Matapos ang trabaho ni haidie sa restaurant ay agad na syang umuwe,ngayun nasa daan na sya at naglalakad sya patungong sakayan ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Nhorhaidie....."tawag sa kanya ng lalaki.
Napabaling sya sa gawi ng tumawag sa kanya.
"Raiden.....?"sabi nya nung mamukahan nya ang lalaking tumawag sa kanya.
"Yes Nhor ako nga"sabi ng lalaki sa kanya habang masaya ang mukha nito na nakatitig sa kanya.
"Musta kana?"anang sabi ni raiden.
Napakurap kurap naman sya.
"Ayos lang naman ako"sagot nya."Maylakad ka ngayun?"sabi nya sa nagtatakang boses nito.
"Yeah,pero napadaan ako dito at nakita kita"habang napa kalapad ng ngiti nito.
"Oh sya na mauna na ako sayu"at naglakad na sya.
Pero tinawag parin sya ng binata."Nhor,teka lang"sabi ng binata.
"Ang kulit naman"sabi niya bago humarap.
"Ano"sabi niya
"Hindi mo ba talaga ako pakikinggan?"anang sabi ni raiden sa kanya.Si Raiden Makapagal ang full name nito at matagal na nya itong manliligaw simula nung sya'y dumating dito sa maynila.
"Ano ba raiden wala akong pakikinggan sayo"giit nya at naglakad na sya at iniwan si raiden sa kawalan.
Naramdaman nyang hindi na sya sinundan ng binata kaya ng makarating sya sa sakayan ay agad na syang sumakay.
Nakarating na sa bahay si Haidie at sinalubong na sya ng kanyang tita.
Na mukhang maniningil ito sa kanya.Kaya dali dali na lang nya inilabas ang kanyang pera sa bulsa at kinuha nya dun ang limang libo na kanyang sahod sa restaurant kanina.
Agad naman sumaya ang mukha ng kanyang tita dahil sa kanyang ginawa.
Ng maibigay nya ang pera agad naman syang pumasok sa loob ng kabahayan para makapagpahinga sya.
Dahil bukas ay Isa na Namang pagsubok Ang kanyang haharapin.Morning came at NASA office na ngayun si haidie
Ang daming clients ang nagpapa sign ngayun ng kanilang projects maging ang manager ng shanzao airlines ay hinahanap ang boss niya.
dahil hindi naman pumasok ang kanyang boss,lahat ng trabaho ng boss nya ay nailapag sa kanya.Ng maka alis ang mga naghahanap sa boss nya
napagtanto nyang puntahan ang kanyang boss sa bahay nito.Kaya dali dali syang umalis at dala-dala nito ang mga folders na kailangan pirmahan ni Raffy.
Nagpahatid sya sa elevator pababa ng kanyang office.
Ilang sandali lang nag bukas na ang pinto ng elevator,kaya dali dali na syang nag lakad palabas ng kompaniya.sumakay siya ng taxi para mabilis syang makarating para maaga din syang makabalik sa bahay niya.
Nasa loob na sya ng taxi at hawak hawak nito ang limang folders na pipirmahan ni Raffy. Ilang minuto lang ang lumipas naka rating na sya sa bahay ng boss nya.
Nalaman nya ang bahay ng boss nya dahil sinabi niya ito sa kanya nung isang araw silang nagkita sa restaurant.
Binayaran nya muna ang taxi driver bago sya bumaba.
Ng makababa na sya agad na syang nagtungo sa gate ng bahay ni Raffy.Nasa harapan na sya ng gate at pinindot pindot niya ang door bell ng bahay nito.
Naka ilang beses na rin syang naga door bell walang sumasagot sa kanya.