Chapter Four

13 1 0
                                    

Chapter Four
Expect

Nagising ako nang makaramdam ng init sa braso at tagiliran. It was a bit cold so I snuggled more. I heard a soft sound from somewhere. Kumunot ang noo ko. Mas lalo kong narinig ang tunog at naramdaman ang bahagyang pagyanig ng sinasandalan ko.

Nang magmulat ay kamay ni Rian ang bumungad sa akin. Nakapaibabaw ito sa kamay kong nakapatong naman sa tiyan nya.

Imbis na hiya ay asar ang namayani sa isipan ko. Pakiramdam ko ay ako at ang pagkakasandal ko ang dahilan ng pigil nyang pagtawa.

I hit him when I realized his already laughing out loud. Pagtapos ay diniinan ko iyon para makabangon.

"Aww... God, you're heavy," he complained.

"Kelan mo kaya ako mababati sa umaga na hindi reklamo ang bungad mo sakin?"

"Good morning," naglalambing na wika niya.

Natawa ako sa bilis nyang sumuko. "Happy birthday!"

Simple lang ang naging selebrasyon para sa birthday ni Rian. Siguro ay simple, dahil hindi ko na iyon masyadong naramdaman sapagkat ilang araw rin namang magkasama ang mga pamilya namin.

Iyon ang huling party na dinaluhan namin bago nagsimula ang eskwela. Naging maayos ang unang linggo ng pagbalik ko sa Balerin University.

Dahil bagong salta, nauunawaan kong magkakaibigan na sila noon pang nakaraang mga taon. My being an Evangelista-Alcaraz didn't help either.

Napansin kong bago ako magpakilala ay mukhang open pa sila na makipagkaibigan sa akin. It was after they heard my family name that they looked the other way.

I can't believe I will experience the same problem I had back in elementary. I can remember that some of my classmates right now were my classmates before.

Still, no one approached me.

Surely, my late grandfather has something to do with it. I'm aware he's got quite a reputation. It's not as if I have a sibling or a cousin to share the same sentiment. The sad truth is, katulad ko, solong anak rin ang mga magulang ko.

When our teacher told us about a group activity, I got really nervous. I expected I'd be left out but a girl named Liana approached me saying they needed another member.

Matapos noon ay sila na ang nakasama ko sa twing break at bakante ang oras namin.

Today is the first Sunday since school started. Palabas na kami ng simbahan noong nakita ko sina Liana, Emil at Alen, mga kasama ko sa grupo. I figured they're really close to each other to have to go to church together.

Kumaway si Liana at nakita iyon ni Mommy. Nang makalapit sila sa amin ay isa-isa nilang pinagmanuhan ang mga kasama ko. I introduced them to my parents.

My Mom asked first if they have plans for the rest of the day before she hastily invited them over our mansion.

Hindi pa sila nakakasagot sa paanyaya ay iginiya na sila ni Mommy na sumakay sa van na dala namin. Wala silang nagawa dahil nasabi na nilang wala na silang plano para sa araw na ito.

We had lunch in our patio. Kami lang dahil ang mga magulang ko ay sa opisina. I was told they needed a working lunch, which was strange because it's Sunday but I just shrugged it off.

Ganon siguro talaga dahil nagbabawi sila ng trabaho sa kompanya.

Liana asked me to give them a tour of our mansion.

Ngayon ko lang iyon gagawin pero buti na lang ay naaalala ko pa kung paano ako binigyan ng tour ni Rian. I just copied his style.

"Ang laki pala talaga ng mansyon nyo, Rafaella!"

Breathe AgainWhere stories live. Discover now