Chapter 10:
SUNDAY na ngayon at wala akong maisip na gawin. Nagawa ko na yata halos lahat pero wala eh. Wala talaga, siya lang at wala ng iba pa. Chos.
Napagulong gulong ako sa higaan atsaka napatayo. Napahiga, napadapa, napa-- gulong ulit.
Ewan ko, baliw na siguro ako.. Baliw na siguro ako kay Ser History. Ahihihihi.
Speaking of, kumusta na kaya siya? Kumain na ba siya? Ayos lang kaya siya? Nakaligo na kaya siya? Char. Jowa ka ghorl? Napairap ako sa kawalan.
Wala na talaga ako sigurong magawa kaya ganito.
Lumipas ang ilang minuto at mas lalo pa akong nabored. Kinuha ko ang cellphone ko at nagrandom calling.
Unang tawag, walang sagot.
Pangalawang tawag, babae ang sumagot kaya agad ko itong inoff.
Pangatlong tawag, may sumagot.
"Hello?" Panimula ko.
"Love, Goodbye" saad niya at inend call. Tsk.
Huminga ako ng malalim at tumipa ng panibagong numero.
Sana naman ay maayos na ito.
"Hello?" Panimula nung nasa kabilang linya. Napangisi ako.
"Hi babe!" Masiglang saad ko naman sa kaniya
"Babe? Wtf?" Saad niya. I can sense that he raised his eyebrow. Napatawa ako ng mahina. Suplado.
"Babe naman, napakamapagbiro mo talaga. Are you pranking me na di mo ako kilala?"
"Sorry miss. I think you called the wrong number. I'm not your boyfriend"
Napatawa na naman ako ng mahina, "Hindi ako nagkakamali noh. Alam kong ikaw yung boyfriend ko. Babe naman eh. Nakakapagtampo ka na"
Rinig kong napasinghal siya sa kabilang linya, "What do you want, miss?"
"It's not miss, it's babe!"
"Then fine. What do you want?"
"Kantahan mo ko"
"Ikaw na nga yung tumawag sa akin, ikaw na nga yung tumawag na babse sa akin kahit di naman kita kilala, ikaw na nga yung nagpumilit na tawagin kitang babe, tapos papakantahin mo pa ako?!" Rinig kong singhal niya sa kabilang linya
"Please?"
"Please, babe? Kantahan mo 'ko" pagpapacute ko kahit cute naman talaga ako noon pa.
Napabuntong hininga siya, "Make sure you'll not regret after this"
I aggressively nodded kahit di niya yun nakikita. Excited nakong marinig ang boses nitong katawagan ko. Paniguradong maganda yung boses nito kasi ang gwapong pakinggan nung boses niya eh. Pano na kaya pagkumanta na siya?
I heard him strumming his guitar. Maeffort si koya.
"AKALA KOYYYY EKAWWW AYYY AKEEEENNNNN" Natigilan ako. Sh-t.
"GANDAAAAA MOOO SA PANEEENGEEENNN~"
"Tama na" mahinang saad ko
"AKOOOO NGAYOOYYYY NAGGG EESAAAAA. SANA AY TABEHANN NAAAA"
"Tama na" mas nilakasan ko pa yung tinig ko.
"SA ELALEM NG PUTENG ELAW. SA DILAWWWW NA BUWAAAANNNN. PAKENGGAN MO ANG AKENG SEGAAWWW. SA DELAWWW NA BUWAAANNN" saad niya at nagsteum pa ng gitara
Ilang segundo pa ay natapos na siya. Salamat naman.
"Maganda ba?" Tanong niya sakin
"Oo. Sobra" Sa sobrang ganda, dumudugo na yata yung tenga ko sa loob.
Napatawa siya, "Mabuti at nagustuhan mo"
"Kasi may isa pa akong kantang handog para sayo" saad niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Mama. Papa. Kuya. Bunso. Anyone (ka). Help.
-------
MATAPOS ang pagkanta niya-- na halos nagpadugo ng tenga ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Next time kasi Love, wag ka ng magrequest na kantahan ka ng pinaprank call mo. Maaawa ka sa nga organs mo.
Hindi kalaunan ay meron na namang tumawag. It was unknown number.
Huminga ako ng malalim at sinagot ito, "H-hello?"
"I miss you, Love. Hope to see you soon" saad niya.
Magsasalita pa sana ako pero bigla niyang binaba ang tawag. Sino kaya 'to?
YOU ARE READING
In His Arms (Ser Series #1)
Teen FictionIn his arms, I felt so safe that I could never imagine my life without him - Love Epitome