Chapter Eighteen

2 1 0
                                    

Chapter Eighteen
Brave

Hindi pa man nairaraos ang engagement party namin ni Rian ay mabilis ang naging pagkalat ng balita na magpapakasal kami. Kaya naman hindi na rin nagtaka ang karamihan na kasama ko si Rian sa graduation rites namin.

Hindi man sa Balerin University nagtapos ay marami pa rin ang nakakakilala sa kanya. Ang ilan sa mga instructors ay kabatch nya noong nag-aral sya rito, kaya't marami ang bumati at kumamay sa kanya.

He's an alumnus of BU High School after all, not to mention that he's got the highest honor in his batch.

Nakaupo ako sa unahang hanay ng mga graduates. I left Rian at the back, so I was shocked when I saw him seated at the presidential table on stage.

Naroon ang guestspeakers at ilang board of directors ng school. The Vice President of Academic Affairs is saying something to him but his eyes are fixated on me.

Kinunot ko ang noo ko at sinubukan syang tapunan ng nagtatakang tingin. Anong ginagawa nya jan?

The President is giving his opening remarks when I took my phone out. Kumunot ang noo ni Rian sa ginawa ko.

Ako:

Why are you up there?

When I looked at him ay nakayuko na sya. When he looked back, my phone vibrated.

Rian:

Vice Marcelo invited me, I can't say no.

Mabilis akong nagtipa ng reply.

Ako:

Ganda ba naman ng makakatabi.

Katabi nya ang magandang anak ng isa sa director ng school. From the way I see it ay mas nakadikit ito sa nasa kanan nyang si Rian kaysa sa matandang nasa kaliwa. Rian smirked when he read my reply.

Rian:

Ang sabihin mo ganda ng makikita. I can see you better from here, baby. That's why.

Hindi na ako nagreply dahil nag-init na ang mukha ko. Dammit! Hindi na rin ako tumingin sa kanya dahil ayokong makita nya ang pamumula ko pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.

His gaze is almost tangible. Parang pisi na hinihila ako para tignan din sya pero pinigilan ko ang sariling gawin 'yon.

Kahit sinong mapatingin sa kanya ay paniguradong mapapatingin din sa akin. Ano bang trip ng taong 'to?

Dahil naroon na rin sya, alam kong isa sya sa kakamay pag tinawag na ang mga may latin honors. I'm a cum laude kaya't paniguradong aakyat ako sa taas.

Oh God, at alam nya rin iyon! This guy is unbelievable!

Nang si Vice Marcelo na ang nagsasalita ay alam kong oras na para sa pagbibigay ng mga awards. Ipinagyabang pa ng Bise Presidente sa madla ang biglaang bisita namin na si Rian. He's a top notcher anyways.

My fiancee stood up and slightly bowed at the crowd. He even has the audacity to wink at me. Ni hindi ako makapagconcentrate sa ceremony dahil sa mga titig nya.

'Pag minamalas ka nga naman, Vice Marcelo invited Rian to read the citations for the students with honors. Really now, huh?!

Lalong akong kinabahang umakyat sa taas.

Kinalma ko ang sarili. Handa na sana ako pero hindi akin ang unang pangalan na binanggit nya. Mabuti na lang at hindi ako tumayo kundi ay napahiya pa ko.

"Hala, diba ikaw muna?" tanong ng katabi kong Amorante ang apelyido.

Crap! Ako pa yata ang ihuhuli ni Rian. Well, at least I have the time to refine myself dahil paniguradong mapula pa rin ang mukha ko sa palagiang paninitig nya.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now