Chapter Seven

5 1 0
                                    

Chapter Seven
Wait

I thought heartbreak isn't literal. Why do I feel like my heart is literally breaking? Para bang ang lahat ng itinago kong sakit nitong nakaraan ay biglang bumuhos.

Kinabukasan, mabigat ang katawan akong naghanda para sa pagpasok sa eskwela. I smiled at myself in the mirror. Kahit anong ngiti ko ay hindi ko maitago ang pamamaga ng mga mata ko.

Luckily, I never crossed paths with Rian again that week. Third didn't ask about it too. Kaya alam kong hindi iyon binanggit sa kanya ng pinsan nito.

Rian's absence made me feel a little better. Bahagyang nalimutan ko ang sakit mula sa reyalisasyong hindi kami pwede dahil gaya ng iba, isa lang akong batang alagain sa paningin nya.

I went out of the bathroom and headed for my closet. Iyon na yata ang pinakamabilis na pagligong ginawa ko sa buong buhay ko.

Maging sa damit ay hindi ko nagawang mamili. I put on a white spaghetti strap dress with flowy skirt and I skipped blow drying my hair.

Tatlong araw nang nagsimula ang bakasyon at wala akong ginawa kung hindi kumain at matulog. Third was here yesterday but only for an hour.

I already texted Liana and invited her to come over tomorrow. Wala na naman akong gagawin ngayong araw kaya't nagpaalam ako kay Nana Cora na papasyal ako sa greenhouse.

Kay Nana ako sumubok dahil noon pa man ay hindi ako pwedeng magpaalam kay Mommy ng mga biglaang lakad.

Pumayag ito dahil anihan at marami ang taong naroon ngayon. Isa pa, mahaba ang araw dahil summer. Maliwanag na ang langit kahit masyado pang maaga.

Matapos magsuot ng tsinelas ay patakbo akong bumaba ng hagdan. Ayaw kong abalahin si Mang Ramon kaya't nagmadali ako sa pag-aayos. Aabangan ko ang delivery truck at roon na lamang ako sasabay.

"Ate Maricel... Pakisabi kay Nana, lumabas na ko," bilin ko sa nadaanang kasambahay bago tumunog ang cellphone ko mula sa 'di kilalang numero.

"Hello, Rafaella..."

Napahinto ako sa living room sa nakilalang boses. "Hi, Andoy, napatawag ka?"

"Inanyayahan ako ni Liana. Sinisiguro ko lang kung kasama ba ako sa inimbitahan mo," he chuckled nervously.

Lakad takbo kong tinungo ang double doors namin.

"Oo naman, hindi ko kasi alam ang number mo. Sumama ka bukas ha? Magpicnic tayo sa rancho..."

"Sige, darating ako. Kay kambal ko rin pala hiningi ang number mo. Sana... ayos lang sayo," he trailed off a bit.

I pushed the door open and went out. "Oo naman. Sige na Andoy, aasahan kita ha?"

Nang magpaalam ito ay ibinulsa ko ang cellphone at nagpatuloy. Halos talunin ko na ang iilang baitang sa entrada ng mansyon.

"Why are you in such a rush?" narinig ko ang baritonong boses ni Rian.

Kung hindi ako nakahawak agad sa barandilya ay siguradong gugulong ako pababa. Kinakabahang napaangat ako ng tingin.

Kumunot ang noo nya sa muntik ko nang pagkahulog. Umayos ako ng tayo at maingat na bumaba ng hagdan.

He's wearing a white T-shirt and faded maong shorts. What is he doing here? Kung kelan pa ako aalis tsaka nya naisipang bumisita rito.

I cleared my throat and turned to him. I was about to say something but I saw him staring at me. His eyes were so intense that it made me shut my mouth.

"Tinatanong kita, Rafa. Bakit ka nagmamadali?" pagsusungit nya.

Ganoon na ba kalaki ang galit nya sa akin? Humigpit ang hawak ko sa palda ng dress na suot ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa gate ng mansyon.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now