When We Start The Reunion

1 0 0
                                    

"Kamusta ka na?," masayang bati ni Melanie sa kaibigan. Lumapit pa siya ng kunti para marinig siya neto.

Malakas kasi ang tugtog sa school ground at maraming tao sa paligid kaya maingay. Annual Reunion ng high school nila pero ngayon lang sila nagkitang magkaibigan after 20 years.

"Eto macho pa rin naman," at humalakhak pagkatapos nitong ibulong ang sinabi. "At hindi sa pagmamayabang.... "hindi na niya tinapos ang sasabihin pero inilabas niya ang kanyang dimple sabay kindat sa kaharap.

"Ewwww... Naku Miggy kahit sobrang gwapo mo di pa rin kita bet, ano? Isa pa don't seduce me, happily married na ako with two angels. Kaya di pa rin oobra ang pagpapa- cute mo sakin."

"Sino ba nagsabi na sa'yo ako nagpapa-cute?" At inilipat neto ang paningin sa taong nasa likod ni Melanie. At nilingon naman ng huli.

"Bwisit ka talagang bakla ka hahaha at kinurot ito sa tagiliran.

"Watch and learn little sissy," tumayo siya at inayos ang sarili. Humakbang ito patungo sa lalaking kanina pa niyang napapansin na panay ang sulyap sa kanya.

"Go girl," bulong ni Melanie sa hangin bilang suporta sa kaibigan.

Masaya siya dahil isa siya sa naging kaibigan ni Miguel noong high school pa lamang sila. Merong siyang tagapagtanggol. Meron siyang tagalibre kapag walang-wala siya. Pero dahil sa pagkaka-ibigan nila, maraming naiinggit sa kanyang kababaihan.

Paano ba naman? Napaka-suwerte niya para maging kaibigan ang Mr. Campus Crush sa batch nila. Ang pinakasikat na Mr. Campus Crush ng kanilang henerasyon.

"Akala mo lalaki ah," napangiti siya pagkatapos niyang lingunin ang kaibigan na seryosong nakikipagbulungan sa lalaki.

"Di pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin si Miguel na kaibigan ko na hanggang ngayon tinatago pa rin ang tunay na pagkatao. Pero minsan hindi pa rin mapigilan ang pagiging malandi kapag may natipuhang lalaki." Napailing na lamang siya nang kinindatan siya ng kaibigan saka nilagok ang bote ng alak na nasa harapan niya.

Gumuhit ang galak sa kanyang mukha nang makilala ang babaeng masayang kumakaway sa kanya sa di kalayuan. Tumayo siya at masaya ring  sinalubong ang bagong dating. Si Ofelia, na gaya ni Miguel ay matalik niya ding kaibigan.

"Ikaw pa lang ba?" Salubong na tanong agad ni Ofelia.

"Nope." At tumingin sa area na pinaggalingan niya kanina.

"Ai ai parang ako na lang pala ang kulang sa section natin." Sabi niya nang makilala ang mga tao na nasa area na iyon. Ang mga kaklase nila dati na busy lahat sa pag-uusap.

"Wait!" Pinigilan niya ang kamay ni Melanie. "Parang may kulang?" Sarkastiko siyang lumingon sa kaibigan at nakuha naman neto kung sino ang hinahanap.

Umikot ang mata niya sa kinaroroonan ng hinahanap ni Ofelia.

"Hayaan mo na" saway niya sa kaibigan na akmang susugurin si Miguel.

"Ei miss na miss ko na yan ei," parang batang nagpupumiglas niya.

"Uhmmm excuse me Mr. Pogi" sabay napalingon ang dalawa sa biglang sumulpot na si Ofelia. Bigla niyang hinablot ang kamay ng kaibigan at hinila papalayo.

"Loko ka!" Sabay akbay neto sa bagong dating at hinalikan sa ulo.

"Oh oh huwag ka na lumingon," saway ni Ofelia nang mahuling lumingon ang isa sa naiwang lalaki kanina.

"Sino ba yun?" Tanong ni Melanie nang makabalik na ang dalawa sa kanyang tabi.

"Hindi niyo ba naaalala ang pagmumukha na iyon?"

Sabay lingon ng dalawa na na-curious kung sino iyong lalaking nilapitan niya kanina.

"Oh my gosh?" Gulat ang dalawa ng makilala iyon.

"Di ka pa rin ba nakapag-move on sa nangyari?" Tanong ni Ofelia.

"Hindi!" Maikli niyang sagot. "Revenge is coming on our way." Dagdag pa niya. At naningkit ang kanyang magagandang mata ng maalala kung ano ang ginawa ni Arthur para talunin siya dati sa pageant sa bayan nila.

Si Arthur ang kauna-unahang kalaban niya sa pageant na tumalo sa kanya. At hindi niya nakakalimutan kung ano ang dahilan.

Arthur blackmailed him na ikakalat ang video niya na nakikipaghalikan sa kapwa niya lalaki at dahil doon hindi siya nakapag-concentrate sa contest na dahilan ng pagkatalo niya.

Gaya ng iba. Tago ang kanyang tunay na pagkatao. At hindi puwedeng malaman ng lahat iyon lalong lalo na ng kanyang pamilya. Kung hindi tiyak sa kangkungan talaga siya pupulutin.

Kaya nang makita niya si Arthur ay nilapitan niya agad ito at ginawa ang matagal na niyang plano. Plano na 20 years na niyang gustong gawin. At ang plano na iyon ay maisasakatuparan na sana kung hindi dumating si Ofelia.

Andun na sana ei. Bumibigay na si Arthur sa mga galawang Miguel na kung saan hindi makakatanggi bisexual man o straight na lalaki.

"Oi!" Nagulat siya ng biglang pitikin ni Melanie ang kanyang matangos na ilong. "Move on na!"

"Hindi pwede! Hindi pwedeng matapos ang gabi na ito na hindi siya nakukuha!" Seryoso niyang tugon sa dalawa niyang kaibigan.

"Sandali!" Biglang awat ni Melanie. "Alam ko makakamove-on ka sa Arturo na iyon pero...."

"...pero sa kanya, alam ko hinding-hindi pa.!" at nag-iba ang direksiyon ng kanyang paningin.

Si Ofelia man ay gulat ang ekspresyon ng mukha ng makilala ang tinitingnan ni Melanie na bagong dating na ngayon ay nakikipag-usap kay Arthur.

Dahil sa pagtataka ay dahan-dahan niyang nilingon ang tinitingnan ng dalawa. At hindi nga siya nagkamali...

Ang kaninang maingay at magulong paligid ay biglang tumahimik. Nakakabinging katahimikan na animo'y sumabay sa biglang pagtigil ng pagtibok ng puso niya.

Biglang bumalik sa nakaraan ang kanyang diwa ng magtagpo ang kanilang mga mata. Kagaya noong una niyang makita ang galit na mga mata ni Pablo na simula rin ng tanungin niya ang kanyang sarili kung bakit nangyayari sa kanya iyon.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon