When We Start The Family

1 0 0
                                    

Kaygandang pagmasdan ang mapayapang dagat. Napakalinaw pa rin kahit nadagdagan ng kulay na reflection ng makulay na kalangitan at ng papalubog na araw.

Kaygandang pagmasdan ang masayang si Migz habang naglalaro ng buhangin kasama ang Daddy niya. Ako naman picture dito, picture doon. Panay picture sa masayang mag-ama at pilit kong itinatatak sa isip at puso ko ang mga ngiti nila.

Hanggang tuluyan nang lumubog ang araw kaya bumalik na kami sa room na nirentahan namin sa bahay nila Cecil.

"Sana ganito palagi noh?" Sabi ni Pablo habang sinasabon ang likod ko. Naramdaman ko na gumapang ang kamay niyang may sabon saking abs at tumaas hanggang makarating saking dibdib.

He suddenly kissed my nape with his tounge on it. Napaiktad naman ako sa sensasyong dulot ng halik na iyon.

Ang sarap.

Napapikit ako at hinawakan ang matambok niyang puwet para idiin ang katawan niya sa likod ko.

I lay my head on his shoulder and we stare on each other. I grab his hair at sinabunutan iyon sabay tulak ng ulo niya patungo sa mukha ko. Naglapat ang kanina pa naming nananabik na mga labi and I give him a smack.

"Huwag dito," pagpigil ko sa kanya. Ngumuso ako paibaba para sabihin na may bata kaming kasama sa loob ng banyo. Buti na lang busy ito sa kakalaro ng tubig.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Pablo mula sa aking likuran. Ramdam ko din ang maiinit niyang hininga na tumatama saking batok.

"Napagod ka ba?" Tanong niya.

"Nope," maikli kong sagot. "Ang binata natin ang pagod na pagod, tinutukoy ko si Migz na nakatulog agad pagkatapos naming maghapunan.

"Oo nga ei, nag-enjoy talaga siya. Salamat huh," tugon niya. "I love you, Miggy," bulong niya sa tainga ko na nagpapikit saking mga mata but I didn't responded.

Kinuha ko ang kanyang kamay at minasahe ito. "Magpahinga ka na, malamang pagod ka na," kumbinse ko sa kanya at agad naman siyang nakatulog.

Hindi ako dinalaw ng antok kaya maraming pumapasok sa isip ko.

Mga bagay na pinaggagawa ko noong wala ng nagmamahal sakin.

Mga bagay na nasayang noong panahon na iyon.

Mga bagay na hindi ko sana ginawa kung hindi ako itinakwil ng mga magulang ko.

Mga bagay na hindi ko sana ginawa kung hindi lang ako itinakwil ni Pablo. Kung minahal niya lang ako noon. Kung hindi lang siya nagsinungaling di sana ay di ako naghihirap ngayon. Sana wala ako sa sitwasyon ko ngayon.

Di sana masaya kami ngayon.

"Good morning, Dada," nagising ako sa isang halik sa leeg ko. Nakiliti kasi ako ng bigoteng patubo pa lang.

"Good morning, Dada," bati rin ng isang napaka-cute na bata sabay halik din sa pisngi ko.

"Good morning, Daddy," bati ko kay Pablo at tinakluban siya ng kumot at doon ko siya hinalikan sa labi. "I love you," bulong ko.

Bigla siyang napasigaw sa sakit. Nilabas namin ang mga ulo namin sa kumot at nakita ko kung paano nanggigigil si Migz sa pagkagat sa kanya.

Kinuha ko si Migz at kiniliti kaya todo tawa niya. Hindi naman nakatiis itong ama at ako naman ang kiniliti kaya napasigaw rin ako na tumatawa at isa pang kiliti mula kay Migz kaya hinuli ko siya at niyakap.

"Alam mo bang nakakagigil kang chubbibo ka huh," gigil ako sa kanya kaya itinaas ko ang kanyang kamay at hinalikan siya sa kili-kili. Hindi kami magkandahumayaw sa tuwa.

Ang saya.

Happy family lang ang peg.

"Sir," tawag ni Cecil habang kumakatok sa pintuan kaya napatigil kaming tatlo sa pakikipagharutan. "Good morning po mga sir," bati niya ng pagbuksan siya ni Pablo. "Nakahanda na po ang agahan ninyo tapos po mag-fifish feeding na po kayo."

"Yehey! I love fish," tatalon-talon si Migz na mukhang excited sa gagawin naming activities ngayong araw.

Agad kaming naglayag pagkatapos naming kumain. Kasama namin si Mang Raffy, tatay ni Cecil, na todo entertain sa amin habang patungo kami sa isla kung saan namin gagawin ang fish feeding.

Todo bantay kami sa bata habang nagpapakain kami ng sangkatirbang isda. Marunong siyang lumangoy dahil baby pa lang ay pinag-swimming lesson na xa ng kanyang Daddy.

Iba't ibang uri iyon na kay gandang pagmasdan lalo na pag nakalubog ka sa ilalaim. Ang sayang pagmasdan ng mga isdang nag-aagawan sa pandesal mong inihain para sa kanila. Lalo na kapag nagkukumpulan sila sa kamay mo na may hawak na tinapay. It's my first time seeing this wonderful creatures at first adventure ko rin ito. Hindi ko kasi ito nagawa dati at busy ako aa ibang bagay. Thanks to Pablo. Thanks to my 'husband'.

Super enjoy naman ang mag-ama habang sumisisid at nagpapakain ng mga isda. Ang saya nilang pagmasdan. Ang saya sa pakiramdam na parang totoo kayong isang pamilya na nagsasalo at gumagawa ng magagandang mga memories together.

Pamilya na noon ko pa pinangarap. Pamilya na bubuuin namin ni Pablo balang araw.

Eto na nga, nasa harapan ko na ngayon ang pamilyang nais kong buuin. Na gusto kong lumaki. Na gusto kong sumaya. Na gusto kong tumibay. Kasama si Migz at si Pablo habang-buhay.

Ngunit kapag minahal ko ang pamilyang ito mas lalo ko lang silang masasaktan kapag ginawa ko na ang binabalak ko. Nagi-guilty tuloy ako lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti ni Migz kapag kasama ako. Ramdam ko kasi ang pagmamahal niya sakin bilang "Dada" niya na hindi niya naipadama sa tunay niyang ina.

Minahal ko pa lalo si Pablo ng mga sandaling magkasama kami. Pinaramdam ko sa kanya iyon.

Pinaramdam ko sa kanya iyon para iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang iniwan. Pero sa akin, doble pala ang sakit na dulot niyon sa aking pag-alis. Parang binibiyak ang aking puso habang nagmamakaawa si Pablo na bumalik ako. Parang nadudurog ang puso ko na marinig din ang pag-iyak ni Migz kasi hinahanap niya na ako.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon