When We Start The Night

1 0 0
                                    

"Kung gaano siya kagwapo noong sinuntok niya ako. Walang pinagbago iyon."

"At after 20 years nang huli kaming magkita pagkatapos ng high school graduation...."

"...wala..."

"....wala pa ring pinagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon."

Ano pa bang aasahan ei sa mga nakalipas na taon kahit may mga jowa ako, may room pa rin talaga sa puso ko na para lang sa kanya.

Nakakatuwa lang na after 20years nakita ko ulit siya.

Itinaas niya ang bitbit na bote ng alak habang nakangiti sa akin tanda ng kanyang pagbati.

"Samahan mo nga muna ako sa CR, Melanie," pag-aya ni Ofelia sa kaibigan ng makitang papunta sa direksiyon nila si Pablo.

"Huh?"

Tila hindi siya narinig nang isa dahil sa maingay na paligid kaya hinila na lang niya ito.

"Bilisan mo!" Hatak niya kay Melanie. At pumuwesto sila sa di kalayuan at pinagmamasdan ang paglapit ni Pablo sa halatang kabado na si Miggy.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Pablo sabay lapag ng isang boteng beer sa harap ni Miggy saka hinatak ang upuan sa tabi nito at doon pumuwesto.

"I--kaw pa-la?" Pagkukunwari niyang hindi namalayan ang pagdating neto. "Ayos naman ako," saka nilinis ang lalamunan na halatang nanunuyot. Lumagok siya ng beer at nilingon ang katabi niya. "I--kaw?"

"Ayos na ayos lang," maikli nitong sagot. "Cheers tayo!"

"May dapat bang i-celebrate?" Tanong niya sa isip niya. Kinuha niya ang bote ng beer at nag-cheers.

"Bat ka andito?" Gusto sana niyang itanong pero hindi niya tinuloy. Sa katunayan, nagsisimula na naman siyang manalangin na sana hindi na matapos ang gabi.

"Miss kita, sobra" napalingon siya sa katabi nang marinig ito. Napangiti siya.

"Magbobolahan na naman ba tayo?" Gusto niyang itanong iyon kay Pablo pero hindi niya magawa dahil ang totoo kanina pa niya pinipigilan ang sarili na yakapin ang katabi.

"Miss mo rin ba ako?" Tanong neto na tila hindi niya narinig.

"Huh?"

Nabigla siya ng ilapit ni Pablo ang bibig nito sa kanyang tainga at bumulong. "Miss mo rin ba ako?" Pag-uulit nito.

Napapikit siya nang maramdaman ang mainit na hangin mula sa bibig neto. Lalo na yung paglapat ng bibig nito sa napakaiksi niyang balahibo na ramdam na ramdam niya mula kaibuturan ng kanyang kaluluwa kaya nagsitayuan ang lahat ng balahibo na meron siya.

Wala pa rin siyang narinig.

Hindi niya narinig ang sinabi ni Pablo dahil sa ingay. Ingay na dulot ng mabilis ng pagtibok ng kanyang puso at sigaw ng alaalang ganun na ganun ang eksena.

Napalingon siya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Napalunok siya.

Napatingin siya sa mga labi nito.

Napalunok ulit siya.

Napapikit.

"Excuse me." Tanging sambit niya at biglang tumayo palayo kay Pablo.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya palayo ay bigla siyang huminto. Napaisip. Blangko ang kanyang isipan dahil sa inaaway ito ng kanyang puso. Bumuntong-hininga siya bilang sagot na natalo talaga ang gusto ng isip niya na huwag ng kausapin si Pablo at lumayo na lang.

"One."

"Two."

"Three."

Pagbibilang ni Pablo na kagaya ng ginagawa niya dati. Napangiti siya ng maramdamang may huminto sa kanyang likuran.

"Doon tayo mag-usap sa walang tao." Boses iyon ni Miggy.

"May kailangan lang kaming pag-usapan," pagpapaalam niya sa dalawa niyang kaibigan.

"Push lang, Sissy!" Sagot naman ng dalawa at saka siya tumalikod papuntang parking at sumakay sa kanyang sasakyan.

"Sakay na!" Pag-aya niya kay Pablo at agad naman ito nagtungo sa passenger's seat.

Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Pero alam ni Pablo kung saang lugar ang tinatahak ni Miggy. Pamilyar sa kanya ang daan. Hindi lang pala pamilyar. Alam na alam niya ang lugar.

"Ang laki na ng pinagbago ah," simula ni Pablo ng makababa sila sa sasakyan na tinutukoy ang lugar.

"Oo. Kagaya din sa atin. Malaki na rin ang pinagbago," sabat ni Miggy na umupo sa malaking bato. "Akalain mo yun pagkatapos ng 20years, sino ba mag-aakalang babalik tayong dalawa dito. Pero huwag kang umasa na ako pa rin si Miggy dati."

"Siguro nga iba ka na ngayon, hindi ka na yung Miggy na nakilala ko dati pero bat mo ko dinala dito?" Saka umupo sa likuran ng isa.

Magkatalikuran sila ngayon. Kagaya ng ginagawa nila noon.

"Dito tayo bumuo ng pangarap natin dati," natigilan siya at bahagyang napatawa. "Pangarap ko lang pala. Sorry." Biglang tumahimik at tanging mga kuliglig lang ang maririnig at  daloy ng mumunting tubig.

"Dito mo ako tinuruan ng gitara," pagbasag ni Pablo sa katahimikan. "Dito mo rin ako tinuruan kung paano ka mahalin."

"Tumahimik ka," pagpigil ni Miggy. Hindi niya gusto ang narinig dahil nasasaktan siya. After 20years ngayon niya lang narinig iyon mula kay Pablo kaya mas lalo siyang nasasaktan.

"Alam natin na hindi mo ko minahal. Alam mo na sa atin, ako lang ang nagmahal. Tapos ngayon sasabihin mo 'yan?" Panunumbat nito. "Kaya tigilan mo yan!"

"Hindi ka pa rin naniniwala?"

"Sino ba ang gusto mong maniwala? Siguro si Ofelia at Melanie maniniwala pa sayo kaya sa kanila mo na lang sabihin 'yan."

"I loved you pero hindi ko sina--"

"Shut up!" Napatayo si Miggy saka nilingon ang nakaupo pa ring si Pablo. "Tama na!" Mahinahon niyang sabi. "20years na ang nakalipas. Huwag na nating balikan ang hindi dapat binabalikan. Wala ng silbi ang mga iyon."

"May asawa ka na kaya hindi bagay na sinasabi mo iyon sa katulad mong lalaki." Nagpakawala siya ng isang buntong hininga para mawala ang sakit.

"Dinala lang kita dito dahil gusto ko lang na burahin ang mga alaalang ayaw kumawala sa lugar na ito. Kasama ka." Tahimik lang na nakikinig si Pablo.

"Gusto na kitang burahin dito," saka itinuro niya ang kanyang puso. Nagulat siya ng biglang tumayo si Pablo at humakbang palapit sa kanya. Walang anu-ano ay hinawakan siya nito sa pisngi at siniil ng halik ang kanyang mga labi.

Nagpupumiglas siya pero hindi niya magawang makawala dahil hindi niya kaya ang lakas ng malaking katawan ni Pablo.

Ayaw niya ang mga halik na iyon.

Ayaw niya...

Hanggang ayaw niya nang magpumiglas.

Hanggang ayaw niya nang kumalas.

At lumaban na siya.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon