Chapter Nineteen

5 1 0
                                    

Chapter Nineteen
Jealous

Ang natitirang araw sa linggong iyon ay iginugol namin sa tumana para masubaybayan ang pag-aani. Inabot lang ito ng dalawang araw. Hindi ko alam kung bakit mabilis kumpara sa nakaraang pag-aani. But Tita Rosing, Tito Hernan's wife, said that our being there has something to do with it.

Inspired daw ang mga trabahante dahil mayroon na muling namamahala.

Bago pa mag alas otso ng umaga, araw ng sabado, ay nabakante na ang dalawang truck. Ang dalawa kasing fruit stand ay narito lang sa Balerin, ang tatlo ay nasa kabilang bayan kaya't mga tanghali pa ang balik ng mga iyon.

Naikarga na rin ang mga pakwan na dadalin namin sa La Union nang magtungo kami sa garahe.

Ibinalita na ni Tito Hernan sa mga trabahante ang plano ko sa kita ng lakad na ito at maraming driver ang nagprisenta na magmaneho kahit walang bayad. Hindi lang nagpa-awat si Rian dahil hindi rin naman daw syang papayag na hindi ko sya kasama.

Marcus insisted too, he wanted to see how this proposal I have in mind would turn out.

We can bring the Wrangler and follow the trucks to La Union, but that's not what I'm going for. Hindi ko tinanggap ang nag-aalok na mga drivers kaya't pinagtig-isahan ni Rian at Marcus ang trucks na dala namin.

Miraculously, Third joined us. Halos mag-away pa sila ni Avril dahil ayaw sya nitong payagang sumama.

Kaya ngayon ay pinagigitnaan ako ni Third at Rian sa loob ng isang truck at sinusundan namin sina Marcus na si Avril at Tito Hernan naman ang sakay.

Tamang-tama lang dahil hindi na namin kakailanganin ng pahinante. These three alone, can unload all four hundred watermelons. Para saan pa ang mga muscles nila?

Ang sabi ni Tito Hernan ay intsik daw ang may ari ng pabrika na maari naming pagdalhan ng mga pakwan.

He said that the manufacturing company has been established in Pangasinan but the fruit juice plant in La Union is newly built and their operations just started and is running for six months now.

Hindi rin daw ito kalakihan at dahil doon ay lumakas ang loob ko. Isang ibig sabihin kasi noon ay hindi rin marami ang produce na kailangan nila.

Ang una nyang naisip na buyer ay negosyanteng mayroong malaking pwesto ng mga prutas sa pamilihang bayan. Okay na sana ako roon dahil hindi na kami mahihirapang ipilit ang hindi naman kalakihan na bilang ng pakwang dala namin.

But when I heard about the plant, I want to at least try. Medyo tagilid ang tsansang iyon pero gusto ko pa ring sumubok.

Obviously, if the company has been established, even though that there's safe distance between those two plants, I'm sure they will trust the suppliers of their first plant.

Siguradong kung sino ang nagsusupply sa planta sa Pangasinan ay iyon na rin ang sa La Union. I can only hope that their first plant isn't manufacturing powdered fruit juices like the second.

There's no harm in trying, so I pushed it. Kung hindi namin maibebenta sa kanila ay dadalin namin ang mga ito roon sa negosyante sa kabayanan.

Our only disadvantage is that we didn't set a formal meeting or appointment. Marcus is not really confident about it too. He even said that this will surely depend on luck and luck alone.

And I'm feeling like we're out of that, right now.

We're parked near the high gates of the plant. Si Tito Hernan ay nakikipag-usap sa security guard. Gusto ko ring lumapit at magpaliwanag. Sa nakikita kong paulit-ulit na kamot ni Tito sa kanyang ulo ay mukhang hindi kami pagbibigyan ng gwardya na makausap ang supply manager ng pabrika.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now