When We Start The Lie

1 0 0
                                    

"Akala ko ba mahal na mahal na mahal mo si Pablo? Bakit tinanggihan mo siya?" Tanong ni Melanie nang nasa bahay na kami.

"Naniwala naman kayo?" matigas kong sabi na nagpanganga sa kanilang dalawa.

"Wait, wait, wait sabi ng bird ni kuyang pogi sa tapat ng bahay mo," biro naman ni Ofelia na nakatingin sa labas. "Do you mean na nagdrama ka lang kanina?"

"Tumpak, Sissy," lumagok ako ng tubig. "Pang-Cinemalaya na ba ang acting ko kanina?" Biro kong tanong.

"Anong drama mo?" Si Melanie naman.

"Huwag ka ngang boobita diyan babaeng may kalyo na ang matres," pang-aasar ko sa kanya. "I'm back for my vengeance. It's payback time. This time Pablo will taste the unimaginary pain na sobra pa sa ginawa niya sakin before."

"Baliw ka talagang bakla ka," si Ofelia na mukhang naiinis. "Move on na gurl. Panahon pa ni Gabriela Silang nangyari yun."

"Kaya nga," Melanie agreed to Ofelia. "Kukutusan talaga kita----," hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang nag-ring ang kanyang cellphone.

"Hello, Hon?" Sagot niya sa tumawag na malamang ang mala-anghel niyang asawa.

Mabuti pa ang dalawang 'to ang sisuwerte sa mga lovelife nila. They are happily married with their hubbies kaya hindi sila namo-mroblema sa pag-ibig.

"Sissy, may charger ka? Lobat na pala ako," tanong niya nang biglang naputol ang kanilang pag-uusap.

"Andoon sa bedside table nakapatong."

Agad na pumasok si Melanie sa room ni Miggy para kunin ang hinihiram na charger. Ilang saglit pa ay bumalik na ito sa sala at doon nag-charge.

Isang oras pa ang itinagal nilang dalawa sa bahay and they are convincing me na huwag nang ituloy ang binabalak kong paghihiganti kay Pablo.

"Pablo, pasensiya ka na, kailangan ko tong gawin. Kung totoo mang mahal mo ko, kailangan kong gawin ang bagay na 'to," bulong ko sa sarili ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Hindi mo ako pwedeng mahalin. Hindi tama."

Naalimpungatan ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto kaya napabalikwas ako.

"Dada," tawag sakin ni Migz at tumakbo paakyat saking kama at excited na niyakap ako. Nagtataka man kung paano nakarating ang bata doon ay binati ko siya.

"Pasensiya ka na. Hinanap ka ng bata kagabi pa kaya tumawag ako kay Ofelia at nagpasama dito," si Pablo na kasunod naman si Ofelia.

"Ayan na ang mag-ama mo. Sigaradong sasaya ka na niyan," si Ofelia na nakasandal sa pintuan at nakapameywang pa. "Pablo," tawag niya dito kaya napalingon ito. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko huh. Siguraduhin mo lang na sasaya yang misis mo sa araw na 'to, para hindi niya pagsisihan ang pagbalik niya at tinanggap ang pag-ibig mo," may diin ang huling dalawang salita ni Ofelia kaya pinandilatan ko siya.

Medyo kinilig naman ako pero nakabuo na ako ng plano kagabi and it's final.

"Saan tayo?" Tanong ko sa nagmamanehong si Pablo ng mapansin kong palabas ng Manila ang way niya.

"Basta. Just take a nap para di ka mapagod sa biyahe. Ako ang bahala sa inyo ni Baby," may ngiti niyang sabi at hinawakan ako sa kamay na agad ko namang binawi.

"Anong ginawa mo sa bata?" Tanong ko instead na sundin ang sinabi niya matulog ako.

"What do you mean?" Taka niyang tanong.

"Bakit "Dada" ang tawag niya sa'kin?" Paglilinaw ko.

"After mawala ni Karen at sumama sa iba, ipinangako ko hahanapin kita. Ikaw ang minahal ko buong buhay ko kaya sabi ko sa sarili ko wala na akong iibiging iba kundi ikaw lang. Masuwerte ko naman na dininig Niya ang gusto ko kaya that night of our reunion hindi ko na pinalagpas ang sandali," kwento niya na wala naman akong paki.

"Kaya habang lumalaki si Migz. Pinakilala kita kahit sa mga pictures lang. Tinuruan ko siyang mahalin ka kahit hindi ka pa niya nakikita," patuloy niyang kwento. Napatingin naman ako sa natutulog na bata sa backseat.

"Parang napakasigurado mo naman na mah--," hindi ko tinuloy ang sasabihin ko. Buti na lang ay hindi niya masyado narinig iyon.

"Bakit sa tingin mo naisipan ni Karen na iwanan kayo?" Wala kong prenong tanong habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya.

Itinaas ang kanang kamay at inakbayan ako.

"Kasi alam niya na sa una pa lang hindi ko na siya mahal. Pinilit niya lang ako at pinilit ko din ang sarili ko na pakisamahan siya." Hinawakan niya ang hita ko at pinisil.

"Pasalamat pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon. Binigyan niya ako ng isang napakagwapong Miguelito, na anak na natin ngayon." Napatawa naman ako sa tinuran niya kaya napahawak din ako sa kamay niya na nasa aking hita at pinisil din ito.

Ilang oras din ang byinahe namin at tumigil kami sa pier ng Mabini, Batangas. Bago kami bumaba ng sasakyan ay may tinawagan siya at nagsabi na nandito na kami.

"Good morning sir, kayo po ba si Sir Pablo?" Tanong ng babae matapos niyang pagbuksan ito.

"Opo ako nga po. Asawa ko po pala si Miggy," pakilala niya sakin at gulat naman ang reaksiyon ng babae. Hindi siguro makapaniwala sa sinabing iyon ni Pablo.

"Si Migz po," pakilala ko sa karga kong chubibo.

"Hi baby," bati ng babae na nagpakilalang si Cecil.

Hindi na kami namili sa palengke kasi sakto naman sa dalawang araw ang dalang pagkain ng 'asawa ko'.

Dumiretso na kami sa bangka at medyo matagal ang paghihintay namin bago umalis. Namamangha ako sa dagat na napakalinaw. Sa mga islets na nadadaanan namin. Ilang sandali pa nakarating na kami.

"MASASA BEACH"

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon