Chapter Five
CrushMy family spent the whole semestral break in LA. With Marcus, I feel so happy to have enjoyed the sandy beach again. Ang sabi ni Liana ay nag-dagat rin sila kasama ang kanyang pamilya. Ang mga Esqueverre lang ang walang pinuntahan.
I could understand why. Sabay ang naging bakasyon sa anihan kaya sa palagay ko ay hindi na sila nagkaroon ng oras para doon.
Matapos ang maikling break, kinwento sa amin ni Emil kung paanong muntik malunod si Liana sa Batangas. He kept laughing at how his sister struggled for air only to realize that the water is just below her chest.
"Meron namang nalulunod sa mababaw, Kuya. Kahit nga sa bathtub lang may nalulunod..."
Nasamid ako sa sariling kong laway ngunit hindi ako nagpahalata.
"Mabuti pala wala tayong bathtub kung ganoon?"
"Bakit hindi ka umuwi?" tanong ko kay Third, nakatanaw pa rin sa nag-aasarang magkapatid.
"Doon kami magpapasko kaya hindi na ako pinauwi ni Nanay..."
Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya. "Kami? Pati sina Tita Mari?"
He nodded and sighed. "We'll be back before the year ends."
I wonder why Rian asked about my break. Does he know that they won't be around this Christmas? I know it's not a must that our families celebrate the holiday season together, but this one is suppose to be our first in years.
Wala naman akong magagawa at alam kong hindi naman dapat iyon tuunan pa ng pansin.
Simula pa lang ng Christmas break ay lumipad na ang mga Esqueverre patungong Spain.
Ako naman ay naging abala sa pagtulong sa mga kasambahay dahil isang linggong paghahanda ang kailangan para sa Christmas party ng mga empleyado. Minabuti ni Mommy na maging magarbo ang selebrasyon ngayon dahil dalawang taon kaming hindi nakadalo sa pagsasalo.
Ideya ni Dad na pag-isahin na ang party. Bukod sa mga attendants sa meat shop, fruit stands at flower shop, narito rin ang mga ranchero at tauhan sa plantasyon. Dahilan para mapuno ng tao ngayong gabing ito ang aming malawak na bakuran.
"Iikot lang kami ng Daddy mo. Huwag ka nang sumama anak, masyadong madami ang tao baka mapagod ka..." si Mommy habang nagpupunas ng labi gamit ang table napkin.
Hindi ako tumutol pero hindi rin lubos ang pagsang-ayon ko roon. She worries about me but I guess it's an opportunity for me to meet people.
"Okay lang po, babalik na lang ako kapag... napagod na," sabi ko, hindi sigurado kung tama bang ipilit ko ito.
Tumango si Mommy at nauna silang tumayo ni Dad. Nginusuan pa ako ni Nana at parang pinipigilang sumunod pero sumenyas ako sa kanyang ayos lang ako.
Paulit-ulit na bati ng maligayang pasko ang narinig ko sa mga tauhan at sa mga magulang ko. Bukod pa roon ay may saglit na kwentuhan sa bawat mesang dadaluhan namin.
Mom walked to the frontliners and I followed her.
Most of them were my schoolmates' parents. Kaya't ilang pamilyar na mukha ang nakita ko sa gawing iyon. Mom is surely going to greet everyone. Ang ilan ay nakikipagkamay habang ang iba naman ay simpleng pagbati lamang ang ginawa.
"Dalaginding na si Miss Rafaella, Señorita," sabi ng isang tauhan mula sa mesang binabati namin.
"Oo nga, Ate Nora. Kung sana lang ay pwedeng pigilan ang pagdadalaga..." ani Mommy sabay tawa.
I smiled because the lot joined my mother. Alam kong hindi naman iyon gaanong nakakatawa but her laugh is really that contagious.
"Señorita, siguradong pila ang manliligaw sa mansyon ninyo," sabi ng isa pa.