Chapter Fifteen

1 1 0
                                    

Chapter Fifteen
High

Avril rode my mother's horse gracefully. Her stance shows that she's really skilled in horseback riding. Her butterfly sleeves are one with the wind.

She's obviously not dressed for this. Na sya ring dinahilan ni Third nang matalo sya kanina. Pero hindi pa rin talaga nagpaawat ang pinsan.

"Sino ang babaeng nangangabayo?" napakislot ako sa baritonong boses ng nagsalita.

"Tito Franco!" I beamed at him. Nagmano ako sa kanya bago sumagot. "Si Avril po, pinsan ni Rian at ni Third."

"Ang akala ko ay bumalik ako sa nakaraan. Ganyang ganyan kagaling ang Señorita kung mangabayo. Hindi rin nagkakalayo ang tindig nila."

Bumalik ang tingin ko sa harapan. Tuwang tuwa si Avril sa pag-ikot. Si Third naman ay nakangiti rin habang marahang nakasunod ito sa pinsan at kay Marcus.

Ayaw pang pumayag kanina samantalang mas magaling pa pala sa kanyang mangabayo ang pinsan nya.

Lumapit si Rian sa amin at nagmano rin kay Tito.

"Kailan ka dumating, Rian?"

"Kahapon lang po, Tito."

Tumango ito at bumaling ulit sakin. "Sino naman ang may gamit sa kabayo mo?"

"Si Marcus po," I answered.

"Nobyo mo ba 'yon?"

I felt Rian stiffened. I did too.

"Hindi po, Tito."

"Mabuti naman," Itinuro nito ang tungkod nya sa gawi ni Marc. "Tingnan mo ang ayos ng tuhod. Hindi sanay..." he chuckled.

I heard Rian's exaggerated sigh of relief. Nilingon ko sya at nakitang may multo ng ngiti sa mga labi nito.

"Ahh, Tito, kaibigan ko po sya sa Amerika."

"Amboy. Kaya pala. Basta pag pipili ka ng nobyo dapat ay yung marunong sa maraming bagay. Sang-ayon ka ba, Rian?"

Napatuwid ng tayo ang katabi ko.

"Opo, Tito."

"Dapat ay yung sanay sa gawaing panlalaki at sanay rin sa pambabae. Marunong magpaligo ng kabayo pero marunong ring maglaba't maglinis ng bahay. Sanay umakyat ng puno ng niyog at alam rin kung paano magluto."

I looked down. Inilagay ko ang mga kamay ko sa likuran at pinagsalikop ang mga daliri.

Kapag kausap ko si Tito Franco ay para talagang laging sinisilihan ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Para kasi syang lalaking bersyon ni Nana.

"Oh, bakit ka nakayuko? Pinakikinggan mo ba ako?"

"O-Opo, T-Tito Franco."

"Sinasabi ko lang. Hindi ba't ggraduate ka na? Ibig sabihin ay pwede ka nang mag nobyo. Magpasalamat ka at hindi kita pinagagalitan, Rafaella. Kitang-kita ko kung paano mong pinalipad ang kabayo mo kanina."

Lalo akong napatungo.

Baritonong tumawa si Tito. "Lintik kang bata ka, oo. Mabuti sana kung kapag ipinaalam ko sa Señorita ang ginagawa mo ay pagagalitan ka... ang takot ko ay baka ayain ka pa noon makipagkarera."

I pouted and suppressed a smile.

"Oh sya, mauuna na ako sa inyo. Rian, pitong taon ko nang hindi natitikman ang laing mo. Bumisita ka sa bahay kapag may oras ka," kumindat ito sa katabi ko bago tumalikod.

Nang nawala sya sa paningin namin ay naupo akong muli sa mahabang upuang gawa sa kawayan. Rian followed me, with a smug look in his face.

"Don't mind Tito Franco," aniya.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now