When We Start The Begin

1 0 0
                                    

"Paanong nangyari 'yon?" Tanong ni Melanie kay Ofelia na hindi makapaniwala sa narinig.

"Aba, malay ko. Tanungin mo kaya si Miggy," sabat naman ng isa na natulala na rin.

"Wait!" Tumayo si Ofelia at hinila paupo ang namumutla na si Miggy. "Explain mo nga samin." Pangungumbinsi niya. "Paanong nangyari iyon ei hindi naman namin halata na a-ano ka," nagdadalawang isip siyang sabihin ang salitang 'bakla'. "Isa pa may jowa ka naman dati diba?"

"Pagpapanggap lang ang lahat ng iyon. At ang jowa ko dati, kaya she broke up with me kasi nalaman niya. Pero laking pasasalamat ko sa kanya kasi napakiusapan ko siyang hindi ikalat ang tunay kong pagkatao. Ang tunay na ako," pagpapaliwanag niya.

"Bakit tinago mo sa amin? Bakit hindi mo sinabi?" Si Melanie.

"Baka kasi hindi niyo maintindihan."

"Kaya nga kailangan namin ng explanation mo para maintindihan namin ei." Medyo tumaas ang boses ni Ofelia dahil nakaramdam ng inis. "Boy, kaibigan mo kami. Kami lang to oh. Ako si Ofelia. Siya naman si Melanie. Ibang tao ba kami?"

"Seryoso ka na niyan?" Pilosopong tanong ni Miggy. "Alam niyo naman na sundalo si Papa di ba? Kaya ayon kailangan kong itago kung ano ako. Kung sino ba talaga ako," pagsisimula niya.

"Bukod kasi sa ayokong mabugbog, may kailangan akong protektahan. Ang apelyido namin. Ang kahihiyan na madadala ko sa pamilya kapag nalaman ng lahat na bakla ako," dugtong niya.

"Ang hirap," napayuko siya.

"Ang hirap magpanggap sa lahat ng tao sa paligid mo lalung-lalo na sa pamilya mo na mataas ang pangarap para sa'yo," medyo garalgal na ang boses niya na halatang pinipigilan ang iyak.

"Sa kay Papa, na alam kong madidismaya kapag nalaman niya ito. Ayokong mangyari sa akin ang nangyari sa pinsan ko na itinakwil ng sarili niyang pamilya dahil sa pag-amin niyang bakla siya. Nakita ko kung gaano siya nagmakaawa at tuluyang itakwil na parang hindi kadugo," tumulo na ang kanyang luha.

"Bat hindi mo sinabi sa amin ni Melanie?" Malumanay na tanong ni Ofelia at lumapit sa kaibigan.

"Pasalamat nga ako sa inyo ei kasi nandiyan kayo," napangiti siya. "Kinaibigan niyo ako."

"Syempre crush ka namin kaya lumapit kami sa'yo at kinaibigan ka namin baka nemern," pagbibiro naman ni Melanie.

"Loko ka Boy," lumabas ang pagkalambot ng boses niya. "Di tayo talo, pucha! Hahaha.."

Natawa na rin ang dalawa sa inasta niya.

"Maasahan ko ba na sa ating tatlo lang 'toh?" Hinarap nya ang dalawa na may kagalakan. Nawala na rin ang luha sa mata niya.

"Sissy?" Pagbibiro ni Ofelia.

"Tumigil ka baka may makarinig," pagsaway niya.

"Sissy?" Pabulong na ngayon ni Ofelia.

"Oo, Sissy tayo!" Pabulong niya ding sagot. Napuno ng tawanan ang ang ground kung saan sila ngayon.

"Sissy.....!" Pabulong naman na sigaw ni Melanie habang nakataas ang dalawang kamay na halatang tuwang-tuwa. "Sandali! Bakit si Pablo?" Curious niyang tanong.

Bigla naman siyang namula sa tanong ng kaibigan at lihim na kinilig.

"Tell us from the start, Sissy," pagbibiro ulit ni Ofelia.

"Makinig kayo. Ganito kasi yun", at sabay silang tatlo na tumingin sa langit.

"Nasa isang convenient store ako noon, 5 years ago," pagsisimula niya.

"Ate Coleen, pabili po sundae," sabi ko sa cashier at napalingon ako sa labas nang makarinig ako na may sumisigaw.

Iyon pala ay si Mighty. Ang matandang baliw na laging nakatambay sa labas ng convenient store. Sinusumpong na naman ata.

"Eto na Miggy oh," pagtawag sakin ni Ate saka ko inabot ang bayad. Kilala na ako sa convenient store dahil sa araw-araw akong bumibili ng paborito kong sundae doon. Minsan nga nililibre ako ni Ate kasi mabait daw ako at pogi.

"Huwag ka lumapit sa kanya huh baka saktan ka pag nadiskitahan ka niya," bilin ni Ate bago ako lumabas. Napatingala pa ako sa wind chime nang buksan ko ang pintuan.

"Ikaw ang may kasalanan bakit niya ako iniwan," galit na sigaw ni Mighty. At nakita ko ang paglipad ng tsinelas mula sa kawalan at tumama sa mukha ni Mighty. Tumingin ako sa direksiyon kung saan nanggaling ang tsinelas at nakita ko ang isang bata na mas matanda kaysa sakin na natutuwa sa galit na galit na si Mighty.

Tinutukso pa niya ito na para bang hindi takot sa kung ano ang pwedeng gawin ni Mighty sa kanya.

"Mighty, Mighty, Mighty Leleng. Mighty, Mighty, Mighty Leleng."

Saka pinulot ang lata ng softdrinks at nagposisyon na ibabato ito kay Mighty.

Di ko alam pero awtomatikong tumakbo ako patungo sa bata kaya bago pa niya naibato ang lata kay Mighty ay sinuntok ko ang mukha nito gamit ang sundae kaya napuno ng ice cream ang pagmumukha nito.

Natawa ako sa itsura niya na walang halong takot kahit matangkad pa siya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang galit na galit. Mukha niyang namumula sa galit na puno ng sundae. Ang lumaking butas ng kanyang ilong at umuusok sa sobrang galit. Pero iba yung nakita ko.

"Ang gwapo niya."

Di ko namalayan na papunta na sa akin ang kanyang kamao at BOOM!

"Pablo, anong ginawa mo?" Sigaw ng isang babae na nakita ko pang tumatakbo palapit sa batang sumuntok sakin.

Yun ang narinig ko bago ako nawalan ng malay dahil sa lakas ng pinakawalan niyang suntok.

"Pablo....."

"Pablo....."

Paulit-ulit niyang sambit habang nakangiti sa kalangitan.

"Ang hina mong nilalang, Miggy!" Pagsulpot ni Ofelia sa harapan niya. "Isang suntok ka lang pala," saka tumawa ng malakas.

"Oo isang suntok lang ako at tinamaan na agad ang puso ko," pagbibiro nito.

"Landi mo!" Si Melanie.

"At simula noon...."

"Confirmed." Saka niya kinindatan ang dalawa.

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon