi?! Humaharot lang noh. Pangpokpok naman ang term mo!"
"Pokpok ka riyan. Mag aral ka munang gaga ka" tas binatukan ako.
"Aray ko naman eh!"
"Mag aral ka muna. Huwag ka munang mag boyfriend. You're still a baby pa naman. Huwag mong mada--"
"Nyenyenyenyenyenye" tas tumakbo papasok sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko at nag isip ng malalim.
Vincent Khlark, Vincent Khlark, Vincent Khlark, what are you doing to me?!
Napapikit ako.
NAPATINGIN ako sa paligid ko. Ang daming mga halaman sa paligid ko, may mga malalagong ligaw na damo at tunog ng paghuni ng ibon.
Nasaan kaya ako at bakit ganito ang suot ko? Nakasuot ako ng isang mahabang puting off shoulder, may flower crown din ako at nakasuot ako ng isang puting pares na doll shoes. Angkyut lang.
Baka fairy ako sa lugar na toh. Hshshshhs. Bibidi babidi boo!
Nagpalakad lakad ako sa paligid upang may maghanap ng taong makakasalamuha nang may biglang humila sa akin at niyakap ako patalikod.
"Got you, baby"
"Afavgafbh. GAGO!"
Isinandal niya ako sa isang puno atsaka tinignan ako, mata sa mata.
"Ser.."
"Did you know?"
"Hindi ko alam. Di naman ako nainform na may quiz na magaganap" tas umirap ako.
He chuckled then his face turned into a serious one, “That I’m falling for you like the nobles fell in the Defenestration of Prague?”
GAGO. Anong connect nun?
Nasa magkabilang gilid ko ang mga braso niya kaya wala akong kawala and my heartbeat is so damn fast as if there's no tomorrow.
"A--anong g--ginagawa m--mo s--ser?"
"Ssshhh." Tas hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at tinuck in papunta sa likod ng aking tenga. Then he pinches my chin.
Napalunok ako. Hahalikan niya ba ako?
"Bumangon ka na Love"
"Ha? Hatdog. Gago ka ba? Matapos mo kong pakiligin papabanguni mo ako? Duh. Nakatayo na kaya ako"
"Huwag mo kong ginaganyan Love. Bubuhusan talaga kita ng tubig."
Ano bang pinagsasasabi nitong gagong toh? Nung una binabanatan niya ako ng mga keme keme na hindi ko alam kung anong connect sa mga pinagsasasabi niya tapos ngayon, gigisingin niya ako? May balak ba siyang bitinin ako, kung ganun, NapakaGAGO niya.
"Ayaw ko!"
"Ayaw mo talaga?"
"Uh huh. Ayaw ko pa--" tas may naramdaman akong malamig na tubig na binuhos mula sa ulo ko.
"Ano ba!" Napabalikwas ako ng bangon.
"Oh ano? Di ka pa babangong babae ka?! May pasok ka pa--"
"Mama?"
"Alangan namang manananggal ako. Ano pang tinutunganga mo riyan? Maligo ka na at may pasok ka pa!"
"Psh." Napairap ako. Moment na sana yun eh ket sa panaginip lang.
Matitikman ko na sana yung pinkish lips ni Ser eh kaso inudlot ni mama yung panaginip ko. Psh. Spell kontrabidang maganda katulad ko, M-A-M-A.
"Mag-ingat ka sa school, Love" sabi ni mama habang nakatutok sa TV
"Alangan namang hindi ma. Duh. Byeeee" tas hinalikan ko siya sa pisngi.
Nakapunta ako sa School ng matiwasay nang maalala ko na naman yung naudlot naming halik ni Ser. Omg.
Uminit bigla ang mukha ko. Sayang at di natuloy ang kiss. Si mama naman kasi eh. Hmp. Panira ng moment ket sa panaginip lang.
Di bale, itutuloy ko nalang in real life. I giggled.
YOU ARE READING
In His Arms (Ser Series #1)
Teen FictionIn his arms, I felt so safe that I could never imagine my life without him - Love Epitome