Chapter 36

231 13 2
                                    


Mahal kita tatlong libo

Camille's P.O.V

"ANONG gagawin ko dito?"nagtataka kong sabi sa kanya habang nakatingin dito.napangisi siya at tumawa.

"ano bang ginagawa dito edi suuotin tch?"g na g ah?

"Ehh ang ikli naman ng short ehh"pagmamaktol ko pero bigla nya ako binatukan huhu kanina pa sya nambabatok ah nakakarami na sya

"Ano gusto mo suotin mo ito ohh iyan parin ang susuotin mo?pati dito lang tayo noh"pagpapaliwanag niya at tinulak ako sa banyo.

"Okay fine"pagsuko ko at sinuot yun maikli na short yun katamtaman lang hindi kasi ako sanay sa maikli ehh at yun t-shirt na may tatak na 'kawaii' in english cute japan word kasi ehh

Napag-alaman ko na mahilig si kath sa japan word at mga bagay mula sa japan.gabi na ngayon at kanina lang dumating sya at pinakilala ako ni alexa dito pati sya.pati rin yun kapatid nya na si khian.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako habang hinihigit ko yun short pababa.narinig ko yun pagtawa ni alexa.tawang tawa ah?bakit ganon napapansin ko ngayon palaging nakangiti o nakatawa sya?nakakapanibago naman sanay ako sa pagsusungit nito at pagtataray pero ngayon haystt ewan...

"Wow sexy ah?haha ang cute mo camille~"

Napapoker face ako at binatukan sya.bumabawi lang ako sa pagbatok niya kanina sakin tsk!napaaray na lang siya at lumayo sakin 

"Grabe ah?!"gigil niya na sabi at ngumisi ohh diba bipolar nga talaga sya haystt.tinignan ko yun magkapatid na busy sa pagluluto kaya lumapit ako sa kanila pero napaatras ako dahil na talsik yun mantika

"Anong niluluto n'yo?"tanong ko sa kanila at sinilip yun niluluto nila na isda pero hindi ko alam kung anong isda?ano bang tawag dyan?

"Tuyo bakit hindi ka pa nakakakain nito?"nacurious ako sa sinabi niya at namangha.tuyo ano laya lasa nito?napadila na lang ako sa labi at iniimagine kung masarap ba ito.

"Halatang hindi siya nakain nito ate?"

"Anong lasa ng tuyo ha?"tanong ko sa kanila at niyugyog si khian excited na ako kumain.Parang patay gutom ako noh?hehe pagpasyensyahan nyo ako first time ko kasi makakita ng tuyo na isda ehh..

"Masarap at maalat"simpleng sagot nito at tinanggal yun pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Ahh okay"


Alexandra's P.O.V

"HIJA malalim na ang gabi ah?bakit hindi ka pa natutulog?"napalingon ako kay tita na gising rin pala hanggan ngayon madaling araw na ng gabi at gising parin ako diba nga mahirap ako makatulog..

"Ang hirap matulog tita..."mahinang sabi ko at tumingin sa kalangitan.nasabintana kasi ako yun nabubuksan pero kahoy nga lang ito.naramdaman ko yun pagtabi nito sakin.

"Hanggan ngayon nahihirapan ka parin matulog"alam nya ito dahil minsan na rin ako nakitulog dito at palagi niya ako nakikita na nakatingin sa kalangitan.masarap pagmasdan ang kalangitan lalo't paggabi 

"Tita totoo ba na ampon lang si kath?"tanong ko sa kanya at hinarap ito.nakita ko yun pag lungkot niya at may namumuong luha na sa kanyang mga mata.nainis tuloy ako saking sarili dahil nagtanong pa ako.

"*hik* oo ampon lang siya pero para sakin parang tunay ko na siyang anak kahit alam kong mali"

Napabuga ako ng malalim at niyakap ito.mga iilang minuto katahimikan ay huminto na siya sa pag-iyak at kumalas na sa yakap.hinaplos niya ang pisngi ko sunod ay yun buhok ko.

"Napakabuti mong bata alexa pero maraming pagsubok ang ka haharapin mo,tanda mo hija kahit anong mangyari wag kang magalit sa kanila pag nalaman mo ang katotohanan"napakunot ang noo ko sinabi nito.ano bang ibig niyang sabihin sakin?

"Ano bang pinagsasabi nyo tita?"nagtataka kong tanong,kinuha niya yun dalawa kong palad at hinawakan gamit yun dalawa niyang kamay.ngumiti ito sakin kaya lalo akong naguguluhan

"Malalaman mo rin kung anong ibig sabihin ng sinabi ko"

Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod na.napatawa na lang ako ng mapakla."iniiba nyo naman yun usapan ehh"napakamot ako sa batok

"Hahaha ganon ba?"napailing na lang ako sabi ko na nga ba ehh iniiba lang nya yun usapan tch.umalis na siya at naiwan ako dito.

"Hanggan kaylan ba ako mahihirapan?gusto ko na maalala sila at malaman yun katotohan malapit na..unti unti ko na naalala pero hindi pa sapat para pagdugtong-dugtungin ko ito"bulong ko sa hangin at na pagpasiyahan na bumalik sa kuwarto 

Pagpasok ko na kita ko na tulog na tulog sila camille.sa isang kuwarto kami natutulog iisa lang kasi ehh.nakita ko tulog na si tita basta pag-umiyak makakatulog ka agad subukan nyo umiyak tapos matulog kayo ang bilis hindi mo pa kailangan mag-isip ng kung ano ano.

Humiga na ako katabi si camille nasa gilid kasi yun puwesto ko sanay ako ehh.nakatingin lang ako sa ding-ding at nag-iisip ng kung ano ano.

Ang hirap talaga matulog haystt yun gusto mo na matulog kaso nahihirapan ka tch.siguro kaya hindi ako nakakatulog ng maayos dahil may nag-iisip sakin?diba tama ako pag raw hindi ka makatulog may nag-iisip sayo...

Sino naman kaya ito?bakit kaya iniisip niya ako palagi?grabe na babaliw na ako,imposibleng may nag-iisip sakin noh tch pero malay mo?

Napakamot na lang ako sa ulo at nagtalukbong ng kumot kahati si camille.buti hindi siya sobrang maarte akalain mo napakain ko ng tuyo,napatulog sa masikip,pinagamit ng damit na may kalumaan at nagstay siya dito kahit magulo at mainit.

Isang mayaman na punta sa lugar ng mahihirapan ibang klase.kaunti lang yun kagaya nya bakit kaya hindi siya magustuhan ni paulo?

'Ehh kasi bakla'sagot ng isipan ko

Ganito ang nang yayari pag hindi ka makatulog panay isip at nagmumukha kang baliw.hay makatulog na nga magbibilang na lang ako hanggan 101 haha.

'Mahal kita tatlong libo'

Isang tinig mula saking isipan boses lalaki ito parang familiar sakin yun boses nito?sigurado ako na siya yun nagsabi nito dahil palagi ko naririnig ang tinig nya.halos limang beses ko ng narinig saking isipan yun katagang 'mahal kita tatlong libo'

Kaya nga favorite song ko yun 'i love you 3000' dahil pag napapakinggan ko ito tumitibok ng mabilis ang puso ko.hindi nga talaga ako nagkakamali na siya yun nagsalita siya talaga eh palagi ko na ririnig yun tinig nya dahil minsan siya yun nasa tabi ko...

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako may part sa puso ko yun saya dahil siya yun nagsabi nito.pero bakit ako masaya diba wala lang siya sakin at balewala rin ako sa kanya he's my @#*%& no more no less

My life in university academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon