Chapter Twenty Three

2 1 0
                                    

Chapter Twenty Three
Cold

"Psst! Rian! Rian, wake up!"

Binato ko sya ng unan pero walang talab 'yon. Malalim pa rin ang tulog nya sa couch.

Tumayo ako at bahagya syang tinapik sa balikat habang sunod-sunod pa rin ang katok na nagmumula sa pinto.

"Rian, anak! Rafa, baby! Are you two still asleep?!" sigaw ni Tita Mari mula sa labas ng kwarto.

"Hang on a second, Tita!"

"Rian! Wake up!" I pinched him.

"Baby, what?" he groaned.

"Your Mom is outside! Wake the hell up!" I whispered in gritted teeth.

He probably drank too much last night at Tito Gav's party. Sa ayos nitong nakaboxer shorts lang ay siguradong hindi nya man lang nagawang maligo kagabi bago magpahinga.

"Madrid Alejandro! If you're not up in ten seconds I swear to God, I'm gonna shake this damn house with the news that we've broken up!"

I know he can hear me. He's just probably too hung over to get up and comprehend. Bumalik ako sa kama dahil hindi natinag si Rian sa banta ko.

"Tita, you can come in now!" malambing na hiyaw ko.

Mabilis pa sa kidlat na umahon si Rian sa sofa at nagmamadaling tumabi sa akin sa ilalim ng kumot.

Tss. Babangon din pala.

Rian's Mom strode inside our room. A help, carrying a bed table with what seems to be a delicious breakfast, followed.

Bihis na bihis na si Tita Mari. She's wearing a red turtle neck shirt and skin tight jeans paired with brown knee-high boots. May nakasabit rin sa kanyang kaliwang braso na brown jacket.

Their house help put the table at the foot of our bed and hurriedly left the room.

"Rafaella, I told you to call me Mama. Isang Tita mo pa ay magtatampo na ako..."

Napakagat ako sa aking labi.

"Anyway, I brought you breakfast. I just want to ask if there's anything else you need. Your Papa and I are going out and we won't be back 'till sundown..."

Rian hugged me and pulled me closer to him. He buried his face on my neck. Naaamoy ko na ang alak sa kanya pero tiniis ko iyon.

"Wala na po, M-Mama..."

"Okay, anak..." bumaling ito sa katabi ko. "Ano, Madrid Alejandro? Dyan ka na ba titira sa leeg ni Rafa? You have a flight this afternoon and you won't even bid your mother goodbye?"

Of course, ang alam nila ay maghohoneymoon kami ng walang hiyang 'to sa Paris. What they don't know though is I'm flying to LA. Bahala na ang asawa ko kung saan nya gustong magpunta.

Umiling si Rian nang nasa leeg ko pa rin ang kanyang mukha, dahilan kung bakit napakislot ako sa kiliti niyon.

"Isang linggong honeymoon na ang inilaan nyo hindi ka pa rin makapaghintay!" hinampas ni Tita Mari ang jacket na hawak nya sa anak.

"We'll be leaving now. Mag-iingat kayo ha, Rafa?"

"You do the same, Mama... Enjoy your day," paalam ko.

Nagtatampong nakatanaw pa rin sya sa walang imik na si Rian. Isang hampas pa muli ang ginawa nya rito nang wala pa ring sinabi ang anak.

"Nako, Rian! Ganyan ka ng ganyan, kapag ako hindi mo nabigyan agad ng apo! Oh sya, bahala ka jan!"

Breathe AgainWhere stories live. Discover now