12

124 13 0
                                    

Nang hindi ko na maaninag ang sasakyan ni Xyler pumasok na ako sa bahay. Pupunta na sana ako sa aking kwarto ng maabutan ko si papa sa may sala. Kaya nilapitan ko siya at hindi ko inasahan na yakapin niya ako ng mahigpit.

"Anak dalaga ka na" sabi ni papa na may luha ang mga mata

"Papa naman eh,ako pa rin ito. Ang bunso mong anak" Sagot ko sa kaniya

He kiss the top of my head and he answered me while I am burying my face into his chest.

"Kung pwede lang na huwag kang lumaki? Piliin ko iyon anak. Pero kung saan ka masaya,susuportaran kita. "

"Pa hindi naman ako mawawala at kaya ko po ang sarili ko .Huwag ka ng mag-alala ha" Sagot ko sa kaniya

"Osigeh pahinga ka na" Sabi niya sakin

"Ikaw rin pa" sabi ko "You always be my First love pa" at saka niyakap siya ng mahigpit at hinalikan siya sa pisngi bago umalis.

Pagdating ko sa kwarto agad kong hinanap ang cellphone ko. Nahanap ko ito sa aking maliit na mesa. Naglinis ako ng aking katawan at humiga n sa kama. Inabot ko ang aking cellphone sa gilid at binuksan iyon. Nahagip ng aking mata ang isang  mensahe.

From:
09******508
I'm home.
Thank you so much. Goodnight Element ❤️

Napangiti ako habang binabasa ang kaniyang mensahe. I saved his number and name it "XJ😂".Hindi ko na siya nireplyan at natulog na lang.

Naging mabilis ang takbo ng oras. Binisita ako nina Clayze at Zia nung sabado,Chikahan ang aming pinag-uusapan at madami pa. Pumunta din kami sa simbahan nung Linggo nina mama at papa kasama na rin sila ni kuya. Pinili ko white dress ko at pinaresan ito ng kulay black na sandal. Simula nang nag-akyat ligaw si Xyler sa bahay, Naging conscious na ako sa lahat na bagay. Gusto kong mabilis matapos ang mga araw. Gusto ko palaging may klase, kahit sabado at Linggo gusto ko  na manatili sa paaralan..Ano bang nangyari sakin.Ganito ba pag may gusto kang Makita? Kahit Weekends gusto mong gawin weekdays, HAHAHAHA. Hindi ko na ko namalayan na gabi na pala at bukas balik eskwela na naman. Noon Galit na galit ako kung Lunes na bukas pero ngayon gusto ko matapos agad ang gabe.

The usual naghapunan kami kasama ang buong pamilya,tumatawag din si XJ kapag free time ko. Pero sabi ko nga "Family always comes first".  Pagkatapos naming kumain,nanood kami ng tv,nagkulitam,naglalaro ng Scrabble at iba pa,ang usual na bonding naming magpamilya. Hindi nagtagal Nagpaalam na sina mama at papa na magpahinga na kaya niligpit na nila ni Kuya ang mga kalat namin. Nagpaalam na rin ako sa kanila para matulog na.

Pagdating ko sa aking kwarto,The usual routine  ko ang aking ginawa saka natulog na. Kinabukasan aga akong nagising,naligo ako at nagbihis lang muna ng pambahay na damit dahil alas 5:30 pa ng umaga. Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng hindi ginigising. Bumaba na ako at naabutan ko sina mama at papa sa mesa at sina manang na nagluluto ng aming ulam.  Bigla akong umupo at sabay napatingin sila ni mama at papa sa akin. Like they are amazed by me dahil maaga akong nagising.

"Oh,Aga mo ngayon nagising Vanadium ha" nahalata ni papa

"Someone's excited. " Tukso ni mama sa akin.

Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin,kumain na lang ako ng aking agahan at saktong-sakto aalis na sina mama at papa para puntahan ang aming store.

"Bye baby ,see you later" sabi ni mama sabay beso kaya humalik na din ako sa kaniyang pisngi

"Behave Vanadium ha,sabay kayong umuwi ng kuya mo"Bilin ni papa sa akin.

Tango na lamang ang sinagot ko sa kanila at tuluyan na silang umalis. Kaya pinuntahan ko na sila ni kuya para gisingin. Una kong kinatok ang kwarto ni Kuya Iron.

LS#1:Pessimistic Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon