Chapter 04

805 41 0
                                    

Naka ilang busina na lang sya ay bumukas na din ang gate ng kanilang bahay.
At pinapasok na nya ang kanyang sasakyan papasok sa balkonohe ng kanilang bahay.

Nang matapos nyang mapark  ang kanyang sasakyan sa balkonohe kinuha na nya ang kanyang pinamili sa passenger seat dun kasi nya iyon inilagay nung nandun pa sya sa mall.

Matapos nyang makuha ang kaniyang pinamili ay agad na syang nagtungo sa loob ng kabahayan.

"Oh saan ka galing"nagtatakang tanong ng kanyang ina.
Itinaas nya ang kanyang pinamili.

"Mom,galing akong mall."sabi niya habang iniangat nito ang kanyang pinamili.

"Anong pinamili mo?"tanong ng kanyang ina.

"New clothes mom"paliwanag nya.at mukang napalagay naman ang kanyang ina.

"Ahh anak para saan naman?"tanong muli ng kanyang ina.

"Mom,gagamitin ko sa Pilipinas pagbalik ko dun"paliwanag nya.

"Sige anak,i akyat mo na lang yan at para makakain kana rin"

"Mom,busog pa po ako"giit nya.

"Okay anak kung magugutom ka punta ka lang sa kusina at sabihan mo si manang kora.

Si manang kora ay sya yung mayordama nila dito sa kanilang bahay,dahil matagal na syang nag tatrabaho dito sa kanila,at napa mahal na sila dito at para ding kasapi ng kanilang pamilya ang tingin nila sa Kay manang kora.

"Sige mom,sa Taas muna ako"paalam nya sa ina.

Ngumiti naman ang kanyang ina.

"Sige anak"at umalis na sya at umakyat na sya sa kanyang silid dahil sa last floor pa ang kanyang silid.

Nagtungo na sya sa elevator kung saan dadalhin sya nito sa kinaroroonan ng kanyang silid.

Masasabi mo rin ang family Velasquez ay isa rin itong mayaman sa greece.

Sumakay na siya sa  elevator at pinindot ang last floor na kinaroroonan ng kanyang silid.

Bumukas na ang pinto ng elevator,at ng bumukas yun agad naman syang lumabas at nag lakad na sya patungong pinto ng kanyang silid.

Nang makapasok na sya sa kanyang silid inilagay nya ang kanyang mga pinamili sa kanyang kama pati na rin ang kanyang cellphone inilabas nya sa kanyang bulsa at inilagay yun sa bedside table niya.
Ng matapos nyang mailapag sa kama ang mga pinamili.

Agad na nyang inalis kanyang socks,kasunod ang kanyang polo shirt at inalis nya ang kanyang pantaloon at last ang kanyang boxer.
Normal lang nya yun ginagawa .

Ng wala na syang saplot nagtungo na sya sa loob ng banyo para maligo.
Nasa kalagitnaan sya ng pagliligo ng biglang nag ring ang kanyang cellphone.

"Sino na naman tong tumatawag?"sabi niya sa kanyang sarili habang sinasabon nito ang katawan.
"Alam ba nila na naliligo ako?,bakit sa tuwing NASA loob ako Ng banyo kayo tumatawag?" Satsat ni raffy sa kanyang sarili.

Pinagpatuloy lang nya ang kanyang pagsasabon hanggang sa natapos sya.
At sumubsub sya sa tubig ng shower.
Ng matapos syang maligo ini off nya yun button ng shower at lumabas na sya ng banyo at kumuha sya ng isang tuwalya para pampunas nya sa kanyang katawan at lumabas na sya ng banyo ng walang saplot.

Nagtungo na sya sa kanyang kama at kinuha nito ang kanyang cellphone sa bedside table nito at tinignan kung sino ang tumawag kanina.
Napatitig sya sa kanyang cellphone dahil sa pangalan ng tumawag sa kanya kanina lang.

Ang nag Missed called sa kanya ay si.
"Marco avillaño"ang kanyang sekretaryo sa velasquez company.

"Bakit kaya ito tumawag?"nagtatakang tanong nya sa kanyang sarili.
Habang nakatitig parin ito sa screen ng kanyang cellphone.

