13

134 12 0
                                    

Nang dumating ako sa classroom nakita ko agad sila Ni Clayze at Zia. Agad ko silang tinawag para ikuwento lahat na nangyari sa weekend ko. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin sana si Xyler pero hindi ko siya nakita sa araw na iyon. Kaya sila na lang ang kinausap ko.

"Zia! Clayze! Dali may kuwento ako sa inyo" Sabi ko sa kanila na parang kinikilig.

"Ano yun? Ikaw ha"

"Dalian mo" Sabi nila na tumitili pati ang iba naming classmate nabaling ang mga attention sa amin dahil sa tilian ng dalawa.

"Pshhh wag kayo maingay" Saway ko sa kanila

Agad naman silang tumahimik at nakinig ng mabuti. Ini-isa-isa ko sa kanila ang mga nangyari,pati na rin ang pagpunta ni Xyler sa bahay ,tumili naman sila na parang walang bukas. Tinutukso nila ako at tinatanong kung sasagutin ko na ba siya pero sa aking isipan masyado pang maaga para diyan at bigla na lang sumingit si Zia.

"Eh kelan? papatagalin mo pa iyan?" pagalit na sabi niya

"Hindi naman sa ganoon,Zi" sagot ko

"Eh ano? Ay naku Clayze ,pagsabihan mo nga ito"Stressed niyang sabi.

Malalim ang aking iniisip. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya sa madaling panahon ,basta wala akong alam at hindi pa din ako handa. First time ko ito eh . May parte na kinakabahan ako baka lokohin niya ako o hindi ko alam. Sabihin niyo ng Negative ako klaseng tao pero advance lang talaga ako mag-isip. Hinayaan na lamang ako ni Clayze mag-isip dahil alam kong nirerespeto niya ang pagmuni-muni ko. Naputol lang ito ng biglang pumasok ang aming guro. Nakita ko rin na pumasok na ang Andrada Twins pero hindi nila kasama si Xyler. Tinanong ko sila gamit ang aking mga mata pero ikinabit nila ang kanilang mga balikat bilang sagot.

Hinintay ko siya hanggang second period pero wala pa rin.Nag-iisa tuloy ako sa likuran,ngayon ko lang ito naramdaman. Alam mo yun, ang aga mong nagising para makita mo siya pero ang ending wala pala ang taong hinahanap-hanap mo. Malas ngayong araw. Hanggang mag-recess pinilit kong hintayin siya pero ni anino niya hindi ko nakita. Kaya kasama  ko sina Clayze at Zia at sumama na rin ang Andrada twins sa canteen dahil nasabi ko sa kanila na si Kuya ang manglibre ngayon at nandoon sina Kuya Xenon at Kuya Iron. Nilibang ko ang sarili ko sa mga bagay-bagay para hindi nila mahalata ang mga kilos kong hinahanap ang presensya ni Xyler.

Tahimik ako sa gilid habang papunta kami sa canteen. Tinngnan mo na naman pares-pares sila,naglalandian,ako na ang nahiya kaya pumunta ako sa gilid, naglagay ako ng earphone saka nakinig na lamang sa music ng "The Vamps ang Somebody to you". Panay pa rin ang hagikhik  nilang apat hanggang sa dumating kami sa loob nga canteen. Ang mga mata ng kababaihan ay natuon sa Andrada Twins, syempre mala-Adonis ang mga mukha nila,may magandang katawan at and they can seize womans heart in no time,not just woman also gays.

Habang nagkukulitan sila sa aking likuran hinanap ng aking nga mata sina Kuya. Nakita ko naman sila dahil winagayway ni Kuya Iron ang kaniyang kamay. Hinatak ko kaagad sila para makaupo na kami doon,bigla silang natahimik nung nasa harapan na kami nina kuya.

"Ang mga kuya lang pala katapat niyo" bulong ko sa aking isipan.

Ni isa sa kanila walang balak magsalita tiningnan ko sina kuya na parehong nasa serysuo nilang aura kaya ako ang nagbukas ng usapan.

"Uhm kuya,these are my friends. I know kilala niyo sina Clayze at Zia---" pakilala ko sa kanila at biglang pinutol ni kuya Iron

"Ang pumunta sa bahay nong nakaraang araw?" Seryusong tanong ni kuya Iron kaya tumango agad sila ni Clayze at Zia. Habang si Kuya Xenon tahimik lang sa kaniyang upuan at tango lamang ang ginawa niya.

LS#1:Pessimistic Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon