"May AIDS ako," bulong ko.
Napatigil siya ng marinig ang aking sinabi. Tila nanghina siya dahil naramdaman ko ang pagluwag ng paghawak niya sa aking braso na nakagapos.
Naramdaman ko din ang unti-unting paghugot niya ng kanyang sandata na nakabaon. Napaatras siya hanggang napasandal siya sa pader kaya kita ko ang kabuuan niya. Ang maskulado niyang katawan at maugat na sandatang wala ni isang damo sa paligid.
Wala siyang ibang reaksiyon kundi pagkagulat. Kahit nakayuko siya ay kitang kita ko pa rin ang mga mata niya na tila nagtatanong.
Pakiramdam ko pinaninidirian niya ako. Sino ba naman ang hindi mandidiri sa isang taong may AIDS? Lahat ng tao takot lumapit sa mga taong may ganitong sakit dahil akala nila na ito ay nakakahawa maliban na lang siguro kung ang isang tao ay na-educate tungkol sa sakit na ito.
"Sige mandiri ka, Pablo," ani ng isip ko. "Para layuan mo ako. Nang sa ganun makaganti ako sa ginawa mo. Mahal mo ako di ba? Ngayon, ramdam mo ba ang sakit? Ramdam mo na ba ang paghihiganti ko? Hindi mo na ako kayang mahalin, right?" Panunumbat ko sa kanya pero hindi ko kayang sabihin.
Hindi ko mapigilan ang saya na nadarama ko. Pakiramdam ko kasi nagtagumpay ako sa plano ko. Ang saktan siya.
"Hahahahaha," tawa ko kaya napatingin siya sa akin.
"Mahal mo ko di ba? Bat hindi mo ituloy?," hamon ko sa kanya. Sa wakas nasabi ko ang kanina ko pang gustong ilabas ng dibdib ko.
"Nasasarapan na ako ei. Tara na! Ituloy na natin, Pablo," saka ko itinaas ang kanan kong paa para ayain siyang pasukin ako.
Hindi niya pinansin ang paghahamon ko. Pero tinanong niya ako na lalong nagpatawa sakin.
"Are you kidding, right?," tila naguguluhan siya.
"Who told you that?," sabay tawa. "Ni minsan hindi ako nagbiro sa'yo. Napakaseryoso kong tao para magbitaw ng ganyang biro," dagdag ko pa para inisin siya.
Seryoso siya at inupo sa sahig ang hubad niyang katawan na tila nanlalambot. Kahit ayaw niyang ipahalatang nasasaktan siya, kita ko naman iyon sa kanyang mukha.
"Ngunit paano?," tanong niya saka tumingala sakin.
Kahit ngalay na ang kamay ko na nakagapos pa rin ay hindi ko iyon ininda. "Care to know?," pilosopo kong tanong. "Pero sige, makinig ka," may diin kong sabi.
Hindi pa man ako nakakapagsimulang magsalita ay naging emosyonal na ako. Tumulo na ang luha ko ng hindi ko namamalayan.
"Simula noong itinakwil ako ng aking mga magulang. Napatunayan ko na hindi pala nila ako mahal. Pero naisip ko, may isa pang taong nagmamahal sa akin at alam kong handa niya akong tanggapin," panimula ko.
"Siya yung tao na kahit hindi niya sinabi na mahal niya ako, naramdaman ko naman iyon. Sa mga haplos niya. Sa mga titig niya. Sa mga kilos niya at alam mo noong hinalikan niya ako, doon ko talaga nakumpirma na totoo nga ang iniisip ko," utal man sa kakasalita ay hindi ako nagpatigil sa pagkuwento.
"Ngunit nagkamali pala ako. Ang dakila kong assumero para isiping mahal niya din ako. Dahil sa halik lang na iyon" napatawa ako ng mahina kasi I was disappointed to myself that time.
"Dahil sa halik lang na iyon," pag-uulit ko at umiling-iling.
"Itinakwil niya rin ako," pagkasabi ko nun ay nagsalubong ang aming mga mata. Gusto ko man maniwala sa nababasa kong paghihingi niya ng sorry sa kanyang mata ay ayoko maniwala. Remember!??? Mahina akong nilalang baka bumigay na naman ako.
"Hindi alam ng mga magulang ko kung gaano ako nasaktan at naghirap dahil sa hindi nila ako matanggap bilang anak. Dahil lang sa bakla ako," napatigil ako ng maalala ko ang araw na iyon na halos sipain na ako ng sarili kong mga magulang palabas ng bahay.
Agad ko namang iwinaglit iyon at nagpatuloy. "At dahil din sa pagtakwil ng kaisa-isang lalaking akala kong mahal ako, nag-iba ang takbo ng buhay ko," sabi ko na may panunumbat.
"Na-frustrate ako."
"Gusto kong makahanap ng lalaking kasing sarap niyang humaplos."
"Gusto kong makakita ng lalaki na makapagbigay ng mas higit pa sa init ng kanyang halik."
"Kaya ang ginawa ko, nakipag-date at nakipag-sex ako kung kani-kanino baka sakaling makahanap ako ng taong makapagbigay ng halik na katulad nang ibinigay mo sa akin, Pablo."
"At baka na rin, mahalin nila ako."
"Ngunit mali pala ako. Ni isa sa kanila ay hindi ako minahal. Ni isa sa kanila walang nakahigit sa haplos at halik mo."
"Hindi ko na sila mabilang. Hindi ko na din sila maalala. Kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpasa ng sakit na ito," at tuluyan na nga ulit akong umiyak.
Naaawa ako sa sarili ko dahil sinapit ko iyon ng walang kalaban-laban. Nagkaroon ako ng sakit na ito na ang nais ko lang naman ay may magmahal sa akin.
Naaawa ako sa sarili ko kasi parang hanggang ngayon naglilimos pa rin ako ng pagmamahal kay Pablo. Napayuko at nanlambot kaya muntikan na akong mapaluhod ngunit matibay talaga ang pagkagapos ni Pablo sa akin kaya hindi natuloy iyon.
Napuno na ng luha ang mata ko kaya hindi ko na naaaninag ang paligid ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
"Sorry," maikli niyang bulong na umiiyak na din sabay yakap ng mahigpit sa akin.
At labis ko ring ikinagulat ng hawakan niya ang aking mga pisngi at idinikit niya ang kanyang noo sa noo ko. Saka pinahid ang aking mga luha sa magkabila kong mga mata. "Sorry," sambit niya ulit.
"Sorry, Miggy," sabay siil ng halik sa aking mga labi.
"No!,"pagtutol ko ngunit wala akong nagawa. Nakagapos ako at hawak pa rin niya ang aking mga pisngi.
"Huwag, please," pagmamakaawa ko ngunit tila wala siyang narinig at nagpatuloy sa ginagawang paghalik sakin.
Ramdam ko.
Ang halik na una niyang ibinigay sa akin 20years ago ay katulad ng halik na ibinibigay niya sa akin ngayon.
Puno ng pagmamahal.
Kaya lumaban na ako at naramdaman ko ang pagluwag ng sinturon na nakagapos sa aking mga kamay.
BINABASA MO ANG
When We Start The End (BoysLove)
Short StoryAfter 20 years, he saw that man again. The man that once he loved, he still loves rather. The first man he ever loved. The man who changed his life. Then they talk all night and end up in bed. Pero ayaw niya na may mangyari sa kanila, sa katotohanan...