Tinawagan nya si marco para maklaro nya kung bakit ito napa tawag,baka importante ang kanyang sasabihin.

Naka apat na ring lang siya at sinagot na kaagad ng kanyang sekretaryo.

"Hello sir raffy"magiliw na bati ng kanyang sekretaryo.

"Hello,marco"sagot nya.

"Marco may kailangan ka?"tanong nya kaagad sa sekretaryo niya.

Natahimik ang kanyang sekretaryo ng ilang minuto.

"Marco nandyan kapa ba?"nagtataka na sya kung bakit natahimik ang kanyang sekretaryo sa kabilang linya.

Bumuga ng marahas na hininga ang kanyang sekretaryo bago ito nag salita.

"Sir,gusto ...lang po sana na mag leave muna sa trabaho sir...."sa kinakabahan nitong sabi.

Napakurap kurap sya.
"Bakit marco,?may problema kaba?"sabi nya sa nagtatakang boses niya.

Sumagot naman ang nasa kabilang linya.

"Sir wala naman po,gusto lang kasi ng asawa ko na mag karoon kami ng time sa isa't isa.kasi matagal na kaming di nag kikita nasa probinsya kasi sya."paliwanag nya habang si raffy ay nakatulala lang sya.

"Marco,pwede bang humingi muna sayo ng palugid?"sabi niya sa malamig na boses nito.

"Sir raffy sige po"sabi nya habang nag iisip ito.
"Pero sir raffy,mga tatlong linggo na lang maipapangako ko sayu"habol nya sa kanyang sinasabi.

Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa tinuran ng kanyang sekretaryo.
Nanghihinayang sya dahil aalis na ang kanyang pinapagkatiwalaang sekretaryo at maaasahan tagalagang sekretaryo si marco kaya nanghihinayang sya na aalis na ito.

"Salamat,marco"sa bi nya sa nakangiting sabi.

"Wala yun sir"giit ni marco.

"Salamat talaga marco,dahil pinagbigyan mo pa ako,at saka wala pa akong nahanap na katulad mo"paliwanag nya sa malamig na boses.

Napangiti naman si marco dahil sa kanyang tinuran.

"Okay sige bye,marco may gagawin pa ako"pagdadahilan nya.pero ang totoo matutulog na sya.
8:00pm na iba sa pinas ang oras dun at dito.

At pinatay na nya ang tawag saka nilagay muli ang kanyang cellphone sa bedside table niya.

Matapos nyang mailagay sa bedside table nya ang kanyang cellphone ay kinuha naman nya ang mga paperbag na nilagay niya kanina sa kama nung dumating sya.at binuhat ang  paperbag na kinalalagyan ng kanyang mga  pinamili sa mall.

Nagtungo na sya sa kanyang closet  habang wala syang saplot ni isa.
Ng makarating na siya sa closet nito inilabas nya ang kanyang pinamili mula sa paperbag.

at inilagay nya iyon sa loob ng kanyang closet ang mga bagong damit na binili nya sa  mall.

ng matapos nyang ilagay ang mga damit na pinamili sa closet ay agad na syang nagbalik sa kanyang kama para matulog na ito.

Ng makarating sya sa kanyang kama agad na syang humiga.
Hindi sya nag susuot ng kahit anong damit kung sya'y matutulog.
Kaya heto ngayun sya matutulog sya ng walang saplot ni isa.

Nakahiga na sya sa kama pero hindi parin sya dinadalaw ng antok biglang nag sink in sa isip niya si jannet.

"Kung mahal ko si jannet,bakit hindi ako apektado sa ginawa nya sa akin?"tanong nya sa kanyang sarili.

"Dahil siguro hindi mo sya gusto oh baka di mo sya mahal"sagot ng kanyang isipan.

"Siguro nga di ko sya mahal kaya di ako apektado sa ginawa nya"sagot na naman nya sa kanyang sarili.

Ng matapos syang mag isip agad na syang dinalaw ng antok.

At ilang sandali lang nakatulog na sya.

          JHORJR|J.J.

my mysterious prince🤴series #2 Clark velasquez Where stories live. Discover now