When We Start The Truth

1 0 0
                                    

"Anong pinagsasabi mo?" Galit na tanong ni Pablo kay Miggy. "Mahal kita?"

"A--akala k---," hindi na naituloy ni Miggy ang sasabihin.

"Bullshit!" Matigas na mura ang pinakawalan ni Pablo. "Pre lasing lang ako noon. Naiintindihan mo ba yun?" Pasigaw na siya na mukhang galit na galit at gusto nang manakit.

Hindi mabuka ni Miggy ang kanyang mga bibig. Naging blangko na rin ang kanyang utak. Naintindihan niya naman na kapwa sila lasing noong gabing iyon pero iba ang gusto niyang marinig mula kay Pablo.

Iba kasi ang nararamdaman niya sa mga halik na iyon. Iba ang kuryenteng hatid ng mga haplos na iyon. Katulad iyon ng ipinadama niya. Katulad iyon ng pinakawalan niya. May pagmamahal.

"Hindi ako bakla Pare. At hinding-hindi ako papatol sa baklang kagaya mo!" Saka niya itinulak si Miggy at umalis.

"Pablo," tawag niya sa papalayong lalaki.

"Isa pang tawag sa pangalan ko at makakatikim ka na sa'kin," galit na sigaw nito.

"Pablo!" Mahina nitong tawag.

"Joke," bawi niya nang lumingon ito.

"After 20years, ang hirap pa rin kalimutan ang sakit na iyon. Malaki at malalim na sugat ang idinulot ng pagtatakwil na iyon kaya hindi ko alam kung paano magpatawad."

"Nasira ang relasyon ko sa aking mga magulang. At ang masakit pa huli na ang lahat ng tanggapin nila kung ano ako bilang tao. Kung ano ako bilang anak nila. Pareho silang nawala ng hindi ko man lang nakita. Iyon ay dahil sa kagustuhan nilang huwag na ako magparamdam pa."

"Nasira ako sa lahat ng mga taong nakapaligid sakin. Lahat ng nagmamahal sakin nawala. Pero kahit nagpakalayo-layo at iniwan ang mundo na kinasanayan ko, may dalawang tao pa rin na andiyan pa rin at laging sumusupurta at nagpaalala sakin ng tama at mali. Si Ofelia at Melanie. Hindi nila ako tinalikuran. Hindi kami nawalan ng communication."

"Malaking dagok sa buhay ko ang isang gabing pagkakamaling iyon. Inaamin ko. Lasing ako noon. Nag-assume ako. Nagmahal lang ako."

"After 20years, bumalik ako para gumanti. Pero hindi ko nagawa iyon kay Arthur dahil sa mga epal kong kaibigan."

"At after 20years, sa wakas nakaganti rin ako Pablo. Pero bakit ako pa rin ang nasasaktan? Ako pa rin ang nasaktan nang layuan ko siya kagabi. Ako pa rin ang nasaktan kasi gusto kong maniwala sa sinabi niya."

"Mahal kita." Ume-echo sa kaibuturan ng pagkatao ko ang isinigaw niyang iyon.

"Hoy," pukaw ni Melanie sa aking diwa. Tinapik niya ako sa aking kaliwang balikat. "I love you daw sabi ng bata," bulong niya sakin.

"He's Miguelito. Migz for short," sabat ni Pablo.

"Excuse me," bigla akong napaatras kaya nagtaka ang bata sa kandungan ko. Binuhat ko siya at ibinigay kay Melanie.

"Miggy," tawag ng isang pamilyar na boses na may hawak saking kamay upang pigilan ako.

"Ano na naman 'to?" Tanong ko sa kanya matapos kong lumingon. "Frame up?"

"We're here to apologize," sabat ni Arthur na tumayo saka lumapit sakin. "Sorry for what I did. Sorry for what I've done. Matatanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad. But please, makinig ka muna. Walang kinalaman si Pablo sa nangyari 20years ago. Naiinggit lang ako sa'yo dati kaya nagawa ko iyon." Tiningnan ko siya at alam kong sincere ang paghihingi nito ng tawad. Nakikita ko sa kanyang mga mata.

Ito yung ugali ko na pinakaayaw ko. Ang bilis kong magpatawad. Ang bilis kong makalimot kahit sobrang sakit at naghirap ako dahil sa ginawa niyang iyon. Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad? Isa pa sobrang tagal na iyon. It's been 20years long.

Kaya huminahon ako ng biglang natunaw ang galit sa dibdib ko.

