35

104 4 0
                                    








TUMINGALA ako mula sa dinidiligang bulaklak. Isang buwan na ang nakalipas ng umalis akong Pilipinas at bumalik dito sa Spain. Hindi ako pumasok sa agency para na rin humupa ang iba’t-ibang issues sa akin. Nasa garden ako ng bahay,ilang minuto ko na ring pinagkakaabalahan ang mga bagong dating na bulaklak. Muli kong ibinalik ang atensyon sa mga halaman. Napangiti ako. Nagkalat anh iba’t-ibang kulay ng roses. There were also tulips,lilies, and birds of paradise. Hindi ko akalaing bukod sa pagmomodelo ay ito pa ang isa pang bagay na magaling ako.







Unti-unting nabura ang ngiti sa aking mukha. Biglang nagbago ang scenery sa harapan ko. It was also a graden but there was a pool beside it. Ang Pool kasi namin dito malayo sa garden. Ipinilig ko ang ulo ko.No, Not this time. Biglang naglaho ang ilusyon. Yes, it was just an illusion. A dream.







Hindi ko lubos-maisip na mag-iisang buwan na pala ako mula nang makabalik ako dito. Ang unang linggo ay naging mahirap, hindi ako makatulog ng maayos,hindi rin ako masyadong nakakakain dahil sa depression. Minabuti kong ibaling ang atensyon sa ibang bagay upang hindi maisip ang mga alaala ko na kasama si Xyler.






Naikuwento ko naman ang lahat na nangyari sa kanila ni papa at pati sa kanila ni tito pagdating ko agad dito. Hindi nila ako pinagalitan o ano, they just listened to me attentively. Doon ko na natagpuan ang gardening. Kahit papaano nakakalimutan ko ang sakit ng aking puso.






Habang lumilipas ang panahon ay nagawang ibalik ko ang aking sarili. Nakakatawa na ako at nakakangiti. Nagagawa ko iyon ng dahil sa kaibigan at pati na rin sa pamilya. They never left my side.







Subalit kahit anong gawin ko ay hindi ko mabura-bura ang pag-ibig kay Xyler. I hated myself for loving him more each day. Alam kong hindi ito basta makakalimutan. Hindi iilang beses na naisipan kong makipagkita muli rito subalit pinigilan ko ang sarili. Maybe at this moment, kasama na niya ang mapapangasawa. I blink back the tears. Hindi na amo iiyak. I had done enough crying.








Itinigil ko ang pagdidilig sa halaman. Sa halip ay muli kong pinagmasadan ang mga ito  Hinawakan ko ang isang orange rose at inamoy iyon.






“I never thought you’d be in horticulture, princess.” Amused na obserbasyon ng isang tinig. Napalingin ako  at nakitang papalapit ang aking ina sa akin.







I smiled at her. “Who would have thought that I have a green hand?Me? Your clumsy daughter.” I exaggerated a bit.







“Ganun talaga iyon, Vanadium. When we fall in love, it bring out the best in us.” Huminto siya sa aking tabi at lumamlam ang mga mata nito.







“Bakit kailangan pang pagtagpuin kung hindi naman nakatadhana, Ma no?” Tanong ko sa kaniya. Umupo kami sa isang kahoy na upuan malapit sa garden.







“Alam mo ba kung bakit nagtagal kami ng papa mo?” panimula niya. Her eyes scream happiness, makikita na sobrang saya niya talaga.






“Ano yun ma?” harap ko sa kaniya. Nginitian niya ako at saka inalalayan niya ang ulo ko papuntang balikat niya. I can feel safe, in my mother’s warmth.





“Kasi di niya hinanap yung wala sa akin at di ko din hinanap yung wala sa kaniya. Kung saan siya mahina, magiging malakas ako para sa kaniya. At kung saan ako may pagkukulang, siya ang pumupuna nito.”







“Swerte mo sa lalaking minahal mo Ma,walang sagabal, walang may pumipigil. Natural lang.” tanging usal ko.






“Kapag bumalik man ang yung isang tao,mas gagawa iyon ng paaran para lumayo. Kung hindi para sa'yo, edi wag. Atleast ginawa mo yung makakaya mo. Don’t beg for someone to stay. Hindi kita ipinanganak para maghabol at magmaka-awa sa isang tao. Tandaan mo iyan.” Pangaral niya sa akin.






LS#1:Pessimistic Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon