When We Start The Obsession (Rated SPG)

1 0 0
                                    

Pablo's POV

Hindi  ko maintindihan si Miguel bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit kailangan pa niyang lumayo? Bakit kailangan niya akong saktan ng ganito?

Ang gulo na ng isip ko. Hindi ko kasi maisip kung ano ang nagtulak sa kanya para lumayo ulit. Kung paghihiganti man ang dahilan niya, nagtagumpay siya.

Nagtagumpay siya dahil labis ang kalungkutan ng puso ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko siya masisisi. Dahil ako din naman ang nagsimula ng lahat. Alam kong sobrang sakit din ang ginawa ko sa kanya dati noong itinaboy ko siya.

Pero pinagsisisihan ko naman na iyon kaya ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi pa ba sapat iyon para mapatawad niya ako?

Nasaan ka na Miggy?

Biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa side table.

"Hello, Pare," pagsagot ko sa tawag ni Arthur. Nilingon ko muna si Migz na mahimbing na natutulog bago lumabas ng terrace para hindi makaistorbo sa anak ko.

"Pare, may good news ako sa'yo," masayang balita sakin ni Arthur kaya ako man ay nag-iba ang emosyon na dala-dala ko.

"Huwag mong sabihing...," hindi ko pa natatapos ang binibigkas ko ay biglang nagsalita ang bestfriend ko sa kabilang linya.

"Oo, Pare. Alam ko na kung nasaan si Miggy," biglang nagwala ang mga kalapati sa aking kaloob-looban pati na rin ang tinik na nakabaon dito ay biglang nabunot dahil sa aking narinig.

"Saan siya?" Excited kong tanong dahil hindi na ako makapaghintay.

Arthur's POV

Nagi-guilty ako.

Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit labis na nasasaktan ang matalik kong kaibigan. Kung bakit sobrang lungkot niya noong umalis si Miggy.

Matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko 20years ago. Pero hindi ko alam na hindi pa pala nakaka-move on si Miggy dahil doon.

Aminado ako.

Dahil sa akin nawala ang lahat sa kanya. Mga taong nagmahal sa kanya ay lumayo dahil sa ginawa ko.

Kahit mga magulang niya ay itinakwil siya ng mapanood ang pinakalat kong video na naghahalikan sila ni Pablo. Dahil doon nasira ang kinabukasan niya. Nasira ang buhay niya.

Sinira ko dahil lang sa lintek na inggit. Inggit ng pagiging sikat niya. Pero hindi ko sinasadya iyon. Ang tanging nais ko lang naman dati ay ang manalo sa pageant na iyon. Hindi ko alam na malaki pala ang magiging epekto ng scandal na ikinalat ko.

Kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap si Miggy. Para masagot na ang katanungan ni Pablo kaya kinausap ko ang kaibigan kong imbestigador.

At sa wakas, pagkatapos ng tatlong buwang paghahanap niya kay Miguel ay natagpuan niya na din ito kaya agad ko itong ibinalita kay Pablo.

Miggy's POV

"Ding dong"

"Ding dong"

Narinig kong tunog ng doorbell ko kaya binilisan ko ang pagligo.

"Wait lang," sigaw ko nang tumunog ulit ito.

Tinamad kasi akong magluto para sa lunch ko kaya nag-order na lang ako online. Tinamad din akong lumabas para bilhin ang gusto kong kainin.

Sa totoo lang kanina pa ako gutom kaya binilisan ko na ang pagbanlaw at tinuyo ang buo kong katawan. Naka-robe lang ako paglabas ng banyo at dumiretso sa pintuan kasi nga excited na ako sa pinadeliver kong pagkain.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon