Chapter Eleven

4 1 0
                                    

Chapter Eleven
Misunderstood

Isa lamang iyon sa mga dahilan kung bakit pansamantalang nagkalamat ang barkadahan namin ni Third at ng kambal.

Lumipas ang isang buong semester at ramdam ko ang pagbabago sa pagkakaibigan namin ni Liana. She's still my friend but we're no longer close to each other like before. No one can tell the difference but me.

Ni walang maghihinala na iba ang pakitungo nya sa akin at kay Third dahil ganoon pa rin sya kagaya ng dati. Sabay kaming kumakain sa cafeteria, palagi kaming groupmates at lagi kaming magkasama kapag nasa loob kami ng university.

"You probably know by now that she's jealous of me. You have got to figure out how to clearly explain this misunderstanding to her," hindi ko na napigilang sabihin iyon kay Third habang nagsusuot ako ng seatbelts.

We're now on our second year in college. Today is the first weekend of our second semester at pupunta kami sa Liwasan para bisitahin ang bahay nila Rian. Pinakisuyuan si Third at inaya nya ako na kaharap sila Tita Mari kaya hindi ako nakatanggi.

Buong linggo na naming inaaya na ihatid ang kambal sa kanila pero panay lamang ang pag-ayaw ni Liana sa alok namin. Palagi nyang dahilan ay malayo ang Liwasan. It wasn't even a big deal before, so I know she misunderstood us big time.

"What?" tanong ng manhid na si Third habang nakatanaw sa papalayong si Liana sa amin.

"Sa Liwasan na ang tungo natin pero hindi pa rin sya pumayag na sumabay."

"Pabayaan mo na sya, Rafaella."

Nakakainis ang mga tirada nyang ganyan. Tuwing susubok akong baguhin ang pag-ayaw ni Liana sa alok na ihatid namin sya ay laging yan ang sinasabi ni Third. He never tried harder to offer. Kapag humindi ay hinahayaan nya na lang kaagad.

"Wala akong problema Alejandro kung hindi nadadamay ang pagkakaibigan namin sa pagiging torpe at manhid mo. Man up! Para kang si-..."

I stopped talking. I got carried away and I shouldn't let myself utter words that are bound to make me regret mentioning.

Noong huli kong birthday, napagdesisyonan ko nang hindi na ako masasaktan sa pag-iisip kay Rian. I know I can't control it, but I decided still.

Higit kumulang apat na taon na syang nakaalis. Siguro naman ay tapos na sya sa pag-aaral. Pero hindi pa rin sya umuuwi. I figured he wants to stay there for good. Kaya hindi na ako naghihintay.

Nang marating namin ang bahay nila Rian ay agad kaming nagtungo sa kusina para kumain.

"Bakit daw hindi makakauwi sina Tita Mira bukas?"

"I don't really know. They won't tell me things especially if it's about our company."

"You sound bitter," he chuckled.

"I'm not. I'm first to show distaste to our company. The reason I didn't study architecture ay wala akong interes na mamahala sa kompanya namin. 'Yon ang naging kahati ko sa oras ng mga magulang ko. Kung ngayon pa lang na dalawa na silang namamahala roon ay halos hindi na sila magkandaugaga, paano pa kung sa akin iyon mapupunta?"

"Then you should marry someone who is."

"Interested with our company? Wow. I didn't know you have exceptional standards in finding someone to marry," I sarcastically said.

"I meant someone who is an architect or is in the same industry. But I'm glad that you think of me as someone who'll marry..." plastik itong ngumiti sakin.

I just rolled my eyes at him and continued eating.

Napag-isip ako sa napag-usapan namin sa hapag kanina. I know that my parents are taking care of our company for the sake of my future. I'm an only child. Kung tutuusin ay sasapat na ang kung anong meron kami rito sa Balerin para bigyan ako ng magandang kinabukasan.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now