"Ok."
Binasa niya muli ang maikling reply na iyon ni Pablo pagkatapos ng gabing iyon nang pakiusapan niya ito na wala sanang makakaalam sa nangyari. Na wala sanang makakaalam ng tunay niyang pagkatao.
Isang linggo na rin ang nakalipas at ramdam niya ang pag-iba ng pakikitungo ni Pablo sa kanya. Hindi na ito yung Pablo na tatawagin o papansinin siya kapag nakita siya nito sa school. Hindi na ito yung Pablo na magcha-chat sa kanya at nangangamusta. Isang linggo lang ang pagitan pero ang laki na ng nagbago sa takbo ng buhay niya pagkatapos ng gabing iyon.
Nasasaktan siya.
Nasasaktan siya sa pagbabagong iyon.
Nasasaktan siya dahil umasa siya.
Nasasaktan siya dahil mas lalo niyang minahal si Pablo.
"Hoy!" Paggulat sa kanya ni Melanie kaya bumalik siya sa kanyang ulirat. "Ano ba ang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa tulaley diyan ah."
"W--wala. Kinakabahan lang ako," pagsisinungaling niya.
"Ngayon ka pa kakabahan ei beterano ka na sa mga ganito."
"Ewan ko nga ba."
"Hmmm alam ko na yan," singit ni Ofelia. "Naku! Huwag mo muna isipin yung love of your life," bulong nito. "Don't worry my dear Sissy. Tinawagan ko siya kanina at 100% confirmed.....manonood siya! Kaso kasama si jowa!"
Plastik na ngiti lang ang iginanti niya dito.
"Lumabas na kayo at magsisimula na," pagtataboy niya sa dalawa.
"Osha, alis na kami Boy!" Paalam ng dalawa na sadyang pinarinig sa mga taong nasa backstage. Iyon ang endearment nila kapag maraming tao lalo na sa harap ng mga magulang ni Miggy para hindi mahalata ang kanyang itinatago.
Kinuha niya sa bag ang kanyang cellphone ng may magchat dito.
Napangiti siya ng makita ang picture na sinend ni Ofelia. Si Pablo na nasa audience na halatang hindi isinama si Karen sa picture kasi natatakpan ito nung nauna.
"Aja, Sissy." Kasunod naman na chat ni Melanie.
Hindi na niya nagawang magreply pa.
Gulat siya at biglang uminit ang buo niyang katawan dahil sa na-receive na video clip mula sa isang "Arthur Vasquez".
Nagpalinga-linga siya. Familiar kasi sa kanya ang pangalang iyon. Gumuhit sa mukha niya ang galit ng mapako ang kanyang mata sa isang nakangising lalaki sa di kalayuan.
Si Arthur Vasquez. Isa sa mga kalaban niya sa pageant na iyon.
Yumuko ito at nagtype sa kanyang cellphone at bigla naman tumunog ang hawak na cellphone ni Miggy.
"Alam mo kung ano ang mangyayari," banta nito na agad naman niyang nakuha kung ano ang ibig sabihin.
Iniisip niya kung paanong nagkaroon si Arthur ng video na naghahalikan sila ni Pablo. Iyon ay ang gabing nag-inuman silang dalawa sa tabi ng ilog noong nakaraang linggo.
Iniisip niya kung paano nagkaroon ng ibang tao doon noong gabing iyon.
Iniisip niya kung ano ang mangyayari kapag lumabas ang video na iyon at makita ng kanyang mga magulang.
Wala siya sa sarili ng buong pageant kaya naging epekto niyon ay ang pagkatalo niya na labis namang ikinadismaya ng kanyang mga taga-hanga lalung lalo na ng dalawa niyang kaibigan.
"Anong nangyari sa'yo?" Bungad agad ng dalawa na nag-aalala sa kanya ng puntahan siya ng mga ito sa backstage pagkatapos ng pageant.
Nilingon niya si Arthur sa di kalayuan. Nakangisi ito at itinaas bahagya ang hawak nitong trophy na mukhang ipinagmamayabang dahil sa nagtagumpay ito.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Biglang kumulo ang dugo niya kaya walang anu-ano ay sinugod niya ito at binigyan ng isang malakas na suntok.
Napasigaw naman ang mga taong nandoon dahil sa pagkabigla.
Kinuwelyuhan niya ang nakasandal sa pader na si Arthur.
"Burahin mo yun kung ayaw mong mukha mo ang burahin ko," mahina niyang pagbabanta para hindi marinig ng mga tao.
"Hindi mo ba matanggap ang pagkatalo mo?" Sigaw ni Arthur na parang nanghihingi pa ng simpatya sa mga nandoon.
"Burahin mo yun!" Galit na sigaw niya ngunit pabulong pa rin. Susugurin na naman sana niya ulit ito ngunit napigilan siya ng dalawa.
"Pare, tama na..." biglang lumitaw si Pablo sa eksena na inalalayan si Arthur. "Okay ka lang ba, Pare?" Pag-aalala neto sa huli.
Mas lalong uminit ang ulo ni Miggy ngunit pinili niyang tumalikod na lang at lumayo.
"Sissy, anong nangyari?" Tanong agad ng nag-aalalang si Ofelia at Melanie nang marating nila ang kanyang sasakyan na naka-park sa di kalayuan ng venue.
Walang sagot na binuksan niya agad ang pintuan ng driver's seat at pumasok. Dali-dali namang pumasok si Ofelia sa passenger's seat at sa likod naman si Melanie.
Kapwa naghihintay ng kanyang sagot. Wala siyang imik.
"Sissy, ayos lang yan. Minsan talaga natatalo din..." hindi na natapos ni Ofelia ang sasabihin.
"Hindi iyon." Sagot niya na magulo ang utak. "Natatakot ako baka ipagkalat niya ang video," pagsusumbong niya.
"Anong video?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Ang nangyari noong Sabado ng gabi. Sa amin ni Pablo," sagot nito.
"Di ba laplapan to the max lang iyon?" Paglilinaw na tanong ni Melanie.
"Kahit na. Paano kung ikalat niya? Paano kung makarating iyon sa mga magulang ko?"
Natahimik ang dalawa dahil alam nila kung ano ang pwedeng mangyari kay Miggy kapag nalaman ng mga magulang nito ang kanyang totoong pagkatao. Hindi lang bugbog ang aabutin ni Miggy. Tiyak papalayasin ito at itatakwil. Kaya silang dalawa ay natakot rin kapag ikinalat ni Arthur ang video.
Mabilis na kumalat sa social media ang ginawang pananapak ni Miggy kay Arthur. Halos lahat negative ang tingin sa ginawa ni Miggy. Halos lahat basher niya. Kesyo daw hindi nito matanggap ang pagkatalo niya.
"Talunan!" Sabi ng iba.
Talunan nga siya. Kasi hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Itinakwil na siya ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya.
Itinakwil siya ni Pablo.
Itinakwil na siya ng magulang niya matapos mapanood ang video na nakikipaghalikan siya sa nakatalikod na lalaki.

BINABASA MO ANG
When We Start The End (BoysLove)
Cerita PendekAfter 20 years, he saw that man again. The man that once he loved, he still loves rather. The first man he ever loved. The man who changed his life. Then they talk all night and end up in bed. Pero ayaw niya na may mangyari sa kanila, sa katotohanan...