Napatingin ako kay Migz na karga ni Melanie. Ang amo ng kanyang mukha katulad ng kanyang tatay.

Ngumiti ako sa kanya. At naramdaman ko ang pagluwag ng paghawak ni Pablo sa aking kamay.

Lumipat ang tingin ko sa kanya. Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mga oras na iyon. Gustong-gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya sa gitna ng maraming tao.

Ngunit ayoko.

Ayokong masaktan si Arthur. Ayokong masira kung anuman ang meron sila.

Ngunit nabigla ako.

Nabigla ako nang hinatak ako ni Pablo sabay yakap ng mahigpit. Natulala ako. May inisiip.

Ngunit ayokong sayangin muli ang pagkakataong ito kaya pumikit ako para damhin ang tibok ng kanyang puso. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Asuuuuuusss, ang dami nang langgam dito. Tama na yan aba!" Biro ni Ofelia na nagpabalik saking ulirat kaya napabitaw ako.

"Ahm, sorry," sabi ko ng hindi makatingin kay Pablo. Humakbang ako pabalik sa upuan ko kanina.

"So bakit Miguelito ang ipinangalan niyo ni Karen sa anak ninyo?" Tanong ni Ofelia sa gitna ng pagkain namin.

"Ako ang nagbigay ng pangalan niya alinsunod na rin sa gusto ni Karen. Naisip kong ipangalan sa kanya iyon kasi gusto kong maalala sa bawat minuto ng buhay ko na mali ang ginawa kong pananakit sa taong pinakamamahal ko," napatigil ako sa paghigop ng milktea.

"What do you mean sa pinakamamahal mo?" Tanong ulit ni Ofelia kay Pablo pero nakatingin sakin na parang nanunukso. And it gives me a blush na pilit kong itinatago ngunit hindi kinaya ng powers ko.

"Bat ka namumula diyan?" Tuksong tanong ni Melanie ngunit isang tingin lang ang isinagot ko sa kanya. Nahihiya kasi ako. Feeling ko kasi ang haba ng mga false eyelashes ko.

"Miggy," tawag sakin ni Pablo na lalong nagpapula sakin. "Alam mo bang sa mga panahon na tinuturuan mo akong maggitara, tinuruan mo rin akong mahalin ka? Hindi ko alam kung bakit. Bigla ko na lang iyon naramdaman at wala na akong nagawa."

Napatingin ako sa kanya at parang nabasa niya ang gusto kong itanong.

"I dont know how to handle that kind of feeling kaya nilabanan ko iyon. Pinilit ko ang sarili kong paniwalain na wala lang iyon. Na mawawala din iyon kaya pinili kong itakwil ka, na saktan ka sa pag-aakalang sa pag-alis mo maalis din ang nararamdaman ko sa'yo. Pero nagkamali ako, ang sakit-sakit pala. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pinagsisihan ko iyon," bumuntong hininga siya at nagsalita ulit.

"Hinanap kita," doon na niya ako hinawakan sa kamay. "Pero walang nakakaalam kung nasaan ka."

Tiningnan ko ng masakit ang dalawang nasa kaliwa't kanan ko.

"Aba malay ko ba!" Depensa ni Melanie.

"Di ba sabi mo ayaw mong makarinig ng pangalang Pablo? Naging masunurin lang kami," depensa naman ni Ofelia.

"And remember," si Melanie ulit. "You never told us where have you been all your life."

Totoo naman. Hindi talaga nila alam kung nasaan ako.

"Saan ka ba nanggaling, Pare?" Tanong ni Arthur na kanina ko pa sanang gustong tanungin kong ano ang namamagitan sa kanila ni Pablo.

"Hindi na importante 'yon," maikli kong sagot.

"Daddy pahingi po," si Migz na itinutukoy ay ang pagkain na nasa harap ni Pablo. Napangiti ako kasi ang inosente niya. Wala siyang pakialam sa mga pinag-uusapan namin. Sa pagkain lang siya may pakialam at hindi ito maitatanggi ng kanyang chubby na katawan.

Inabot naman iyon ng kanyang ama at pagkatapos ay nagsalita na naman. "Ang daming commercial," pagbibiro niya at nagtawanan ang tatlong chaperone.

"To be continued na ba?" Tanong niya sa tatlo.

"Push," si Ofelia.

"Miggy," tawag ulit sakin ni Pablo. "Pwede ba tayong magsimula ulit?"

"No!" Mabilis kong pagtanggi.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon