When We Start The Ache

2 0 0
                                        

"Ano kaya 'yon?" Pagtatakang tanong ni Ofelia sa dalawang kaibigan nang makarinig ng kaguluhan sa labas ng classroom.

"Tara tingnan natin," pag-aaya naman ni Melanie at dali-dali silang lumabas na dalawa sa classroom.

Habang si Miggy naman ay napatigil sa pagtipa ng kanyang gitara at napalingon na lang sa dalawa.

Nagtitilian ang mga mag-aaral sa labas at kinikilig sa eksenang napapanood nila.

"Ikaw, ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na..." si Pablo habang nagtitipa ng gitara patungo sa kinikilig na si Karen.

Kasunod niya ang kanyang mga kaibigan na may dalang tig-iisang tangkay ng rosas na inaabot naman sa babaeng pinagkukumpulan ng mga kinikilig din na kaibigan.

"Ikaw, ikaw..." huminto siya sa harap ni Karen at patuloy lang na kumakanta.

"...ang pag-ibig na binigay, sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko, pag-ibig ko'y ikaw....", saka inabot ni Pablo ang isang bouquet ng bulaklak sa namumulang si Karen.

"Would you be my girl?" Tanong ni Pablo sabay luhod sa harapan ng babae.

"Say Yeeeeesss..."

"Say Yeeeesssss..."

Sigawan ng lahat na nakapalibot sa kanila. Ang saya ng buong paligid. Punong-puno ng pag-ibig. Lahat ay kinikilig pati mga guro na nakasaksi kung paano haranahin ni Pablo si Karen.

Ang iba ay naiinggit na parang aagawin na ang bouquet na hawak-hawak ni Karen.

"Say Yeeeesss..." patuloy na sigaw ng lahat.

Hindi mapaliwanag ang sakit na nadarama ngayon ni Miggy ng makitang tumalon si Pablo sa sobrang saya at napayakap kay Karen. Ibig sabihin niyon ay sinagot na ni Karen si Pablo.

Gusto niyang umiyak noon kaya tumalikod na lamang siya upang hindi masaksihan ang nakakakilig na eksena sa labas.

Aside sa sakit na nararamdaman niya ngayon ay masaya rin naman siya dahil nagtagumpay si Pablo na pasagutin si Karen. Iyon ay dahil sa tulong niya. Hindi niya alam ngunit mayroong pagsisisi sa isip niya. Kung hindi lang sana niya tinuruang mag-gitara si Pablo.

"Okay ka lang ba, Sissy?" Nag-aalalang tanong ng dalawa niyang kaibigan.

"Mga loko kayo. Baka may makarinig," luminga-linga siya para siguraduhin na walang tao. "Hindi ba halatang hindi ako okay?" Tanong niya sa dalawa na nakangiti ngunit hindi pa rin maitatago na nasasaktan siya. Na pinipigilan niya ang umiyak. Na gustong-gusto na niya humagulgol.

Niyakap siya ng dalawa at doon na siya lumuha. Doon na siya umiyak sa balikat ng dalawa. Sobrang sakit.

Ang sakit-sakit ngunit kailangan niyang tiisin. Wala kasi siyang karapatang masaktan.

Pero walang kasing-sakit iyon sa nararamdaman niya ngayon. Nag-preno siya at isinubsob ang mukha sa hawak-hawak niyang manibela.

Gusto niyang umiyak. Ngunit wala nga siyang karapatan. Andoon na sana siya ngunit pinili niyang iwanan si Pablo. Andoon na sana siya para tuparin ang pinapangarap niya sa loob ng 20years.

Ngunit mali.

Hindi pwede.

Hindi na pwede.

Kahit buong buhay niya iyong pinangarap, na isang araw ay mapasakanya si Pablo. Pero kailangan niya nang itigil ang pangarap na iyon. Kailangan niya ng wakasan ang lahat. Kagaya ng sinabi niya kanina na kailangan niya ng burahin ang alaala sa lugar na iyon.

Pati si Pablo.

Pinaandar na niya ang sasakyan pagkatapos niyang tawagan ang dalawa.

"Okay ka lang ba, Sissy?" Tanong ng dalawa nang magkita sila kinahapunan.

"Hindi ba halatang hindi ako okay?" Sarkastiko niyang tanong sabay higop ng milktea na inorder nila.

Sabay sila tumawang tatlo kasi naalala nila ang script na iyon.

"Ok na ako. Huwag kayo mag-alala," pangungumbinsi niya sa nag-aalalang mga kaibigan. Saka ikinuwento kung ano ang nangyari kagabi.

Napahinto sila sa kanilang pag-uusap ng makilala ang mga pumasok sa loob ng milktea house. Si Arthur at si Pablo na may kasamang batang lalaki at hawak ng dalawa ang magkabilang kamay nito.

Hindi lang silang tatlo ang napalingon. Pati na rin ang mga costumer na nasa loob ng milktea house na iyon. Sa isip siguro na ang gaguwapo ng mga pumasok. Ang iba naman siguro ay nasasayangan. Halata kasi sa kanilang dalawa na may something dahil sa mga kilos na ipinapakita nila.

"Can we join?" Tanong ni Arthur ng makalapit ito sa kanila kasama ng bata.

Napatingin si Ofelia at Melanie kay Miggy bago sumagot ang huli. "Sure."

Napatingin sa kanya si Miggy pati na rin si Ofelia.

"Ouch," sigaw ng bata ng masipa ito ni Ofelia ng hindi sinasadya sa binti. Si Melanie sana ang sisipain niya para kontrahin ito sa kanyang sagot.

"Oh, what's happened, Baby?" Nagtatakang tanong ni Miggy.

"May sumipa po kasi, Dada," sagot naman ng inosenteng bata. Nagtaka naman silang tatlo kung bakit "Dada" ang tawag nito kay Miggy. Ngunit hindi na nila inisip iyon dahil sa pagdating ni Pablo.

Tahimik ang lahat na nasa mesa. Walang gustong magsalita. Walang gustong magsimula ng usapan.

Ang awkward.

"Gusto mo ba yun, Baby?" Tanong ni Pablo sa bata na inalok ang chicken popsicle na nasa harap ni Miggy.

Ngumiti ang bata na parang nahihiya. Ngunit walang anu-ano ay bumaba ito sa kanyang upuan at tumakbo kay Miggy. Itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang gustong magpakarga kaya kahit nagtataka man ay binuhat siya ni Miggy at pinaupo sa kanyang kandungan.

"I want more, Dada," sigaw ng bata.

Si Miggy, si Ofelia at Melanie naman ay naghihintay kung sino ang sasagot kina Pablo at Arthur.

Tumingala ang bata kay Miggy.

"I want more, Dada!", saka itinaas nito ang kanyang kamay para maabot ang pisngi ni Miggy saka ito ngumiti.

"I love you, Dada!"

When We Start The End (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon