21

122 4 0
                                    

Pagkatapos ng aming graduation sa highschool kasunod naman ang graduation ni Kuya Xenon. Syempre nag celebrate kami dahil Magna Cum Laude siya. Naging mabilis ang araw,hindi na kami masyadong nagkikita nina Clayze at Zia. Wala na rin akong balita sa Andrada Twins pati na rin kay Xyler.

Araw na lang ang bilangin ko pupunta na ako ng Spain para doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Tumatawag ang mga pinsan ko doon,nagmamadali silang makasama kami. Naging maayos na ang lahat doon mula sa bahay namin,ang paaralan ko sa pasukan. Nakakuha na rin ng dalawang ticket papuntang Spain si Kuya Xenon para sa aming dalawa. May Visa na rin kami nina kuya doon dahil napaghandaan na talaga nila ito ni mama. Planado na ang lahat.

Bago kami pupunta ng Spain inaya ko sina Kuya na mamasyal sa mga lugar dito sa amin. Nakombinse ko naman sila kaya heto kami ngayong tatlo sa loob ng sasakyan papunta sa may Baywalk.

"Bakit sa baywalk?" tanong ni kuya Iron

"I want to witness the sunset kuya" Sagot ko sa kaniya ng makarating kami sa aminh destinasyon. Water splash,The smell of the sea,the blow of the wind,The birds flying free in the sky is still the same. Walang pinagbago ang lugar na ito nung pumunta kami ni Xyler.

"You can watch sunset at Spain if you want too Vanadium",rasun niya at umupo sa tabi ko.

"Bakit gusto mo dito?" tanong naman ni Kuya Xenon

"Someone reminds me, Everytime I see sunset kuya. Just look,you can see how beautiful the ending of a sunset. I wish I am a sunset" sabi ko sa kanila sabay turo sa papalubog na araw.

Nanatili kami doon ng mga isang oras pagkatapos iyon nagdesisyun na rin kaming umuwi. Bukas na ang flight namin ala sais ng gabi,pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama sa loob ng aking kwarto na may dalang malaking maleta na kulay Gray.

"Mag-impake ka na. Behave ka doon ha" Paalala ni mama sa akin.

"Sus syempre, " sagot ko naman sa kaniya.

"Sigeh na maiwan muna kita dito ha, maghahanda lang ako ng meryenda niyo total busog naman daw kayo galing sa labas" sabi ni mama at tuluyan ng umalis. Imbes na mag-imapake tiningnan ko ng mabuti ang maleta. Sa tuwing pumapasok sa aking isipan na magpakalayu-layo ako, nasasaktan ako, Hindi ko siyang magawang iwan pero kailangan ko naman to ng sarili ko. Napagdesisyunan ko na "Self love is the fuel to growth."

Nakatunganga pa rin ako sa kawalan ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa doon si Kuya Xenon,may dala siyang pagkain na nakalagay sa tray at nilapag niya iyon sa akin maliit na lamesa sa gilid ng aking kama.

"Snacks muna, Naka impake ka na ba?" tanong niya sa akin habang nilalagay ng maayos ang pagkain.

Tiningnan ko siya ng maigi,natandaan ko ang sinabi ni Xyler na galit si Pria kaya ako napabuntungan, "Kuya? May kilala ka bang Pria?

"Oo ,sa St.Luke nag-aaral. Bakit?" tanong niya sa akin

"May kapatid siya kasi si Alea ang kasama ni Xyler,ang sinasabi niyo palagi," sabi ko sa kaniya sa kalmadong paraan

Umupo na siya sa aking tabi, "What about her? Pria is one of my fling,after that nangin fling then siya ni Iron--"

hindi ko siya pinatapos kaya nagsalita na ako, "Galit siya sa inyo kaya ako ang napabuntungan. Plano ni Alea na kunin ang loob ko gamit si Xyler. And when I fall in,they would dump me. So here I am."

Nakita ko ang pag kuyom ng kaniyang mga kamao,ang paningin niya ay nagdidilim na," Let me handle this princess" sabi niya at akmang aalis pero pinigilan ko siya.

"Kuya Wait, it's fine tapos na iyon. Help me pack my things?" tanong ko sa kaniya at nakangiti. Tumango siya at Nakita ko rin na nakatingin na siya sa anklet na binigay ni Xyler kaya inunahan ko na siya.

LS#1:Pessimistic Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon