11

129 9 0
                                    

Nagising ako sa katok at tawag ng aking mga kapatid sa labas ng aking kwarto. Dahan-dahan kong kinusot ang aking nga mata at pinagbuksan sila ng pinto,agad silang pumasok na may mga dalang iba't-ibang klase ng damit. Isa-isa nila itong nilatag sa aking kama.I gave them a confused look at agad naman nakuha ni Kuya Xenon ang ibig kong sabihin.

"Uhm Pumili ka na lang dito,hindi kasi namin alam kung ano ang gusto mong suotin." Sabi niya sa akin

"Pakibilisan Vanadium ha,nandito na si papa at diba may pupunta mamaya dito" Singit naman ni kuya Iron

Tumango na lang ako bilang sagot ko sa kanila.Biglang pumasok sa aking isipan na pupunta pala dito si Xyler mamaya. Kaya nung umalis na ang dalawa,pumasok ako kaagad sa bathroom at nag linis ng aking katawan. I've spent 20minutes in the bathroom. Pagkalabas ko nakatampi lang sa katawan ko ang aking Black Bathrobe at Tinutuyo ko ang natirang tubig sa aking buhok gamit ang aking tuwalya. Pinili kong suotin ang Kulay Maroon na dress na hanggang tuhod ko lang at nakaekis ang strap sa likuran and a pair of maroon flat shoes. I dried my hair using my own Hair Blower after that I put enough powder in my face, a peck of blush-on in my cheeks,mascara and also a liptint. Hiniyaan kong nakalugay ang aking buhok na may kulot sa dulo.

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako sa kwarto at pumunta na sa sala. Nung nasa hagdan pa lamang ako narinig ko na ang kulitan nila ni kuya pati na rin si papa. I cleared my throat to get their attention. Agad naman nilang akong nilingon na may mga ngiti ang labi. Agad kong tinakbo ang pagitan namin ni papa para mayakap ko siya.

"Pa, I miss you" Sabi ko kay papa

"Eyyy I miss you too baby! .. You are so beautiful" Puri pa ni papa sa akin, I just gave him a smile.

"You look so stunning Vanadium"Manghang-mangha na sabi ni Kuya Xenon

"Bolero" Sagot ko sa kaniya at niyakap siya

"Gorgeous little sister" Singit ni kuya Iron at handa na rin akong yakapin.

"Isa ka pa"Sabi ko at niyakip na rin siya.

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupuntahan ko lang si mama sa kusina. Nang dumating ako doon nakita ko si mama,ang busy niya sa paghanda sa mga pagkain para mamaya kasama ang dalawa naming katulong sina Manang Delia at Manang Anelie. Tinawag at niyakap ko siya galing sa likuran.

"Mama,Busy ka yata" Sabi ko sa kaniya agad naman niya akong hinarap.

"Whoa,You are so pretty Vanadium. Diba Manang? " Tiningnan ako ni mama mula ulo hanggang paa ng kaniyang mga malabighaning mata.

"Hala iha,Para kang si mama mo nong kabataan pa niya" Sabi ni Manang Delia

"Oo nga,Mini Lilybeth Si Vanadium. Ang ganda mo" Puri naman ni Manang Anelie.

Sinagot ko lamang sila ng tango at ngiti. Oo kuhang-kuha ko ang pisikal na pagkatao ni mama,Mistisa,makinis ang kutis,May magandang Katawan,Pointed nose, her red plump lips at ang kaniyang Magagandang mata.

"Tutulong po ako" Sabi ko sa kanila

"Naku wag na Vanadium,doon ka na lang sa sala. Kami na bahala dito" agad na sabi nina Manang

"Naku manang ayos lng po,Sanay naman ako" rasun ko sa kanila

"Sigeh na kami na bahala dito Vanadium" sabi ni mama na may mga ngiti sa labi

Kaya napagdesisyunan ko na bumalik na lamang sa sala kung nasaan ang dalawa kong kapatid. Naabutan ko silang tahimik na umuupo sa sofa ,Si kuya Xenon nanonood ng tv samatalang si Kuya Iron naman busy sa kakacellphone. Tahimik akong umupo sa gitna nila. Napatalon ako sa bigla ng tinanung ako ni kuya Xenon.

LS#1:Pessimistic Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon