When We Start The Secret

2 0 0
                                        

"Pre," napalingon si Miggy sa kaklaseng umakbay sa kanya.

"Ano na naman yan Edwin?" Pasinghal na tanong ni Ofelia. "Iniistorbo mo kami ei," nakabusangot niyang pagrereklamo sa bagong dating na kaklase.

"Ang suplada mo noh?" Pambabara sa kanya ng bagong dating.

"Busy nga kami dito!" Sagot naman ni Melanie na halatang inis na kasi nga naistorbo sila sa pag-jajamming nilang tatlo habang wala pa silang teacher.

Umangat naman ang kamay ni Miggy na may hawak na song hits at binatukan ang noo nang dalawa. "Ang iingay niyo!" Saway niya.

"Aray!" Sabay naman ng dalawa na hinimas pa ang mga noo. "Ei kasi naman..." lumaki at umikot ang mata ni Ofelia pati ang kanyang ilong na iniwasan ang pagmumukha ni Edwin.

"Huwag mo silang pansinin, Pre. Anong atin?"

Lumingon siya sa likod ng classroom at itinuro ng kanyang nguso ang nakaupo doon. "May problema kasi ang isang iyon?"

"At ano naman ang paki namin sa Pablo na yan?" Biglang sabat ni Melanie at inirapan si Edwin. Pero hindi siya pinansin ng huli.

"Gusto sana niyang magpaturo ng gitara. Ei ikaw lang ang kilala namin na marunong dito."

"Magkano naman ang bayad?" Sabat ni Ofelia.

"Mukha kang pera ei hindi naman ikaw ang magtuturo," sita sa kanya ni Edwin.

"Umalis ka na. Wala kang mahihita sa amin," taboy naman niya sa lalaki.

"Sige ba." Nagkatinginan ang dalawa sa sagot ni Miggy.

"Whaaat?" Sabay pa nila.

"Siya makipag-usap sakin, Pare at ituturo ko sa kanya lahat ng nalalaman ko."

Lunch time at walang gana si Miggy na kumain kaya minabuti niyang pumunta na lamang sa library habang hinihintay ang dalawa na bumalik galing canteen.

Hindi magawang pumasok ng kanyang nirereview sa kanyang utak dahil hindi siya makapag-concentrate.

Binabagabag siya ng iisang mukha na kanina pa pabalik-balik sa kanyang isipan. Kinuha niya ang cellphone na nasa kanyang bulsa at pumunta sa gallery nito.

"Ang gwapo mo talaga," sigaw ng kanyang isip nang makita ang stolen shot ng lalaking kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan. Lihim siyang kinilig matapos matingnan ang halos benteng stolen shots na iyon.

Hindi siya nagsasawang titigan ang mga iyon ng paulit-ulit. Pagkagising pa lang niya hanggang sa pagtulog iyong folder na iyon sa kanyang gallery ang una't huli niyang binubuksan sa araw-araw. At kahit saan basta may pagkakataon.

At hindi niya pinapalagpas ang bawat pagkakataon na meron siya para kuhanan ng stolen shot ang lalaking lihim niyang minamahal.

Kagaya ngayon, lihim niyang kinukuhan ito ng shot habang natutulog sa pinakadulong shelf sa library.

Naupo siya sa kabilang shelf na nakaharap dito at lihim na pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. Hindi siya mahahalata nito kung magigising man ito sapagkat nakaharang ang mga libro sa pagitan nilang dalawa. Kaya malaya niyang pinagpantasyahan ang lalaki.

Hindi siya nakatiis kaya nilapitan niya ito and he pointed his finger sa dulo nang matangos na ilong ng lalaki kaya ito nagising. "Tara na, uwi na tayo," pag-aaya niya sa bagong gising na lalaki.

Dumiretso sila sa kwarto niya at di napigilang halikan ang mga labi nito. Habang nag-gagantihan sila sa napakasarap na paghahalikan ay naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa kanyang ulo sabay sinabunutan siya. Wala siyang naramdamang sakit sa sabunot na iyon bagkus nagbigay pa iyon sa kanya ng pagnanais na lalong painitin ang tagpong iyon.

"Ahhh... ahhh... uhhh...

"Aaahhh----ray!," napasigaw siya ng kunti nang maramdaman ang sakit ng kanyang anit dulot ng pagsabunot nito.

"Hoy, ginagawa mo!", takang tanong ni Melanie sa kaibigan. "Kanina ka pa umuungol diyan. Anong ini-imagine mo? Loko ka!"

"A--anong ini-imagine?" Gulat na gulat siya sa pagkaalam na si Melanie pala ang sumasabunot sa kanya. "Kanina ka pa diyan?"

"Oo at kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala. Ano ba ginagawa mo dito?"

"Nag-rereview." Agad niya namang sagot at tumayo. Pero bago siya tuluyang umalis binalik niya muna ang librong hawak at lihim na tiningnan kung naroon pa ang lalaking pinapantasya niya kanina.

Napangiti siya nang makita na andun pa rin ito at nakapikit pa rin.

"Nagugutom ako," pagrereklamo niya sa dalawa pagkatapos ng kanilang pangalawang subject nung hapon na iyon.

"Yan tuloy. Hindi kasi nag-lunch. Ano napala mo?" Panloloko ni Ofelia. "Bumili ka sa canteen tapos libre mo na din kami hahaha..."

"Hindi kayo sasama?"

"Hindi." Maikling sagot ng dalawa.

"Pa-text naman," si Melanie.

Inabot niya ang kanyang cellphone at tumalikod na. Hindi na niya pinilit ang dalawa na sumama pa baka lalo pang tumagal ang diskusyon nila at 30 minutes na lang ay may klase na naman sila.

Habang nakapila sa cashier ay bigla siyang natigilan at napaisip. "Kaka-load ko lang sa kanya ah bat makiki-text?" Pagkatapos niyang magbayad ay dali-dali siyang bumalik sa bench kung saan naroroon ang dalawa.

Masama ang pangitain niya. Na may binabalak si Melanie sa kanyang cellphone.

Napahinto siya sa paglalakad ng biglang lumingon ang dalawa sa kanya habang salitang tumitingin si Ofelia sa kanya at sa cellphone na hawak ni Melanie.

"Ano to, Miggy?," tanong ng huli at pinakita sa kanya ang picture na nasa screen ng cellphone niya.

"Hu--uh,?" Hindi siya makasagot.

"Bakit ka maraming picture niya?" Tanong naman ni Ofelia.

Napatingin lang siya dito. At ilang sandali ay si Melanie naman ang tiningnan niya na naghihintay din ng kanyang isasagot.

Mas lalo na siyang kinakabahan dahil hindi niya alam kung saan huhugutin ang isasagot. Wala na siyang choice.

"Yan ang dahilan kung bakit hindi ako tumanggi na turuan siyang mag-gitara."

"What do you mean?" Curious na tanong ni Ofelia saka lumapit sa kaibigan.

"Mahal ko siya." Yumuko siya.

"Mahal ko si Pablo."

Napaupo ang dalawa sa bench na tila nawalan ng lakas ang mga tuhod dahil sa narinig.

"Bakla ako," pag-amin niya.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon